Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 6/22 p. 3-4
  • Pang-aalipin—Patuloy ang Salot

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pang-aalipin—Patuloy ang Salot
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Kinunsinti ba ng Diyos ang Pangangalakal ng mga Alipin?
    Gumising!—2001
  • Kinukunsinti ba ng Bibliya ang Pagkakaroon ng Alipin?
    Gumising!—2011
  • Ang Matagal Nang Pakikipaglaban sa Pang-aalipin
    Gumising!—2002
  • Isang Pinakaiingatang Lihim
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 6/22 p. 3-4

Pang-aalipin​—Patuloy ang Salot

NAGLAHO na ba ang pang-aalipin? Gayon ang iisipin ng karamihan. Ang mismong salita ay nagpapagunita sa ating isipan ng nakapangingilabot na mga larawan ng kalupitan at paniniil. Gayunman, sa palagay ng marami, ang mga larawang iyon ay lipas na. Halimbawa, naiisip ng ilan ang mga barkong nagdadala ng mga alipin noong nakalipas na mga siglo​—ang lumalangitngit na mga barkong yari sa kahoy na ang mga lugar na pangkargamento ay punô ng nahihintakutang mga tao at nagsisiksikan sa halos di-maubos maisip na abang kalagayan.

Sabihin pa, ang gayong mga barkong naglululan ng mga alipin ay hindi na naglalayag sa mga karagatan at ipinagbabawal na ngayon ng internasyonal na mga kombensiyon ang gayong anyo ng pang-aalipin. Subalit, umiiral pa rin ang pang-aalipin. Tinataya ng organisasyon ng mga karapatang pantao na Anti-Slavery International na 200 milyon katao ang nabubuhay pa rin sa ilang anyo ng pang-aalipin. Nagtatrabaho sila sa mga kalagayan na malamang na mas masahol pa sa mga binatá ng mga alipin noong nakalipas na mga siglo. Sa katunayan, sinasabi ng ilang tagasuri na “mas maraming tao ang inaalipin sa ngayon kaysa sa anumang panahon sa kasaysayan.”

Ang mga kuwento ng makabagong mga aliping ito ay makabagbag-damdamin. Si Kanji,a na sampung taóng gulang lamang ay nagpapastol ng baka araw-araw para sa malulupit na panginoon na laging gumugulpi sa kaniya. “Masuwerte na ako kung nakakita ako ng isang piraso ng lumang tinapay, kung hindi ay nagpapalipas na lang ako ng maghapon nang walang pagkain,” ang paliwanag niya. “Hindi ako kailanman sinuwelduhan sa aking pagtatrabaho sapagkat ako’y isang alipin at pag-aari nila. . . . Ang mga batang kasing-edad ko ay nakikipaglaro sa ibang mga bata, at mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sa danasin ang napakasamang buhay na ito.”

Tulad ni Kanji, kadalasang mga bata o mga babae ang makabagong-panahong mga alipin. Nagpapagal sila nang labag sa kanilang kalooban sa paggawa ng mga alpombra, paggawa ng mga daan, pagputol ng mga tubó, o pagbebenta ng aliw. At sila’y maaaring ipagbili sa mababang halaga na $10. Ang ilang bata ay ipinagbibili pa nga sa pagkaalipin ng kanila mismong mga magulang upang mabayaran ang mga pagkakautang.

Nakasusuklam ba sa iyo ang gayong mga ulat? Hindi ka nag-iisa. Sa kaniyang aklat na Disposable People, ganito ang komento ng awtor na si Kevin Bales: “Ang pang-aalipin ay isang kalupitan. Hindi lamang ito pagnanakaw sa pinagpagalan ng isa; pagnanakaw ito sa buong buhay ng isa.” Dahil sa kalupitan ng tao sa kapuwa, paano tayo makapaniniwala na magwawakas pa ang salot ng pang-aalipin? Malaki ang kaugnayan ng katanungang ito sa iyo kaysa inaakala mo.

Gaya ng makikita natin, maraming anyo ang pang-aalipin. Marami itong iba’t ibang anyo, ang ilan dito ay nakaaapekto sa lahat ng taong nabubuhay. Kaya kailangang malaman nating lahat kung darating pa ba ang tunay na kalayaan sa sangkatauhan. Subalit, isaalang-alang muna natin ang maikling kasaysayan ng ilegal na kalakalan ng mga aliping tao.

[Talababa]

a Hindi niya tunay na pangalan.

[Mga larawan sa pahina 3]

Malaon nang mga biktima ng bentahan ng alipin ang mahihirap na babae at mga bata

[Credit Lines]

Larawan sa itaas: UN PHOTO 148000/Jean Pierre Laffont

U.S. National Archives photo

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share