Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 3/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Panghalina ng Santeria
    Gumising!—2000
  • Ang Aking Pakikipaglaban sa Endometriosis
    Gumising!—2000
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2000
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 3/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Santeria Sinimulan ninyo ang inyong artikulo sa Gumising! na “Ang Panghalina ng Santeria” (Hulyo 8, 2000) sa pamamagitan ng pagpapahiwatig na namumukod-tangi ang katanyagan ng Santeria sa Cuba at na mula sa Cuba ay unti-unting naipasok ang Santeria sa ibang mga bansa. Subalit sa pinakaloob ng artikulo, makikita natin na ang mga aliping Aprikano na galing sa Nigeria ang nagdala ng Santeria sa lahat ng mga isla sa Caribbean. Ang artikulong ito ay hindi isinulat ng isang taga-Cuba kundi ng isang taga-Mexico. Ito ang tinatawag na yellow journalism (pilipit na paraan ng pamamahayag), at nakasisira ito sa inyong kredibilidad.

V. R., Estados Unidos

Wala kaming intensiyong ipahiwatig na “namumukod-tangi ang katanyagan [ng Santeria] sa Cuba.” Sa kabaligtaran, ipinakita namin na ang Santeria ay malawakang isinasagawa sa ibang bahagi ng daigdig, pati na sa Mexico at sa Estados Unidos. Kung tungkol naman sa paglaganap ng Santeria, sinasabi ng “Encyclopædia Britannica” na ang Santeria ay isang “relihiyosong kulto na nagmula sa Cuba at lumaganap sa karatig na mga isla . . . Nabuo ito mula sa mga tradisyon ng mga taong Yoruba (ng makabagong Nigeria at Benin).”​—ED.

Endometriosis Maraming-maraming salamat sa artikulong “Ang Aking Pakikipaglaban sa Endometriosis.” (Hulyo 22, 2000) Ako man ay nasuri na may endometriosis at ako’y nahirapan nang husto. Hindi nauunawaan ng ilan sa aking mga kapatid na Kristiyano kung bakit lagi akong may sakit. Subalit matapos basahin ang artikulo, iba na ngayon ang kanilang pangmalas.

G. S., Jamaica

Ang pagbabasa tungkol kay Deborah Andreopoulos ay parang pagbabasa sa aking sariling talambuhay! Naghirap ako sa loob ng maraming taon, at ang artikulong ito ay sagot sa aking mga panalangin. Naglaan ito ng pampatibay-loob na kailangang-kailangan.

J.C.F., Ireland

Dalawa’t kalahating buwan na ang nakalilipas, nasuri na ako ay may endometriosis. Ang higit na ipinagpapasalamat ko ay ang pagkaalam na hindi ako nag-iisa at na maraming babae ang nakararanas ng gayunding bagay.

A. W., Guatemala

Salamat at tinalakay ninyo ang matinding epekto ng sakit na ito hindi lamang sa pasyente kundi maging sa mga kaibigan at pamilya. Nang makita ko ang inyong artikulo ay nadama kong talagang nagmamalasakit si Jehova at nauunawaan niya kung ano ang nararanasan namin.

N. A., Canada

Ilang araw na lamang at ooperahan na ako, at ang karanasan ni Deborah Andreopoulos ay isang pampatibay-loob sa akin. Ngayon, sa palagay ko’y mahaharap ko na ang aking problema taglay ang isang mas panatag na kalooban.

M. B., Italya

Antarctica Ang artikulong “Antarctica​—Ang Huling Lupain Ukol sa Pagsusuri” (Hulyo 22, 2000) ay binasa at muling binasa. Napakahusay ang ginawa ng ating manunulat ng Gumising! sa Australia at ng tagadibuho ng larawan! Ipinagunita nito ang mga alaala ng nakaraan. Noong panahon ng International Geophysical Year, mga 45 taon na ang nakararaan, isang grupo ng mga siyentipiko ng Estados Unidos ang inatasan na magsuri sa Antarctica. Tatlong malalaking tomo ang nabuo nila upang maitala ang mga pangyayari sa kanilang gawain. Bilang isang nagsosolong graphic artist, inupahan ako upang gawin ang pagdidisenyo sa akdang iyon. Sa ngayon ay isa na ako sa mga Saksi ni Jehova, at 16 na taon na akong naglilingkod bilang isang buong-panahong ebanghelisador ng mabuting balita. Gayunman, nakapalibot pa rin sa akin ang Antarctica, palibhasa’y maraming larawan at mapa ng Antarctica ang nakadispley sa aking istudyo. Maraming salamat sa artikulo!

C. M., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share