Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g97 6/22 p. 24
  • Ano ang Kinabukasan Para sa Albatros?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Kinabukasan Para sa Albatros?
  • Gumising!—1997
  • Kaparehong Materyal
  • “Ang Pinakamagaling Lumipad sa Buong Daigdig”
    Gumising!—2010
  • Ang Pagbabalik ng Malaking Puting Ibon
    Gumising!—1998
  • Pagsubaybay sa Albatross
    Gumising!—1991
  • Ang Matipid-sa-Enerhiyang Paglipad ng Wandering Albatross
    Gumising!—2013
Iba Pa
Gumising!—1997
g97 6/22 p. 24

Ano ang Kinabukasan Para sa Albatros?

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Britanya

Ano ang kinabukasan ng albatros, ang pinakamalaking ibon-dagat sa daigdig? “Malungkot,” ang ulat ng The Times ng London. Sampu-sampung libo ng mga ito​—tinataya ng mga Australianong mananaliksik na kasindami ng 44,000​—ang namamatay taun-taon. Sa katunayan, ipinalalagay ng mga awtoridad na ang pagala-galang mga albatros, na may kahanga-hangang buka ng pakpak na sampung talampakan ang haba, hindi magtatagal ay malilipol na.

Pagkatapos na makapaghanda sa paglipad ang albatros, patuloy na gumugugol ang mga ito ng pitong taon sa dagat, ay pumapailanlang at sumasalimbay sa libu-libong milya at natutulog pa nga habang lumilipad. Ipinalalagay ng ilan na maaaring naikot na ng mga ibon ang buong mundo nang ilang ulit bago ito bumalik sa dakong pinagsilangan sa kanila upang doon magparami.

Isang sisiw lamang ang napalalaki ng albatros sa isang taon. Subalit sa loob ng nakalipas na 20 taon, ang dami ng gumagala-galang albatros sa Timog Georgia sa Timog Atlantiko at Crozet sa Indian Ocean ay halos nangalahati. Ano ang iniisip ng ilan na dahilan nito? Pangingisda sa pamamagitan ng kitang.

Upang makahuli ng bluefin tuna, ang mga mangingisda ay gumagamit ng kitang, na ang bawat isa’y may daan-daang tagâ. Ang mga hapin ay ibinababa sa popa ng sasakyang ginagamit sa pangingisda. Ang bawat tagâ ay pinapainan ng pusit​—ang pangunahing pagkain ng albatros. Kapag ang ibon ay sumalimbay upang dagitin ang pusit, paminsan-minsa’y nalululon din nito ang mga tagâ. Sa gayon ang nakawit na albatros ay lumulubog kasama ng kitang at nalulunod.

Upang maingatan ang albatros, ang ilang mangingisda ng tuna ay matagumpay na nahimok na ilagay ang kanilang mga kitang sa gabi, kapag hindi nangingisda ang ibon. Ang mga mangingisda ay naghahanap din ng mga paraan upang maikalat ang kanilang mga kitang sa ilalim ng kanilang mga bangka upang hindi makita ng albatros ang kanilang pain. Kasali sa iba pang pamamaraan na ginagamit ay ang pinabigatang mga kitang na mas madaling lumubog at isang uri ng panakot upang itaboy ang mga ibon.

Gayunman, sa malawak na mga dagat sa Timog Atlantiko ay walang mga pamamaraan na ginagamit sa pagsubaybay sa mga bangkang ginagamit sa pangingisda. Ayon sa dalubhasa sa ibon-dagat na si Sandy Bartle, ng Museum of New Zealand, ang mga bangka roon ay “walang ginagawa upang mapahinto ang pagpatay sa mga albatros.” Totoo, ang posibleng pagkalipol ng kamangha-manghang albatros ay isang paglalarawan ng kapabayaan at pagwawalang-bahala ng tao.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share