Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 2/8 p. 3
  • Sinasalakay ng Kaigtingan!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sinasalakay ng Kaigtingan!
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Nakabubuting Kaigtingan, Nakasasamang Kaigtingan
    Gumising!—1998
  • Kung Paano Makokontrol ang Stress
    Gumising!—2010
  • Kaigtingan—Mga Sanhi at Epekto Nito
    Gumising!—2005
  • Stress—Isang Banta sa Kalusugan
    Gumising!—2010
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 2/8 p. 3

Sinasalakay ng Kaigtingan!

“ANG Numero Unong Problemang Pangkalusugan sa Amerika.” Ito ang ulong balita ng isang artikulong inilathala ng American Institute of Stress na nagsasabing ang pinakamalaking banta sa kalusugan sa ngayon ay hindi ang kanser o ang AIDS. Ganito ang sabi ng ulat: “Tinatayang 75-90 porsiyento ng lahat ng pasyenteng nagpapatingin sa mga manggagamot sa unang pagkakataon ay may mga problemang nauugnay sa kaigtingan.”

Hindi kalabisang sabihing sinasalakay ng kaigtingan ang mga tao sa ngayon. Ayon sa National Consumers League, “ang trabaho ang nangungunang pinagmumulan ng kaigtingan ng mga adultong nakararanas ng mga problema at kaigtingan sa kanilang buhay (39%), pangalawa naman ang pamilya (30%). Kabilang sa iba pang pinagmumulan ng kaigtingan ang kalusugan (10%), pagkabahala sa ekonomiya (9%) at pagkabahala sa internasyonal na alitan at terorismo (4%).”

Gayunman, ang kaigtingan ay hindi lamang sa Estados Unidos. Tinataya ng isang surbey sa Britanya noong 2002 na “mahigit sa kalahating milyong indibiduwal sa Britanya ang naniniwala na noong 2001⁄2, gayon na lamang ang nararanasan nilang kaigtingan na nauugnay sa trabaho anupat nagkakasakit sila dahil dito.” Dahil sa “kaigtingan, depresyon o kabalisahan na nauugnay sa trabaho,” iniulat na “hindi nakapagtatrabaho ng tinatayang labintatlo at kalahating milyong araw sa isang taon ang mga manggagawa sa Britanya.”

Ganiyan din ang kalagayan sa kontinente ng Europa. Ayon sa European Agency for Safety and Health at Work, “napatunayang apektado ng kaigtingang nauugnay sa trabaho ang milyun-milyong manggagawa sa Europa sa lahat ng iba’t ibang uri ng trabaho.” Isinisiwalat ng isang surbey na “halos 41 milyong manggagawa [sa European Union] ang apektado ng kaigtingang nauugnay sa trabaho taun-taon.”

Kumusta naman sa Asia? Ganito ang konklusyon ng isang report na inilabas ng isang komperensiyang idinaos sa Tokyo: “Isang pangkaraniwang bagay na ikinababahala sa maraming bansa sa daigdig, kapuwa sa papaunlad at industriyalisadong mga bansa, ang kaigtingan sa trabaho.” Binanggit ng report na ang “ilang bansa sa Silangang Asia, kabilang na ang Tsina, Korea at Taiwan, ay mabilis na naging industriyalisado at umunlad sa ekonomiya. Ang mga bansang ito sa ngayon ay lubhang nababahala tungkol sa kaigtingan sa trabaho at sa masasamang epekto nito sa kalusugan ng manggagawa.”

Gayunman, hindi mo na kailangan ang isang pagsusuri ng pananaliksik upang sabihin sa iyo na dumaranas ng kaigtingan ang mga tao. Malamang, naaapektuhan ka rin ng kaigtingan! Ano ang nakapipinsalang epekto ng kaigtingan sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay? Paano ito matututuhang harapin ng mga pamilya? Tatalakayin ng sumusunod na mga artikulo ang mga isyung ito.

[Larawan sa pahina 3]

Para sa marami, ang trabaho nila ang pangunahing pinagmumulan ng kanilang kaigtingan

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share