Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 12/22 p. 24
  • Ang Mata ng Agila

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Mata ng Agila
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Pumapailanlang na May mga Pakpak Tulad ng Agila
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Agila
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Nagbibigay si Jehova ng Lakas sa Pagód
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
  • Mga Aral Mula sa mga Ibon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 12/22 p. 24

Ang Mata ng Agila

MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA ESPANYA

INILALARAWAN ng mga Kastila ang taong may matalas na paningin na parang nagtataglay ng paningin ng isang agila (vista de águila). May katulad na pananalita ang mga Aleman (Adlerauge). May katuwiran naman, ang matalas na paningin ng agila ay naging kasabihan na sa loob ng mga dantaon. Ang aklat ng Job, naisulat mahigit nang tatlong libong taon ang nakalipas, ay nagsasabi ng ganito tungkol sa agila: “Doon sa malayo ay tumitingin ang mga mata nito.”​—Job 39:27, 29.

Gaano kalayo ang aktuwal na nakikita ng isang agila? “Sa ilalim ng tamang-tamang kalagayan, makikita ng isang golden eagle (Aguila chrysaetos) ang bahagyang mga kilos ng isang kuneho na mahigit [2 kilometro] ang layo,” ang paliwanag ng The Guinness Book of Animal Records. Tinataya ng iba na mas malayo pa ang nakikita ng agila!

Bakit may gayon katalas na paningin ang agila? Una sa lahat, ang golden eagle ay may dalawang malalaking mata, na sumasakop ng malaking bahagi ng ulo nito. Binabanggit ng aklat na Book of British Birds na sa kaso ng golden eagle, ang mga mata nito, “ay, sa katunayan, napakalaki subalit hindi naman napakabigat upang mahadlangan ang paglipad nito.”

Karagdagan pa, humigit-kumulang limang ulit na mas marami ang mga selulang tumatanggap ng liwanag sa mata ng agila kaysa sa taglay natin​—mga 1,000,000 cone sa bawat milimetro kuwadrado kung ihahambing sa ating 200,000. Halos bawat selulang tumatanggap ng liwanag ay nakakabit sa isang neuron. Bunga nito, ang agila ay may dobleng bilang ng mga himaymay ng optic nerve, na naghahatid ng mga mensahe mula sa mata tungo sa utak, kaysa sa tao. Hindi kataka-taka na ang mga nilalang na ito ay matalas ang mata sa kulay! Sa wakas, ang mga ibong maninila, gaya ng iba pang mga ibon, ay may mga mata na nasasangkapan ng malalakas na lente na mabilis na nababago ang pokus nito mula sa mga bagay na ilang sentimetro lamang ang layo hanggang sa napakalayong distansiya. Ang kanilang mga mata ay lubhang nakahihigit kaysa sa atin sa bagay rin na ito.

Mas matalas ang paningin ng agila kung araw, subalit sa gabi ang kuwago naman ang may bentaha. Ang mga maninilang ito na aktibo sa gabi ay may mga mata na sagana sa mga rod na sensitibo sa liwanag at may malalaking lente. Dahil dito, 100 ulit silang nakakakita nang mas malinaw sa gabi kaysa sa atin. Gayunman, sa gayong bihirang mga okasyon kapag may pusikit na kadiliman, ang mga kuwago ay dapat na lubusang umasa sa kanilang matalas na pandinig upang hanapin ang biktima.

Sino ang nagbigay sa mga ibong ito ng gayong mga katangian? Tinanong ng Diyos si Job: “Dahil ba sa iyong utos kaya lumilipad nang paitaas ang agila?” Maliwanag, walang tao ang maaaring umangkin ng kapurihan para sa kamangha-manghang paglalang na ito. May-kapakumbabaang inamin mismo ni Job: “Napag-alaman ko na kaya mong [ni Jehova] gawin ang lahat ng bagay.” (Job 39:27; 42:1, 2) Ang mata ng agila ay isa pang patotoo sa karunungan ng ating Maylalang.

[Larawan sa pahina 24]

“Golden eagle”

[Larawan sa pahina 24]

“Snowy owl”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share