Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 4/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2000
  • Pagtulong sa mga May MCS
    Gumising!—2000
  • Kapag Nagkakasakit Ka Dahil sa mga Kimikal
    Gumising!—2000
  • Multiple Chemical Sensitivity—Isang Mahiwagang Sakit
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 4/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pagiging Sensitibo sa Kimikal Ako po ay 17 taóng gulang, at nais ko kayong pasalamatan sa seryeng “Pang-araw-araw na mga Kimikal​—Nagkakasakit Ka ba Dahil sa mga Ito?” (Agosto 8, 2000) Kamakailan lamang ay nasuri na ako’y may multiple chemical sensitivity (MCS), at malaking ginhawa na malaman na hindi lamang ako ang dumaranas ng gayong nakahihiyang mga sintomas.

S. C., Italya

Ang mga artikulong inilathala ninyo noon hinggil sa paksang “Nagkakasakit Ka ba Dahil sa Polusyon?” (Nobyembre 8, 1983) ay may impormasyong nakapagliligtas-buhay. Inilalayo kami ng malubhang sakit na ito mula sa mahalagang pakikisama sa ating espirituwal na pamilya at mula sa pakikisalamuha sa iba. Gayunman, ito’y isang sakit na bihirang pumukaw ng anumang pag-unawa o pakikiramay. Ang pinakabago ninyong mga artikulo ay naglalarawan kung ano talaga ang nadarama ng mga may ganitong sakit.

M. J., Pransiya

Nagkasakit ako nang mahigit sa isang taon bago ko nasumpungan ang isang doktor na makatutulong sa akin. Sa panahong ito, ang aking mga kaibigan ay mabait at hindi naman mapamuna, ngunit masasabi ko na hindi nila talaga nauunawaan ang kalagayan. Kaya nagpapasalamat ako sa mga artikulong ito. Kamangha-mangha nga ang maging bahagi ng isang organisasyong naliwanagan hinggil sa napakaraming bagay.

S. B., Estados Unidos

Mayroon akong MCS at hindi pa ako nakabasa ng gayong masusi at timbang na pagtalakay hinggil sa kalagayang ito at sa mga epekto nito. Nasiyahan ako sa “inireseta” na pag-ibig at pagtawa bilang pantulong sa pagharap dito. Praktikal din ang mga paalaala na maging makatuwiran sa aking mga inaasahan sa iba.

D. G., Estados Unidos

Bilang isa sa mga Saksi ni Jehova, nakapaglingkod ako bilang isang naglalakbay na ministro sa loob ng sampung taon at nakakilala ng marami na dumaranas ng MCS. Kitang-kita na ang karamdamang ito ay tunay at hindi lamang guniguni. Gaya ng dati, hindi lamang inilarawan ng Gumising! ang karamdaman kundi nagbigay rin ito ng praktikal na mga mungkahi kung paano maipakikita ang kabaitan, pag-ibig, at pagkamadamayin sa mga nagdurusa nito.

T. M., Estados Unidos

Dekorasyon sa Katawan Sumusulat ako bilang tugon sa inyong artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Dekorasyon sa Katawan​—Ang Pangangailangan ng Pagkamakatuwiran.” (Agosto 8, 2000) Maganda ang dekorasyon sa katawan na kaayaaya sa paningin​—isang tunay na likha ng sining. Maaari akong hatulan at uriin ng lipunan dahil sa aking panlabas na hitsura, ngunit alam ko na sa mga mata ng Diyos ay iniibig ako. Umaasa ako at nananalangin na ang iba ay hindi magtutuon ng pansin sa aking mga tato kundi titingnan kung ano ako sa loob.

K. M., Estados Unidos

Kinilala ng artikulo na personal na desisyon kung ang isa ay magpapalagay ng dekorasyon sa katawan o hindi. Gayunman, ang isang paraan upang patunayan ng isa na siya ay maganda sa loob ay sa pamamagitan ng ‘paggayak sa kaniyang sarili nang may kahinhinan at katinuan ng pag-iisip.’ (1 Timoteo 2:9) Nililinaw rin ng Bibliya na ang isang Kristiyano ay may obligasyon na isaalang-alang hindi lamang ang kaniyang sariling budhi kundi “yaong sa ibang tao.” (1 Corinto 10:29)​—ED.

Wika Salamat sa artikulong “Mga Wika​—Mga Tulay at Pader sa Komunikasyon.” (Agosto 8, 2000) Matagal na akong nawiwili sa mga wika, at natutuhan ko na ang limang wikang Europeo. Nag-aaral ako ngayon ng Sinhala. Gayunman, ang nagpapasabik sa akin ay na dahil sa pag-aaral ng isang wika ay nagiging posible na makatawid sa iba pang kultura at maibahagi ang “dalisay na wika” ng turo sa Bibliya!​—Zefanias 3:9.

C. B., Italya

Pagdadalamhati Salamat sa artikulong “Ang Pagdadalamhati ba’y Dapat na Ibulalas?” (Agosto 8, 2000) Naantig ng paksa ang aming puso dahil namatayan kami ng anak na lalaki tatlong taon na ang nakalipas. Bagaman napapaluha pa rin kami at nagdadalamhati, ang mga artikulong tulad nito ay nagbibigay sa amin ng lakas na magpatuloy.

J. A. at L. A., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share