Isang Dalubhasang Hardinero
PINAHAHANGA ng leaf-cutting ant (langgam na pumuputol ng dahon) sa Timog Amerika ang mga biyologo dahil sa masalimuot na mga pamamaraan nito sa paghahalaman. Upang makapaglaan ng pagkain, pinuputol ng mumunting insektong ito ang mga piraso ng dahon at tinitipon ang mga nagkalat na dahon sa pinakasahig ng kagubatan at dinadala ito sa pugad nito sa ilalim ng lupa. Pagkatapos ay dinudurog ito ng langgam at minamasa upang gawing abono sa hardin ng halamanang-singaw nito. Likas na alam ng leaf cutter na ito kung paano patutubuin ang halamang ito sa tamang-tamang temperatura at antas ng halumigmig upang matamo ang pinakamabuting resulta. Upang makagawa ng bagong mga ilalagay, ililipat nito ang mga pinutol na dahon mula sa dati nang mga tanim tungo sa mas bagong lalagyan ng dahon sa lupa. Alam na alam pa nga ng leaf-cutting ant ang sining ng pagtabas upang mapabilis ang paglaki ng halamang-singaw. Napansin ng mga mananaliksik na taga-Wales na ibinabagay ng bihasang hortikulturistang ito ang kaniyang sikap ayon sa kinakailangang pagkain sa pugad, sa gayo’y nakatitipid sa panahon at lakas.
Ang paghahalaman ay mahirap, at nakagugulat ang leaf-cutting ant pagdating sa bagay na ito. Hindi nga kataka-takang sabihin ng Bibliya: “Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka. Bagaman walang nag-uutos, pangulo o pinuno, siya’y naghahanda ng kaniyang pagkain kahit sa tag-init; kaniyang natipon na ang kaniyang panustos na pagkain kahit sa pag-aani.” (Kawikaan 6:6-8) Tunay nga, ang likas na kakayahan ng leaf-cutting ant ay nagpapatunay sa karunungan ng Maylalang nito, ang Diyos na Jehova.—Kawikaan 30:24, 25.