Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 10/22 p. 15
  • Mga Karaniwang Maling Akala Tungkol sa mga Ahas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Karaniwang Maling Akala Tungkol sa mga Ahas
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Gusto Mo Bang Makatagpo ng Kobra?
    Gumising!—1996
  • Nakaririnig na mga Kobra sa Sri Lanka
    Gumising!—1993
  • Kobra
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pagsamba sa Ahas—Noon at Ngayon
    Gumising!—2010
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 10/22 p. 15

Mga Karaniwang Maling Akala Tungkol sa mga Ahas

NG KABALITAAN NG GUMISING! SA INDIA

Gumapang ang madulas na kobra papalapit sa batang babae, na naakit sa halimuyak ng bulaklak na hasmin na nasa kaniyang buhok. Gumalaw ang mahabang katawan nito na parang alon sa dagat. Nakita ng bata ang kinang sa noo nito na parang isang makinang na hiyas anupat hindi na siya makaalis sa tayô dahil sa mga titig nitong parang naghihipnotismo. Walang anu-ano, lumundag ito at ibinaon ang mga pangil nito sa kaniyang braso.

TAMA o mali? Ang kabuuan ng likhang-isip na larawan sa itaas ay mali at batay sa karaniwang haka-haka na walang katotohanan. Tingnan natin ang ilang maling akala tungkol dito.

1. Ang hasmin, sandalwood, at iba pang halimuyak ay umaakit sa mga ahas. MALI. Ang halimuyak ay umaakit sa mga kulisap, ang mga kulisap ay umaakit sa mga palaka, at ang mga palaka, na isa sa mga kinakain ng ahas, ay umaakit sa mga ahas.

2. Ang mga ahas ay gumagalaw sa pamamagitan ng patayong pag-alon ng kanilang katawan. MALI. Ito ang nagiging palagay kapag ang mga ahas ay gumagapang sa ibabaw ng malalaking bato. Ang likas na paggapang ng mga kobra at iba pang panlupang ahas ay pahalang at deretso. Pasulong nilang iniuunat ang unahang bahagi ng kanilang katawan at hinihila ang huling bahagi o di-kaya, sa tulong ng anumang nakausli sa daan, ay tumutulak sila nang pahalang at pasulong, anupat nagiging korteng titik S.

3. Ang ilang ahas ay may mamahaling bato sa kanilang ulo. MALI. Isang alamat, pati ang paniniwala na binabantayan ng mga kobra ang mga kilalang tao noon sa India.

4. Hinihipnotismo ng mga kobra ang kanilang sisilain. MALI. Karaniwan nang titig na titig ang ahas kapag natatakot, kaya kapag ang mga tao’y nakakaharap ng ahas ang akala nila’y tinititigan sila at hinihipnotismo nito. Gayunman, ito’y hindi isang paraan ng paninila.

5. Nilulundag ng kobra ang kanilang sisilain. MALI. Pasulong na inihahagis ng kobra ang unahang bahagi ng kanilang katawan upang sugurin ang kanilang sisilain, ngunit ang kalakhang bahagi ng kahabaan nito ay nananatili sa lupa upang iangkla ang kanilang katawan. Sa pinakasukdulan, sang-katlong bahagi ng katawan ang iniaangat at ipinang-aatake.

6. Ang balat ng mga ahas, kabilang na ang mga kobra, ay madulas at laging malamig. MALI. Ang balat ng mga ahas, palibhasa’y patung-patong ang mga kaliskis ng mga ito, ay tuyo at kung hihipuin ay parang malambot na katad. Ang mga ahas ay mga kinapal na may malamig na dugo; ang temperatura ng kanilang katawan ay sumusunod sa mga pagbabago ng temperatura sa labas.

7. Ang mga kobra ay bingi. MALI. Isang maling palagay ng marami. Inaakala ng mga ito na ang tanging pakinig ng ahas ay mula sa panginginig sa lupa na nararamdaman ng katawan nito. Tama ang ipinahihiwatig ng Bibliya, sa Awit 58:4, 5, na ang mga kobra ay hindi bingi. Ipinakikita ng kamakailang pananaliksik na ang mga kobra ay nakaririnig ng mga tunog na dala ng hangin at na sila’y tumutugon sa tugtog ng mga manggagayuma ng ahas.​—Tingnan din ang Gumising! ng Hulyo 22, 1993, pahina 31.

[Picture Credit Line sa pahina 15]

Ahas sa itaas: Mga Hayop/Jim Harter/Dover Publications, Inc.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share