Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g04 8/8 p. 31
  • Ang Pinakamaiinam na Laruan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pinakamaiinam na Laruan
  • Gumising!—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Laruan—Noon at Ngayon
    Gumising!—2005
  • Mga Laruan Ngayon—Ano ang Itinuturo Nito sa Ating mga Anak?
    Gumising!—1994
  • Mga Magulang—May Katalinuhang Piliin ang mga Laruan ng Inyong Anak
    Gumising!—1994
  • Mga Magulang—Ano ang Pinaglalaruan ng Inyong Anak?
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—2004
g04 8/8 p. 31

Ang Pinakamaiinam na Laruan

Anong klaseng laruan kaya ang bibilhin ko para sa aking anak? Magkano ba dapat ang gastusin ko? Kung ikaw ay isang magulang, maraming beses mo na sigurong naitanong ang mga ito. Buweno, matutuwa kang malaman na ang pinakamaiinam na laruan ay yaong pinakamura.

“Mas nakikinabang ang mga bata sa aktibong pagmamanipula at pagsisiyasat kaysa sa di-aktibong panonood, kaya mas mainam ang simpleng mga laruan na nangangailangan ng imahinasyon kaysa sa magarbong mga kotse-kotsehan na de-batirya o mga manikang nagsasalita, na sa mga ito ay limitado lamang ang magagawa ng anak mo,” ang sabi ng aklat na Motivated Minds​—Raising Children to Love Learning. Ang huling nabanggit na mga laruan ay maaaring “nakatutuwa sa umpisa, subalit kaagad na nagsasawa ang mga bata sa mga ito dahil hindi sila makapag-eksperimento, makapagsiyasat, o makalikha gamit ang mga ito.”

Depende sa edad ng bata, kabilang sa mga laruan na nakapupukaw ng isip ay mga bagay na simple lamang gaya ng mga pinagpapatung-patong na mga bloke, mga kahong walang laman, papel, mga materyal sa sining, at kahit pa nga buhangin at tubig. “Ang maliliit na laruan, tulad ng mga hayop sa bukid,” ang sabi ng Motivated Minds, “ay magbibigay [sa bata] ng pagkakataong magpares-pares, maggrupu-grupo, at maghambing, at maglinang ng kaniyang mga kasanayan sa wika sa pamamagitan ng pag-iimbento ng mga kuwento.” Iminumungkahi rin ng aklat na ito ang mga panugtog​—kung handa kang magtiis sa ingay​—sapagkat sa pamamagitan ng mga ito ay nakapag-eeksperimento ang mga bata sa mga tunog at pagkakaugnay-ugnay ng mga tono nito.

Buháy na buháy ang imahinasyon ng mga bata, at sabik silang matuto at maglaro. Kaya bakit hindi mo sila tulungan sa tatlong salik na ito sa pamamagitan ng matalinong pagpili ng kanilang mga laruan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share