Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 6/22 p. 3
  • Pagkain—Bagay na Dapat Ikabahala

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagkain—Bagay na Dapat Ikabahala
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Ako’y Pumayat, Magagawa Ito ng Sinuman!
    Gumising!—1993
  • Pagpili ng Nakapagpapalusog na Pagkain
    Gumising!—1997
  • Kung Paano Magiging Balanse sa Pagkain
    Tanong ng mga Kabataan
  • Pakikipagpunyagi sa Sobrang Katabaan—Sulit Ba?
    Gumising!—2004
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 6/22 p. 3

Pagkain​—Bagay na Dapat Ikabahala

“YUMAON ka, kumain ka ng iyong pagkain na may kagalakan,” ang sabi ng Bibliya sa Eclesiastes 9:7. Oo, ang pagkain ay hindi lamang isang pangangailangan kundi isa rin sa pinakamalaking kaluguran sa buhay.

Isaalang-alang ang 34-na-taóng-gulang na si Thomas. Mahilig siya sa karne. At kumakain siya nito araw-araw​—kadalasan ay ilang beses sa isang araw. Ang kaniyang karaniwang almusal ay gatas, ilang itlog, tinapay o tustadong tinapay na pinahiran ng mantikilya, at langgunisa o bacon. Sa mga tindahan ng fast-food, umoorder naman siya ng cheeseburger, French fries, at milk shake. Kapag kumakain sa labas, ang pinipili niyang ulam ay beefsteak. Ang paborito niyang restawran ay nagsisilbi ng 680-gramong steak at baked potato na may sour cream, na siya niyang gusto. Ang paborito naman niyang panghimagas ay chocolate cake na may sorbetes na tsokolate sa ibabaw.

Isang daan at pitumpu’t walong centimetro ang taas ni Thomas at tumitimbang ng 89 na kilo; 9 na kilo ang sobra niyang timbang, ayon sa 1995 na mga tuntunin sa pagkain ng pamahalaan ng Estados Unidos. “Hindi ako nag-aalala sa aking timbang,” ang sabi ni Thomas. “Ekselente ang aking kalusugan. Ni minsan ay hindi pa ako lumiban sa aking trabaho sa nakalipas na 12 taon. Kadalasan, mabuti at masigla ang pakiramdam ko​—mangyari pa, maliban na lamang pagkatapos kong kumain ng 680-gramong steak.”

Gayunman, makasama kaya kay Thomas ang kaniyang pagkain, anupat dahan-dahan siyang ginagawang isang kandidato para sa isang atake sa puso? Sa kaniyang aklat na How We Die, binabanggit ni Dr. Sherwin Nuland ang tungkol sa ‘mga paraan ng pamumuhay na pagpapatiwakal’ at kabilang dito ang pagkain ng ‘pulang karne, malalaking hiwa ng bacon, at mantikilya.’

Paano humahantong sa sakit sa puso para sa marami ang ilang pagkain? Ano sa mga ito ang nagiging sanhi ng panganib? Bago talakayin ang mga tanong na ito, suriin nating mabuti ang mga panganib sa kalusugan ng pagiging sobra sa timbang.

[Larawan sa pahina 3]

Bakit dapat ikabahala ang gayong pagkain?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share