Ang Mailap na “Coelacanth”
MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA KENYA
NOONG Abril 2001, isang babaing coelacanth (see-la-kanth ang bigkas) ang nahuli sa baybayin ng Kenya.a Ang isda ay 1.7 metro ang haba at tumitimbang nang 77 kilo. Ang coelacanth ay nakikilala dahil sa tatlong pabilog na dulo ng buntot nito at asul na kulay na may batik-batik na puti.
Pinaniwalaan noon na malaon nang panahong nalipol ang coelacanth. Pagkatapos, noong 1938, isang coelacanth ang nahuli malapit sa baybayin ng Timog Aprika. Isa ito sa kahanga-hangang natuklasan ng soolohiya sa ika-20 siglo. Mula noon, nakilala na lamang ang isda mula sa mga rekord ng fossil. Sapol noong unang mahuli ito, namamataan na ang ibang mga coelacanth malapit sa Mozambique at Madagascar. Natuklasan din ang marami-rami nito sa Comoro Islands.
Ang mga itlog ng babaing coelacanth ay hindi napipisa sa tubig. Sa halip, ang mga ito ay ovoviviparous—na ang mga itlog nito ay lumalaki at napipisa sa loob ng katawan ng babaing isda o agad-agad pagkatapos na puwersahang mailabas ang mga ito. Ang 17 ng gayong mga itlog—bawat isa ay kasinlaki ng bola ng tenis—ay nakuha mula sa babaing isda na nahuli noong nakaraang taon.
Lubos na dinadakila ng mga nilalang sa dagat na gaya ng coelacanth ang pagkasari-sari ng disenyo at karunungan ng kanilang Maylalang, ang Diyos na Jehova.—Awit 148:7.
[Talababa]
a Ang pangalang coelacanth ay halaw sa mga salitang Griego na koilos (hungkag) at akantha (gulugod), na naglalarawan sa hungkag na palikpik sa gulugod ng isda.
[Picture Credit Line sa pahina 23]
Larawan at mga drowing: Ichthyology Department/NATIONAL MUSEUMS OF KENYA