Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 10/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Anong Masama sa Tsismis?
    Gumising!—1999
  • Paano Kung May Nagtsitsismis Tungkol sa Akin?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Paano Ko Mapahihinto ang Tsismis?
    Gumising!—2007
  • Ano’ng Masama sa Tsismis?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 10/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pag-iral ng Diyos Hindi ko mailarawan kung gaano kapaki-pakinabang sa akin ang seryeng “Talaga Bang Umiiral Ang Diyos?” (Pebrero 8, 1999) Ipinakilala nito sa akin ang Diyos na madalas kong naririnig ngunit hindi ko masumpungan. Mula sa kaibuturan ng aking puso, salamat sa inyo sa pagtanglaw sa landas ng katotohanan para sa mga taong tulad ko.

C. P., Brazil

Nakatutulong sa Kabila ng Pagiging Bulag Maraming salamat sa kuwento ng buhay ni Polytimi Venetsianos, na “Nakatutulong at Maligaya sa Kabila ng Aking Pagiging Bulag,” sa isyu ng Pebrero 8, 1999. Ang kaniyang tibay ng loob at matatag na pananampalataya sa Diyos ay lubhang nakaantig sa aking puso. Sa isang banda, ang buhay ng pambihirang babaing ito ay puno ng kawalan at kahirapan. Ngunit sa kabilang panig naman, mayaman ito sa di-matutumbasang mga pakinabang. Ako’y naniniwala na ang kaniyang kasaysayan ay magsisilbing malaking tulong at pampatibay sa lahat ng nanghihimagod na sa mahirap na takbuhin ng buhay.

K. R., Russia

Pananamit Ako ay 11 taong gulang, at wala akong maapuhap na salita upang ipahayag ang aking pasasalamat sa napakainam na tagubilin sa artikulong “Ang Uri ng Ating Pananamit​—Talaga Bang Mahalaga Ito?” (Pebrero 8, 1999) Dati, nais kong manamit tulad ng aking mga kaklase. Ngunit tinulungan ako ng artikulong ito na makita na ang aking pananamit ay dapat na malinis​—hindi masagwa o labis.

A. S., Estonia

Nalulungkot ako kung minsan kapag sinasabi ng iba na ang aking mga damit ay makaluma o pormal. Ang inyong artikulo ay lubhang nakapagpapatibay dahil tiniyak nito na ang pag-sunod sa mga simulain ng Bibliya ay kapaki-pakinabang.

R. L., Brazil

Sa nakalipas na maraming taon ang aking damdamin sa mga Saksi ni Jehova ay magkahalong awa at pagkatuwa. Pagkatapos ay ibinigay sa akin ng isang kaibigan ang kopya ng Pebrero 8, 1999 na isyu ng Gumising! Lubhang kawili-wili ang pagbabasa ng magasing ito at binago nito ang aking pangmalas sa mga Saksi. Lalo nang hinangaan ko ang artikulo hinggil sa pananamit, na siyang naglarawan sa sarili kong pag-uugali pagdating sa pagbili ng mga damit. Sa hinaharap, hindi na ako masyadong maghahangad ng mga damit na may kilalang tatak. At hihilingin ko sa aking kaibigan na ikuha pa ako ng mas maraming magasin ninyo upang aking mabasa!

U. B., Alemanya

Mga Pestisidyo Kaming mag-asawa ay tunay na nasiyahan sa artikulong “Hindi Lamang mga Insekto ang Pinapatay ng Kemikal na mga Pestisidyo.” (Pebrero 22, 1999) Bilang mga dalubhasa ng kapaligiran, sinubukan naming labanan ang panlalason sa lupa. Nakatutuwang masumpungan na may mga tao sa Brazil, Tsina, at iba pang mga bansa na nababahala rin at gumagawa para sa ikabubuti.

W. G., Canada

Tsismis Maraming-maraming salamat sa artikulong “Ang Mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Anong Masama sa Tsismis?” (Pebrero 22, 1999) Ilang panahon na ang nakalipas, nang may nagkalat ng tsismis na ako na ang susunod na ititiwalag sa kongregasyon, personal kong natuklasan kung gaano kasakit ang tsismis. Labis akong nasaktan ng kasinungalingang iyon! Humingi ng tawad ang taong may kagagawan nito, ngunit nawala na ang aking tiwala sa kaniya.

R. M., Switzerland

Palasak ang tsismis sa aking paaralan, kaya ang artikulo ay tunay na nakapagpapatibay at nakapagpapalakas sa akin. Nahihiya akong sabihin na nagtsitsismis ako upang pasamain ang iba. At kapag may mga magkakaibigan na nagsisiraan, nakikinig ako at sumasali pa nga sa usapan. Kaya nang mabasa ko ang artikulo, nabigla ako at naramdamang ang bawat pangungusap ay nagpapayo sa akin sa mga bagay na ginagawa ko. Hiyang-hiya ako sa lahat ng ginawa kong tsismis. Alam kong magpapatuloy ang tsismis sa aking paaralan, ngunit determinado akong magkaroon ng sapat na lakas upang hindi maging bahagi nito.

M. W., Hapon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share