Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 8/22 p. 3
  • Tapos Na ba ang Bantang Nuklear?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tapos Na ba ang Bantang Nuklear?
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Digmaang Nuklear—Sinu-sino ang mga Nagbabanta?
    Gumising!—2004
  • Ang Bantang Nuklear—Hindi Pa Tapos
    Gumising!—1999
  • Digmaang Nuklear—Isang Banta Pa Rin ba Ito?
    Gumising!—2004
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Digmaang Nuklear?
    Iba Pang Paksa
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 8/22 p. 3

Tapos Na ba ang Bantang Nuklear?

SA LOOB ng mahigit na 40 taon, ang daigdig ay nabubuhay sa ilalim ng banta ng isang nuklear na apokalipsis. Pagkatapos, noong 1989, gumuho ang Pader ng Berlin​—nauna sa pagbagsak ng Komunismo ng Sobyet. Hindi nagtagal, sumang-ayon ang makapangyarihang mga bansa na itigil ang pag-umang nila ng mga sandata sa isa’t isa. Dahil sa ang nuklear na “Armagedon” ay waring tumigil na, o sa paano man ay ipinagpaliban, ang daigdig ay napabuntung-hininga sa matagal nang hinihintay na katiwasayan.

Gayunman, ipinalalagay ng maraming eksperto na napakaaga pa para magdiwang. Noong 1998, ang bantog na doomsday clock ng The Bulletin of the Atomic Scientists ay iniabante nang limang minuto, tungo sa siyam na minuto bago maghatinggabi​—isang maliwanag na pahiwatig na hindi pa rin napawi ang bantang nuklear.a Totoo, nagbago na ang tanawin sa daigdig. Hindi na nakasadlak ang dalawang pangunahing mga kapangyarihang nuklear sa isang nuklear na di-pagkakasundo. Ngayon, may ilang bansa na rin ang may nuklear na kapangyarihan! Bukod dito, nangangamba ang mga eksperto na balang araw ay makakakuha ang ilang grupo ng mga terorista ng radyoaktibong materyal at makabubuo ng isang di-pulidong bomba atomika.

Karagdagan pa, sa kabila ng malalaking pagbabawas, nagtira pa rin ang Estados Unidos at Russia ng napakalaking arsenal ng mga nuklear na warhead. Ayon sa isang grupong nagsasaliksik na tinatawag na Committee on Nuclear Policy, mga 5,000 sandatang nuklear ang sa kasalukuyan ay napakadaling ilunsad. “Samakatuwid,” sabi ng kanilang ulat, “kung magpalabas ng isang utos na maglunsad sa kasalukuyang mga kalagayan, 4,000 [intercontinental ballistic missile] warhead (2,000 sa bawat panig) ang maaaring papunta na sa mga puntirya nito sa loob lamang ng ilang minuto at 1,000 pang [ballistic missile galing sa submarino] warhead ang patungo na sa mga puntirya karaka-raka pagkatapos.”

Ang pag-iral ng arsenal na ito ay nagbabangon ng totoong posibilidad ng aksidente o binalak pa ngang digmaan. “Isang kritikal na aksidente na doo’y maaaring bumulusok ang daigdig tungo sa kaligaligan ng isang thermonuclear na kapahamakan, na salungat sa nais ng mga lider,” babala ng prominenteng Rusong estratehista na si Vladimir Belous. Kaya bagaman maaaring tapos na ang Cold War, hindi talagang naglaho ang banta ng nuklear na holocaust. Pero gaano nga ba kalaki ang bantang iyon? Maaalis pa kaya sa lupa ang mga sandatang nuklear? Tatalakayin ang mga isyung ito sa susunod na mga artikulo.

[Talababa]

a Ang doomsday clock sa pabalat ng The Bulletin of the Atomic Scientists ay isang sagisag kung gaano kalapit ang daigdig sa sinasabing “hatinggabi” ng nuklear na digmaan. Sa nakalipas na mga dekada, ang minutero ng orasan ay ikinilos upang ipakita ang mga pagbabago sa pulitikal na kalagayan sa daigdig.

[Picture Credit Line sa pahina 3]

Mga Pagsabog sa pahina 2 at 3: U.S. National Archives photo

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share