Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g04 1/8 p. 3
  • Tulirong mga Isipan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulirong mga Isipan
  • Gumising!—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Pamumuhay Nang May Mood Disorder
    Gumising!—2004
  • Pag-asa Para sa mga Pinahihirapan ng Sakit
    Gumising!—2004
  • Pagkilala sa mga Tanda
    Gumising!—2001
  • Maagang Naging mga Ina
    Gumising!—2004
Iba Pa
Gumising!—2004
g04 1/8 p. 3

Tulirong mga Isipan

SA PANA-PANAHON ay nakararanas ng matinding kapanglawan si Nicole mula pa noong siya ay 14 na taóng gulang. Gayunman, sa edad na 16, nagsimula siyang makaranas ng kakaibang bagay​—isang pambihirang kalagayan ng pagiging sobra ang saya at di-pangkaraniwang sigla. Kasama sa napakaraming bagay na naglalaro sa isipan niya, di-magkakatugmang mga sinasabi, at kakulangan sa tulog ay ang walang-batayang paghihinala niya na pinagsasamantalahan siya ng kaniyang mga kaibigan. Sumunod, sinabi ni Nicole na magagawa raw niyang baguhin ang kulay ng mga bagay-bagay ayon sa kaniyang kagustuhan. Nang ganito na ang iginagawi ni Nicole, nabatid ng kaniyang ina na kailangan ang medikal na tulong, kaya dinala niya si Nicole sa ospital. Pagkatapos subaybayang mabuti ang pabagu-bagong damdamin ni Nicole, sa wakas ay nakabuo ang mga doktor ng isang diyagnosis: Si Nicole ay nakararanas ng bipolar disorder.a

Tulad ni Nicole, milyun-milyong tao sa buong daigdig ang pinahihirapan ng mood disorder (sakit na pabagu-bago ang damdamin)​—bipolar disorder man ito o iba pang anyo ng clinical depression (malulubhang uri ng panlulumo). Mapaminsala ang mga epekto ng mga sakit na ito. “Sobra-sobra ang pagpapahirap na naranasan ko sa loob ng maraming taon,” ang sabi ng isang maysakit ng bipolar na si Steven. “Naranasan ko ang labis na panlulumo at pagkatapos ay bigla akong magiging napakasaya. Nakatulong sa akin ang terapi at mga gamot, pero nakikipagpunyagi pa rin ako.”

Ano ba ang sanhi ng mga mood disorder? Ano ang nararamdaman ng isang pinahihirapan ng depresyon o bipolar disorder? Paano maaaring bigyan ng kinakailangang tulong ang mga pinahihirapan nito​—pati na ang mga nag-aalaga sa kanila?

[Talababa]

a Tinatawag din itong manic-depressive disorder. Pakisuyong pansinin na ang ilan sa sintomas nito ay maaaring palatandaan ng schizophrenia, pag-abuso sa droga, o maging ng normal na pagbabagong nararanasan ng isang nagdadalaga o nagbibinata. Makabubuo lamang ng diyagnosis matapos ang masusing pagsusuri ng isang may-kakayahang propesyonal.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share