Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 5/22 p. 11-12
  • Terorismo—Malapit Nang Magwakas!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Terorismo—Malapit Nang Magwakas!
  • Gumising!—2001
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Terorismo?
  • Ang Solusyon
  • Mawawala Pa Ba ang Terorismo?
    Iba Pang Paksa
  • Ano ang Lunas?
    Gumising!—1986
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2001
  • Kasaysayang Tigmak sa Dugo
    Gumising!—2006
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 5/22 p. 11-12

Terorismo​—Malapit Nang Magwakas!

ANG isang bus sa Jerusalem, isang gusaling pederal sa Oklahoma City, o ang isang apartment sa Moscow ay pawang maaaring maging puntirya ng terorismo. Bagaman waring nais iparating ng mga terorista ang isang mapuwersang mensahe sa mga pulitiko, mga lider ng militar, o mga lider ng ekonomiya, madalas ay tila walang kaugnayan ang kanilang ipinaglalaban at ang kanilang pinupuntirya. Sa maraming kaso, ang aktuwal na mga puntirya ay mga ordinaryong tao​—mga taong walang kinalaman sa hayagang ipinaglalaban ng mga terorista. Kung gayon, bakit kaya bumabaling sa mga gawang terorismo ang mga ekstremista?

Bakit Terorismo?

Ang terorismo ay sistematiko, patiunang pinag-iisipan, at isinasaplano. Ang bilang ng mga namatay at mga nasugatan na bunga nito ay hindi siyang pangunahing tunguhin. Ang gayong madugong pamamaslang ay isang paraan upang makamit ang tunguhin, bahagi ng isang kapaligirang lipos ng sindak at takot na nais likhain ng terorista upang pahinain ang awtoridad at mapakinggan ang kaniyang espesipikong ipinaglalaban. Isaalang-alang ang ilan sa mga salik na nasa likod ng mararahas na gawa ng mga terorista.

Poot. “Ang terorismo . . . ay inuudyukan ng poot,” sabi ni Louis J. Freeh, direktor ng U.S. Federal Bureau of Investigation. “Yaong mga nagkikimkim ng gayong poot ay nabubuhay sa isang daigdig na naiimpluwensiyahan ng pagkapanatiko, nababahiran ng pagsasabuwatan, at nahuhubog ng kawalang-alam.”

Paniniil. “Totoo, may mga lider ng mga grupo at mga bansa na ang walang-katuwirang mga tunguhin ay ang lipulin ang ibang mga kultura,” isinulat ni Stephen Bowman sa kaniyang aklat na When the Eagle Screams. “Ngunit maliwanag din na maraming terorismo ang nagaganap bunga ng kawalang-pag-asa.”

Pagkasiphayo. “Sa maraming kaso . . . ang pangunahing gumaganyak sa isang terorista ay ang tunay na pagkasiphayo sa waring di-mababagong mga puwersang pampulitika, panlipunan, at pang-ekonomiya,” sabi ng patnugot ng aklat na Urban Terrorism.

Kawalang-katarungan. “Ang terorismo ay sintomas ng isang problema, hindi ang aktuwal na sanhi,” sabi ni Michael Shimoff sa kaniyang akda na “The Policy of Terrorism.” Ipinagpatuloy niya: “Ang dapat na maging pangmatagalang tunguhin natin ay ang alisin ang pangunahing mga panlipunan at pampulitikang sanhi ng terorismo. . . . Habang nakikipaglaban tayo sa terorismo, kailangan na puspusan din tayong magsikap upang mapasulong ang kalayaan, dignidad, katarungan, at mga simulaing makatao. Kapag naging epektibo ang puspusang mga pagsisikap na iyon, saka lamang natin magagawang alisin ang ating mga operasyon na kontra-terorismo at laban sa terorismo.”

Ang mga sanhi at kasaysayan ng terorismo ay nagpapatunay sa katotohanan ng pananalita sa Bibliya: “Ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.” (Eclesiastes 8:9) Inihula pa nga ng Bibliya ang mga pag-uugali na nagpalaganap sa terorismo. Sinasabi nito: “Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, . . . mga walang likas na pagmamahal, mga hindi bukás sa anumang kasunduan, mga maninirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, mga walang pag-ibig sa kabutihan, mga mapagkanulo, mga matigas ang ulo, mga mapagmalaki.”​—2 Timoteo 3:1-4.

Ang katotohanan ay na ang mga pagsisikap ng tao upang labanan ang terorismo, gaano man kataimtim ang motibo sa likod nito, ay hindi matagumpay na makahaharap sa mga sanhi nito. Ang Bibliya ay makatotohanang nagsabi: “Ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.” (Jeremias 10:23) Gayunman, bagaman ang solusyon sa problema sa terorismo ay hindi maibibigay ng kapangyarihan ng tao, tiyak na maibibigay naman ito ng kapangyarihan ng Diyos.

Ang Solusyon

Yaong mga ginawan ng masama o siniil at nakadarama ng pagkasiphayo ay makasusumpong ng kaaliwan sa tiyak na pangako ng Bibliya: “Ang mga matuwid ang siyang tatahan sa lupa, at ang mga walang kapintasan ang siyang maiiwan dito. Kung tungkol sa mga balakyot, lilipulin sila mula sa mismong lupa; at kung tungkol sa mga mapandaya, bubunutin sila mula rito.”​—Kawikaan 2:21, 22.

Ang pangakong ito ng Diyos ay malapit nang matupad. Titiyakin ito ng kaniyang Tagapamahala, ang nagpupunong hari na si Jesu-Kristo. Isang hula sa Bibliya ang nagsasabi hinggil kay Kristo: “Hindi siya hahatol ayon lamang sa nakita ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ayon lamang sa narinig ng kaniyang mga tainga. At sa katuwiran ay hahatulan niya ang mga maralita, at sa katapatan ay sasaway siya alang-alang sa maaamo sa lupa.”​—Isaias 11:3, 4.

Oo, malapit nang alisin ng Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo, ang lahat ng kawalang-katarungan, gayundin ang mga responsable rito. Sa matuwid na bagong sanlibutan ng Diyos, ang lahat ng uri ng terorismo at karahasan ay magiging bahagi na lamang ng nakalipas. Kung magkagayon, lahat ng nasa lupa ay mamumuhay sa katiwasayan, malaya sa pagkatakot sa anumang pinsala.​—Apocalipsis 21:3, 4.

[Larawan sa pahina 12]

Nangangako ang Bibliya na malapit nang alisin ng Diyos ang lahat ng paniniil at kawalang-katarungan

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share