Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 7/8 p. 19
  • Aling Bansa Kaya Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Aling Bansa Kaya Ito?
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Nilalabanan ang Katiwalian sa Pamamagitan ng Tabak ng Espiritu
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Ang Ipinangakong Sanlibutan na Walang Katiwalian
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Bakit Kaya Napakaraming Katiwalian?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Matatapos Pa Kaya ang Korapsiyon sa Gobyerno?
    Iba Pang Paksa
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 7/8 p. 19

Aling Bansa Kaya Ito?

Karaniwang minamalas ng mga tao sa nagpapaunlad na mga bansa ang suhol, katiwalian, at karukhaan bilang isang bagay na laganap sa mga bansa sa Aprika at Latin Amerika. Kaya sa aling bansa kumakapit ang sumusunod na pagsipi?

“Nagsisinungaling ang mga minister ng gobyerno, nakulong ang mga negosyante dahil sa katiwalian, nahuli ang mga naglilingkod sa bayan na tumatanggap ng suhol, ayaw paniwalaan ang pulitika, at ang mga [pulitiko] ay nakita na waring sira ang reputasyon, mukhang lango, at haling sa sekso. . . . Sa buong bansa, ang pagnanakaw sa haywey ay nagbalik. . . . Ang karaniwang krimen ay sinamahan ng daluyong ng katiwalian sa industriya, sa pananalapi, at sa paglilingkod sa publiko. . . . Labing-isang milyon katao ngayon ang nagkukulang ng tatlo o higit pa sa pangunahing mga pangangailangan sa buhay, . . . at ang bilang ng mga nabubuhay sa labis na karukhaan​—nagkukulang ng pito o mahigit pa sa mga pangangailangan​—ay tumaas mula 2.5 milyon hanggang 3.5 milyon.”​—Phillip Knightley, The Australian Magazine.

Tama ba ang iyong hula? Ang sagot ay Britanya. Subalit ito’y nakalulungkot na komentaryo sa ating kapanahunan anupat ang nabanggit ay maaaring kumapit sa maraming bansa. Anong laki ng ating pangangailangan sa mabuti, tapat, at matuwid na pamamahala! Oo, kailangan natin ang pamamahala ng Diyos sa pamamagitan ng Kaharian na siyang itinuro ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na ipanalangin, “Dumating nawa ang iyong kaharian.”​—Mateo 6:10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share