Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g96 11/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1996
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1996
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1997
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2000
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—1996
g96 11/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Kawalan ng Trabaho Maraming salamat sa seryeng “Kawalan ng Trabaho​—May Lunas.” (Marso 8, 1996) Dumating ito sa panahong ako’y naghahanap ng trabaho, subalit wala akong makita. Sinubukan kong gumawa ng trabaho sa bahay, gaya ng binanggit ninyo sa pahina 11, at naging matagumpay naman ito. Nagpapasalamat ako kay Jehova dahil sa inyo!

J. M., French Guiana

Inilarawan ng mga artikulo ang situwasyong kinalalagyan ko sa kasalukuyan. Sa loob ng ilang buwan, kailangan kong makibagay sa paggawa ng “lahat ng uri ng trabaho,” gaya ng sabi ng isang artikulo. Subalit hindi ako nasiraan ng loob. Sinikap kong magkaroon ng positibong pangmalas, at sa kalaunan nakasumpong ako ng matatag na trabaho. Sa panahong iyon, natulungan ako ng aking maybahay, na napakatipid sa pamimili. Maraming salamat sa impormasyon na tumutulong sa amin na ikapit ang mga simulain ng Bibliya sa mahihirap na kalagayan.

U. C., Italya

Labis kong nagustuhan ang inyong kahong “Paglikha ng Trabaho sa Bahay.” Ako’y isang regular pioneer, isang pambuong-panahong ebanghelisador, at sa loob ng dalawang taon ako’y nagpatakbo ng isang lisensiyadong home day-care center. Nagbabantay ako ng mga bata bago at pagkatapos ng pasok sa eskuwela at nagkaroon ako ng mahusay na sahod. Malaya akong nakapangangaral sa kalagitnaan ng araw, at ako’y nagtatrabaho ng apat na oras lamang sa bawat araw. Napakaraming magulang ang nagpapasalamat sapagkat ang mahusay na pangangalaga ay mahirap masumpungan. Umaasa ako na ang iba ay makasusumpong din ng trabaho na makatutulong sa kanila upang makapaglingkuran kay Jehova.

T. K. L., Estados Unidos

Sinabi ninyong ang mga taong walang trabaho ay makapagsasarili ng gawaing gaya ng pag-aapholster, pagbabarbero, pagdi-diyanitor, at iba pa. Sinabi rin ninyo na sa ilalim ng ilang kalagayan ay maaari nilang ianunsiyo ang kanilang paglilingkod nang libre o sa mababang halaga. Hindi kaya ito ipinagbabawal sa Alemanya?

R. T., Alemanya

Ang mga batas ay nagkakaiba-iba sa bawat bansa, at marahil ang mga mungkahing ito ay maaaring ipinagbabawal sa ilang bansa. Iyan ang dahilan kung bakit sa pahina 9 ay idiniin namin ang pangangailangan na alamin at igalang ang mga batas sa piskal at buwis bago pumasok sa gayong trabaho. Ang mga Kristiyano ay obligadong sumunod sa mga batas ng bansa kung saan sila nakatira. (Roma 13:1)​—ED.

Zoo Talagang nasiyahan ako sa artikulong “Pag-aaral ng Bibliya​—Sa Zoo!” (Marso 8, 1996) Nagustuhan ko ang impormasyon tungkol sa mga hayop na binanggit sa Bibliya. Hindi ko kailanman alam na ang mga zebra ay binanggit sa Bibliya. Nagustuhan ko rin ang parapo tungkol sa mga langgam. Inudyukan ako ng artikulo na saliksikin ang iba’t ibang hayop sa bawat buwan.

M. F., Estados Unidos

Ang Mahal Kong Kaibigan Ibig kong ipahayag ang aking taimtim na pagpapahalaga sa nakahahalinang artikulo na “Ang Mahal Kong Kaibigan.” (Pebrero 22, 1996) Tuwang-tuwa akong makabasa tungkol sa gayong napakagandang pagkakaibigan na umiral sa kabila ng malaking agwat sa edad. Ipinakikita nito na hindi kinakailangan para sa mga kabataan na ang kanilang maging pinakamalalapit na mga kaibigan ay ang kanilang mga kaedad lamang. Napakaraming may edad na ang may napakaraming maibibigay sa paraan ng kanilang karanasan, karunungan, at katawa-tawang bagay.

S. T., Inglatera

Pinatunayan ng artikulo na ang kabataan at may edad na ay maaaring magsamang mabuti anupat ang mga kabataan ay maaaring makinabang sa mayamang karanasan ng mas matatanda na. Ako mismo ay gumugol ng maraming kanais-nais at kalugud-lugod na oras kasama ng isang higit na may edad nang kaibigan. Malaki ang nagawa niya upang mapakitunguhan ko ang mga problemang gaya ng panggigipit ng mga kasama.

W. S., Austria

Hanggang sa ngayon ay hindi ko kailanman sinubok na matuto mula sa mga may edad na. Dahil sa artikulong ito, ngayon ay nauunawaan ko ang mga bagay na matututuhan ko mula sa gaya nila. Gustung-gusto kong maging isang malapit na kaibigan ng ilang may edad na na sagana sa karunungan.

R. K., Hapon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share