Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 12/8 p. 3
  • Ligtas Pa ba ang Pagsakay sa Eroplano?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ligtas Pa ba ang Pagsakay sa Eroplano?
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagiging Palaisip sa Kaligtasan
    Gumising!—2002
  • Ang Paghahangad Para sa Mas Ligtas na Paglalakbay sa Himpapawid
    Gumising!—2002
  • Lumilipad na Nilalang, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ang Takot sa Paglipad—Pinanatili Ka Ba Nito sa Isang Lugar?
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 12/8 p. 3

Ligtas Pa ba ang Pagsakay sa Eroplano?

APAT na eroplanong jet ang na-hijack. Apat na eroplano ang sumabog. Ang pagkawasak ng kilalang mga gusali. Ang larawan ng isang 767 na eroplanong jet na sumasalpok sa isa sa Twin Towers, na paulit-ulit na ipinakikita sa telebisyon.

Ang mga pagsalakay noong Setyembre 11, 2001, ay nagdala sa atin sa nakatatakot na bagong panahon ng pagsalakay ng terorista. Ginamit ng mga terorista ang mga eroplano upang pumatay ng mga tao, at ang eroplano ay naging mga bombang nagtataglay ng mga kemikal na sumasabog.

Bunga nito, lumitaw ang isang bagong uri ng matatakuting naglalakbay sa himpapawid: Yaong mga dating nakadaramang ligtas sumakay sa eroplano subalit ngayon ay nangangamba sa posibilidad na mga pagsalakay ng terorista. Bukod diyan, lalong nakatakot sa marami ang paglalakbay sa himpapawid dahil sa sunud-sunod na nakamamatay na mga aksidente ng eroplano na hindi nauugnay sa terorismo pagkatapos ng Setyembre 11.

Walang alinlangan, ang paglalakbay sa himpapawid ay isang luho na hindi kaya ng milyun-milyon sa buong daigdig. Subalit para naman sa iba, ang paglalakbay sa himpapawid ay isang rutin na kailangan nilang gawin. Para sa ang mga trabaho ay nangangailangang maglakbay nang madalas dahil sa negosyo, hindi maiiwasan ang pagsakay sa eroplano. Kadalasang kailangang maglakbay nang malayo sakay ng eroplano ang Kristiyanong mga misyonero at mga ministro na paroo’t parito sa kanilang mga atas. Kahit na sa mahihirap na tao, ang eroplano kung minsan ang tanging naaangkop na transportasyon kapag kailangang gamutin agad ang isa. At libu-libong piloto at mga tauhan ang naghahanapbuhay sa pamamagitan ng pagsakay sa eroplano.

Kailangang pakalmahin ng marami sa mga naglalakbay na ito sa himpapawid, na sila mismo marahil ay ninenerbiyos, ang kani-kanilang balisang asawa at natatakot na mga anak bago sila umalis ng bahay. At ang dating ordinaryong mga pag-alis sa paliparan ay naging napakahirap, anupat pinag-iisipan ng mga naglalakbay kung ang pagsakay ba sa eroplano ang kanais-nais na paraan pa rin upang maglakbay.

Upang isaalang-alang ang mga pagkabahalang ito, sinangguni ng Gumising! ang mga dalubhasa sa seguridad, mga tauhan sa paliparan, mga opisyal ng sasakyang panghimpapawid, at ang mga manggagawang nagmamantini ng eroplano. Lahat sila ay waring sumasang-ayon dito: Bagaman ang pagsakay sa eroplano ay nananatiling isa sa pinakaligtas na paraan ng paglalakbay, nangangailangan ng bagong mga paraan dahil sa mga bagong banta upang dagdagan ang seguridad ng mga taong sumasakay sa eroplano.

Tatalakayin ng sumusunod na mga artikulo ang mga problemang nasasangkot at kung ano ang personal na magagawa mo upang dagdagan ang iyong kaligtasan at kaginhawahan kapag sumasakay sa eroplano.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share