Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 5/8 p. 31
  • Pag-isipan ang Halaga ng Pandarayuhan!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pag-isipan ang Halaga ng Pandarayuhan!
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Kailangan Nating Lumipat?
    Gumising!—1994
  • Mga Dayuhan—Bakit Sila Nandarayuhan?
    Gumising!—1992
  • Maaari Ka Bang ‘Tumawid sa Macedonia’?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2011
  • Mga Dayuhan—Isang Pangglobong Problema
    Gumising!—1992
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 5/8 p. 31

Pag-isipan ang Halaga ng Pandarayuhan!

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA TIMOG APRIKA

IKAW ba’y nag-iisip na mandayuhan sa ibang bansa? Naisip mo na ba ang halaga nito? Hindi namin ibig tukuyin ang pinansiyal na halaga nito. Sa paano man, karamihan ng tao ay nag-iisip mandayuhan upang magkaroon ng mabuting kabuhayan kahit paano. Ibig naming tukuyin ang natatagong halaga na lumilitaw lamang pagkatapos ng aktuwal na paglipat. Sa panahong iyon ay karaniwang huli na ang lahat upang magbalik sa iyong sariling bayan. Ang sumusunod na mga punto ay hindi nilayon upang takutin ka, kundi ang mga ito’y sulit na pag-isipan:

“Ang pag-aaral ng isang bagong wika ay humihiling ng kapakumbabaan at pagsisikap. Nakasisiphayo para sa isang nasa hustong gulang na malaman na kahit na ang mumunting bata ay nag-aakalang siya’y kakatwa sapagkat hindi nila maunawaan siya. Para sa marami ay malaking pagsubok sa kanilang kapakumbabaan ang patuloy na pagkakamali habang madalas na pinagtatawanan dahil sa mga pagkakamali. Napakalungkot ng buhay para sa mga dayuhan na hindi makapagsalita ng lokal na wika.”​—Rosemary, isang misyonera sa Hapon.

Marahil inaakala mong sapat na ang nalalaman mo tungkol sa wika upang manirahan doon. Subalit natitiyak mo ba na sapat na ang nalalaman ng iyong pamilya upang maging maligaya tungkol sa paglipat doon?

Ano ang magiging epekto sa pamilya kung ang ilang miyembro ay napilitan lamang na mandayuhan? “Ang ilang babae [sa Mexico],” sabi ng babasahing Psychology of Women Quarterly, “ay walang bahagi sa pagpapasiyang mandayuhan at talagang ayaw nilang mandayuhan, ni gusto man nilang manatili sa Estados Unidos pagkatapos na mandayuhan.” Sa ilalim ng gayong mga kalagayan, ang sapilitang paglipat ay makapipinsala sa pagkakaisa ng pamilya. Subalit kumusta naman kung ang asawang lalaki lamang ang mandarayuhan?

Tinataya sa aklat na Population, Migration, and Urbanization in Africa na sa isang maliit na lalawigang bansa sa gawing timog ng Aprika, mahigit na 50 porsiyento ng “mga lalaking nasa hustong gulang ang wala sa kanila sa anumang panahon.” Ang pagkawala na ito ay maaaring mag-alis ng pagkakontento at katatagan ng pamilya. Nariyan din ang posibilidad na ang kabiyak ay mahulog sa imoralidad. Ano ngang inam kapag ang pamilya, ito man ay magpasiyang mandayuhan o hindi, ay manatiling magkakasama! Ang pagkakaisa ng pamilya ay isang bagay na hindi maaaring bilhin ng salapi.

Pagkatapos, nariyan ang mabigat na pasan ng pagbata sa pagtatangi. “Natuklasan ko lamang ang tungkol sa ‘kulay ng balat’ nang mandayuhan ako sa Inglatera,” gunita ng isang nandayuhan mula sa India. “Ang [kabatirang] iyan ay nakatatakot. Isang masaklap na pagkasindak. Gusto kong umuwi, upang layuan ang lahat ng ito.”​—The Un-melting Pot.

Kaya bago mandayuhan, tanungin ang sarili: ‘Anu-ano ba ang mapagpipilian? Hindi ba tayo maaaring gumawa ng mga pagbabago sa bahay? Talaga bang sulit ang mandayuhan sa ibang bansa?’ Maaaring maging sulit o maaaring hindi, ngunit bago ka magpasiya, isaalang-alang ang mabuting payo mula kay Jesus: “Sino sa inyo na nagnanais na magtayo ng tore ang hindi muna uupo at kakalkulahin ang gastusin, upang makita kung mayroon siyang sapat upang makumpleto iyon?”​—Lucas 14:28.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share