Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 6/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2002
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2004
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2002
  • Tulong Para sa mga Babaing Binubugbog
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 6/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Babaing Binubugbog Hindi ko alam kung paano ko ipahahayag ang aking pagpapahalaga sa serye na “Tulong Para sa mga Babaing Binubugbog.” (Nobyembre 8, 2001) Biktima ako ng karahasan sa tahanan, at kahit na naisumbong ko sa awtoridad ang nangyari sa akin, kumbinsido pa rin ako na walang makauunawa sa kirot, hapis, at matinding kalungkutan na hindi ko maibsan sa anumang paraan. Inilalarawan ng mga artikulong ito ang mismong mga nadarama ko.

N. L., Italya

Nang sandaling matanggal ko ang balot nito at makita ang pabalat, nangilid ang aking luha. Agad kong ibinalik sa pagkakatupi ang magasin, palibhasa’y nadama na tungkol ito sa isang bahagi ng aking nakaraan na gusto kong isipin na hindi kailanman nangyari. Nanalangin ako upang magkaroon ng lakas ng loob na muling kunin at basahin ang magasin. Laking pasalamat ko na nagawa ko iyon! Tinulungan ako ng seryeng ito na matanto na hindi ako nag-iisa sa aking pagdurusa. Ang mabasa lamang ang mga salitang “ang pambubugbog sa kabiyak ay isang malaking kasalanan sa paningin ng Diyos” ay katulad na ng pagbubuhos ng nakagiginhawang langis sa isang sugat. Salamat sa gayong nakaaaliw na mga artikulo na tumatalakay sa tunay-sa-buhay na mga situwasyon.

D.G.M., Estados Unidos

Magkakatulad ang naranasan namin ng mga babaing binanggit sa mga artikulo. Lagi kong sinasabi sa aking sarili na ang inuming de-alkohol at ang kinalakhang kapaligiran ng aking asawa ang mga sanhi ng problema. Bagaman ang mga salik na iyon ay maaaring magpaliwanag kung bakit gayon ang nangyayari, naaliw ako nang maunawaan ko na walang dahilan para bigyang-matuwid ang karahasan. Taos-puso kong hangarin na mabasa ng aking asawa ang Bibliya at malaman ang pag-ibig ni Jehova.

S. I., Hapon

May pantanging epekto sa akin ang seryeng ito, yamang ako ay isang asawang binubugbog. Pakiramdam ko ay parang ako si Roxana. Nakatulong nang malaki na malaman na may ibang mga tao na nakababatid kung ano ang nadarama ng isang asawang binubugbog. Natutuhan ko mula sa mga artikulong ito na hindi ako ang dapat sisihin sa naging saloobin ng aking asawa. Tinulungan din ako ng mga ito na matantong mahalaga ako sa Diyos, kahit na itinuturing ako ng aking asawa na walang halaga at walang kabuluhan. Salamat sa paglalathala ninyo ng gayong nakatutulong na materyal. Iyon ay mas higit pa kaysa sa kayamanan!

B. L., Pilipinas

Naisulat ninyo ang lahat ng kirot at pagkasiphayo na hindi ko maipahayag. Tinulungan ako ng seryeng ito na makitang nauunawaan ni Jehova ang kapighatian ng isip at damdamin na idinudulot ng problemang ito. Pakisuyong ipagpatuloy ninyo ang pagsusulat ng ganitong mga artikulo, dahil ang ganitong problema ay kailangang malaman at maunawaan ng iba. Tiyak ko na marami ang maaaliw rin na gaya ko dahil sa mga artikulong ito.

K. E., Australia

Pinalaki ako ng isang magagaliting ama, at malimit akong magalit sa aking asawang lalaki. Kung minsan​—ah, maraming beses pala​—ay aktuwal na sinasaktan ko siya. Mas malakas sa akin ang asawa ko, kaya akala ko ay hindi ko naman talaga siya nasasaktan. Nang mabasa ko ang sinabi ng artikulo​—na ang pambubugbog sa kabiyak ay isang malaking kasalanan sa paningin ng Diyos​—nagulat ako. Ang aking asawa ay isang maamong lingkod ni Jehova. Buong-puso kong nais na humingi ng tawad sa kaniya. Nagpapasalamat ako kay Jehova sa disiplinang ito.

T. I., Hapon

Napaluha ako dahil sa magasing ito. Para bang binabasa ko ang aking sariling karanasan. Ngunit kamakailan ay nagtatatanong ang aking asawa tungkol sa Bibliya. Nakadalo na siya sa ilang pulong sa Kingdom Hall, at siya ngayon ay nag-aaral na ng Bibliya. Naiintindihan ko ang komento ni Lourdes na matatagpuan sa pahina 11: “Kung minsan akala ko’y nananaginip ako!”

E. R., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share