Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g03 12/22 p. 3
  • Pagsilang sa Isang Daigdig na Salat sa Damdamin!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagsilang sa Isang Daigdig na Salat sa Damdamin!
  • Gumising!—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Kapag Nagkaanak Na Kayo
    Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya
  • Kung Ano ang Kailangan at Gusto ng mga Sanggol
    Gumising!—2003
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Aborsiyon?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Gumising!—2003
g03 12/22 p. 3

Pagsilang sa Isang Daigdig na Salat sa Damdamin!

ISANG sanggol ang isinilang sa isang daigdig na malupit at salat sa damdamin, isang daigdig na lipos ng kaigtingan. Bagaman hindi maibulalas ng bata ang kaniyang damdamin, naniniwala ang ilang siyentipiko na bago pa man ipanganak, batid na ng di-pa-naisisilang na sanggol kung ano ang nangyayari sa kaniyang paligid.

Ang aklat na The Secret Life of the Unborn Child ay nagsabi: “Alam na natin ngayon na ang di-pa-naisisilang na bata ay isang tao na may kabatiran at may pakiramdam, may aktibong emosyonal na buhay mula anim na buwan patuloy (o baka mas maaga pa rito).” Bagaman hindi matatandaan ng sanggol, iniisip ng mga siyentipiko kung talaga nga bang may epekto sa kaniyang buhay sa dakong huli ang nakaiigting na karanasan ng pagsilang niya.

Pagkasilang, nagpapatuloy ang kaigtingan. Sa labas ng bahay-bata ng ina, hindi na kusa ang pagpapakain sa sanggol. Ang talimpusod na naghahatid ng oksiheno at sustansiya ay naputol na. Para mabuhay, kailangan na niyang huminga at kumain sa ganang sarili niya. Kailangang may magpakain sa kaniya at mangalaga sa iba pang pisikal na mga pangangailangan niya.

Kailangan ding sumulong sa mental, emosyonal, at espirituwal na paraan ang bagong-silang na sanggol. Kaya kailangang may mag-aruga sa munting batang ito. Sino ang nasa pinakamabuting kalagayan para gumawa nito? Ano ba ang kailangan ng isang sanggol mula sa kaniyang mga magulang? Paano pinakamahusay na matutugunan ang mga pangangailangang ito? Ang susunod na mga artikulo ay tutulong sa pagsagot sa mga katanungang ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share