Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 8/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1993
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2002
  • Kung Paano Mapagtitiisan ang Arthritis
    Gumising!—1992
  • Artritis—Ang Nakasasalantang Sakit
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 8/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Maagang Pakikipag-date Nais ko po kayong pasalamatan nang labis sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Maagang Pakikipag-date​—Ano ba ang Masama Rito?” (Disyembre 22, 2001) Kamakailan lamang, gayundin ang tanong ko sa aking nanay​—‘Ano po ba ang masama sa pakikipag-date?’ Alam ko ang sagot, subalit gusto ko lamang makatiyak. Nang mabasa ko ang artikulo, nadama ko na parang nabasa ni Jehova ang nasa isip ko. Pinatibay ng artikulong ito ang aking determinasyong huwag makipag-date hanggang sa handa na akong mag-asawa. Lagi akong nasisiyahan sa bagay na tamang-tama ang dating ng inyong mga artikulo! Minsan pa, maraming-maraming salamat po.

L. F., Estados Unidos

Binasa ko agad ang artikulo, at ito’y totoong nakapagpapatibay-loob. Ako po ay nasa ikasiyam na grado, at talagang malakas ang panggigipit na makipag-date. Lahat halos ng mga kaklase ko ay may mga boyfriend, at madalas silang nagkokomento tungkol sa hindi ko pagkakaroon ng boyfriend. Kaya talagang napakahalaga ng artikulong ito! Ang mga artikulong gaya nito ay nakatutulong po sa amin na mapanatiling malinaw sa isipan ang mainam na payong masusumpungan sa Bibliya.

J. R., Finland

Ako po’y 16 na taóng gulang, at ang pagnanais na makipag-date sa isa na hindi kasekso​—kahit na upang makilala o mapansin man lamang​—ay matindi. Subalit, pinag-isipan ko pong mabuti ang tungkol dito, at naunawaan ko na mahalagang maging nasa edad na muna bago makipag-date. Tutulong ito sa amin na maiwasan ang mga panganib at huwag akuin ang mga pananagutang hindi namin kayang balikatin.

A. G., Italya

Ako po’y 16 na taóng gulang. Tamang-tama ang dating ng artikulong ito para sa akin at pati na rin sa aking mga kaibigan. Naupo kaming lahat at binasa ito, anupat natalos namin na may mga panganib sa pakikipag-date kapag bata pa. Nakatulong din sa amin ang artikulong ito na maunawaan ang tunay na kahulugan ng pakikipag-date at ang pangmalas dito ng Bibliya. Natalos ko mula sa konklusyon na kung maghihintay ako ng panahon upang makipag-date, mapasusulong ko ang aking espirituwalidad at magagamit ko ang “kasibulan ng kabataan” upang magawa ang gayong pagsulong.​—1 Corinto 7:36.

R.L.W., Estados Unidos

Talambuhay Inaakala kong dapat akong sumulat upang sabihin sa inyo kung gaano ko lubhang pinahahalagahan ang artikulong pinamagatang “Pinalakas ng Pananalig sa Diyos.” (Disyembre 22, 2001) Ipinakikita ng karanasan ni Rachel Sacksioni-Levee kung paano pinalalakas ng Diyos na Jehova ang kaniyang mga lingkod sa kanilang matitinding pagsubok. Habang sumasamâ ang mga kalagayan sa daigdig, ang mga karanasang gaya nito ay nakatutulong sa amin na patuloy na gawin ang kalooban ng Diyos sa kabila ng mga pagsubok sa amin.

J. F., Britanya

Artritis Maraming-maraming salamat sa serye hinggil sa artritis. (Disyembre 8, 2001) Ako po’y 19 na taóng gulang at nalaman ko pong may artritis ako noong ang edad ko’y 8. Walang-tigil ang kirot na nararanasan ko, bagaman may mga araw na ito’y mas matindi kaysa sa ibang araw. Ang pag-asa ng buhay sa bagong sanlibutan ng Diyos ang pinagmumulan ng kaaliwan para sa akin, kapag tayo ay malaya na mula sa lahat ng nakapanghihinang karamdaman. Hanggang sa dumating ang panahong iyon, ako’y nagtitiwala na bibigyan niya ako ng lakas na kailangan ko upang mabata ang makirot na sakit na ito.

M. R., Brazil

Ang impormasyon sa seryeng ito ay lubhang kawili-wili. Ako’y 28 taóng gulang, at sa nakalipas na tatlong taon, ako’y pinahihirapan ng isang pambihirang uri ng artritis. Taglay ang pag-asang iniaalok ng mga artikulong ito, nakapagpapatuloy ako sa paglilingkod kay Jehova.

M. U., Italya

Salamat sa mga artikulo hinggil sa artritis. Gusto ko nang dumating ang Kaharian ng Diyos sa lalong madaling panahon upang ako’y ‘makaakyat na gaya ng lalaking usa.’ (Isaias 35:6) Ako po’y pitong taóng gulang, at pinahihirapan po ako ng rheumatoid arthritis sa aking mga tuhod.

E. I., Gresya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share