Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 9/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Ang Iglesya ng Mormon—Isa Bang Pagsasauli ng Lahat ng Bagay?
    Gumising!—1995
  • Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 9/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Mormon Hindi ako makapaniwala sa aking nakita nang mabasa ko ang artikulong “Ang Iglesya ng Mormon​—Isa Bang Pagsasauli ng Lahat ng Bagay?” (Nobyembre 8, 1995) Tinawag ninyong tunay na mga Kristiyano ang inyong mga sarili dahil sa hindi kayo nakisali sa mga digmaan. Subalit ipinagmamalaki ko ang mga Mormon na nakipaglaban noong Digmaang Pandaigdig II at nakatulong sa mga Judio, na pinahirapan ni Hitler. Ano ang ginagawa ng mga Saksi ni Jehova sa panahong ito bukod sa basta paghihintay at panonood sa anim na milyong Judiong namamatay?

G. D., Alemanya

Totoong nakipaglaban ang mga Mormon na nasa Estados Unidos at Britanya laban sa Nazismo. Subalit hindi gayon sa Alemanya mismo. Ang aklat na “The Nazi State and the New Religions,” na isinulat ng istoryador na si Christine King, vice-chancellor ng Staffordshire University sa Inglatera, ay nag-uulat: “Ang mga Mormon ay sumali sa hukbong sandatahan at may anim na raang Mormon sa hukbong Aleman noong 1940. . . . Patuloy na idiniin ng mga Mormon ang ‘parehong tunguhin’ ng Mormonismo at Pambansang Sosyalismo. . . . Tinuruan pa nga ng ilang lider na Mormon ang kanilang mga kongregasyon ng tungkol sa mga elemento ng Pambansang Sosyalismo, nangunguna sa panalangin para sa mga Führer, tinagurian siya bilang ‘tinawag ng Diyos.’ . . . Dalawa lamang ang iniulat na pangyayari na tumanggi ang mga Mormon sa mga Nazi.” Gayunman, bilang isang grupo ang mga Saksi ni Jehova ay tumangging sumuporta sa rehimeng Nazi. Kaya naman, sila ang naging tudlaan ng malupit na pag-uusig ng pamahalaan ni Hitler. Libu-libo ang ibinilanggo sa mga kampong piitan, at marami ang namatay roon. Tingnan ang labas ng aming Agosto 22, 1995.​—ED.

Nagkapalit na Larawan Ang seryeng “Kathang-Isip ng Siyensiya​—Isang Sulyap sa Ating Kinabukasan?” (Disyembre 8, 1995) ay talagang kasiya-siyang basahin. Subalit, ang larawan ni Jules Verne sa pahina 3 ay waring larawan ni William Morris, isang dalubsining at manunulat noong ika-19 na siglo.

R. G., Estados Unidos

Maraming mambabasa ang nakahuli sa pagkakamaling ito. Nagkaroon ng pagkakamali sa rekord, at nagkamali sa pagpapangalan sa larawan ni William Morris na nasa aming salansan. Humihingi kami ng paumanhin sa pagkakapalit na ito.​—ED.

Kamangha-manghang Sansinukob Pagkatapos na mabasa ko ang inyong seryeng “Ang Kamangha-manghang Sansinukob​—Saan Ito Nanggaling?” (Enero 22, 1996), nagkaroon ako ng mas malinaw na pagkaunawa sa kasalukuyang siyentipikong kaisipan tungkol sa sansinukob. Naitampok ang inyong tinalakay sa pamamagitan ng may kasanayang paggamit ng maraming impormasyon, mga pinagkunan, at mga reperensiya. Bilang isang guro, gagamitin kong mabuti ang materyal na inyong iniharap.

M. P., Estados Unidos

Malimit akong makabasa ng gayunding mga artikulo sa mga magasin, subalit palagi silang nagkukulang na magbigay ng pagpapahalaga sa Disenyador ng gayong kamangha-manghang mga bagay. Naibigay ng inyong mga artikulo kung ano ang kinakailangan upang mapunan iyon.

P. B., Italya

Hindi lamang makatotohanan ang inyong babasahin kundi ito rin naman ay nakapagpapatibay ng pananampalataya. Pinatitibay nito ang ating pagpapahalaga sa ating Diyos​—ang Maylalang ng ating kahanga-hanga, kamangha-manghang sansinukob!

C. S., Gresya

Talagang nakasisiyang basahin ang mga artikulo. Ako’y 14 na taóng gulang, at talagang laging gayon na lamang kalaki ang paghanga ko sa sansinukob. Ipinabatid ng mga artikulong ito sa akin ang kawalang-kabuluhan ng mga tao kung ihahambing sa masalimuot na paglalang na ito.

M. D., Portugal

Binasa ko ang mga artikulo na may pantanging interes. Natutuwa ako dahil sa tinatalakay ng Gumising! ang gayong mga paksa. Nagbigay ito sa akin ng higit na matalinong pagkaunawa sa mga hiwaga ng sansinukob, lalo na ang impormasyong hinggil sa katibayan sa “mga bula” na 100 milyong light-year ang lawak, na may pagkarami-raming galaksi sa labas at walang laman sa loob. Naghaharap ito ng problema sa makabagong teoriya ng big bang! Nagulat talaga akong malaman kung gaano kakaunti ang ating nalalaman tungkol sa sansinukob.

D. K., Czech Republic

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share