Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 6/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2004
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 6/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Ama Katatapos ko lamang basahin ang seryeng “Anu-ano ang mga Katangian ng Isang Mabuting Ama?” (Agosto 22, 2004) Binabago ko ang iskedyul ng aking trabaho upang magkaroon ako ng higit na panahon para sa aking pamilya at sa aking mga pananagutan sa kongregasyon. Kung isasaalang-alang ang kalagayan ng aking kabuhayan, nadarama ko kung minsan na dapat akong kumuha ng higit na sekular na trabaho upang kumita ng mas maraming salapi. Pero nakumbinsi ako ng seryeng ito na mas mahalaga ang panahong ginugugol ko kasama ang aking pamilya kaysa sa salapi. Napatibay ako ng mga karanasan ng matagumpay na mga ama.

K. S., Hapon

Pinahalagahan namin ng kapatid kong babae ang seryeng ito. Bihira kaming makipag-usap sa aming ama. Siyempre, mahal namin siya, at bagaman hindi niya sinasabi sa amin, naniniwala kaming gayundin ang nadarama niya. Nadama namin mula sa pagbabasa ng mga artikulong ito na may nakauunawa sa amin. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyo!

V. D., Italya

Katanyagan Sagot sa aking mga panalangin ang artikulong “Mas Mainam Kaysa sa Katanyagan.” (Agosto 22, 2004) Nakumbinsi ako nito na matalino ang naging desisyon ko na bumalik sa buong-panahong gawaing pag-eebanghelyo. Sa pasimula, gaya ng ipinakita ng artikulo, hindi naunawaan ng ama ni Charles ang kaniyang desisyon. Subalit kaylaking pagpapala ang tinanggap niya nang maglaon! Inaasahan kong sasang-ayon ang aking ina sa desisyon kong palawakin ang aking paglilingkod kay Jehova. Salamat sa pagpapakilala ninyo sa amin sa tapat na mga lingkod ni Jehova sa pamamagitan ng mga artikulong ito.

Y. P., Ukraine

Bilang kabataan, nasusumpungan ko kung minsan ang aking sarili na nagagambala ng sanlibutan at ng kung ano sa wari ang iniaalok nito. Sa katunayan, maaari sanang umakay sa katanyagan ang napili kong sekular na karera. Pagkatapos basahin ang artikulong ito, natanto ko na hindi ang paglilingkod kay Jehova ang tunay na motibo ko sa pagpili ng mga karera. Humanga ako sa kuwento ni Brother Charles Sinutko sapagkat naranasan niya talaga kung ano ang ibig sabihin ng katanyagan, gayunma’y pinili niyang maglingkod kay Jehova. Ipinakita sa akin ng artikulong ito na wala nang mas bubuti pa sa sanlibutang ito kundi ang paglingkuran si Jehova nang buong panahon.

R. K., Canada

Hinangaan ko ang bagay na tinanggihan ni Brother Sinutko ang pagiging tanyag na mang-aawit na kumikita nang malaki upang maglingkod kay Jehova nang buong panahon. Nasisiyahan ako sa paglilingkod bilang payunir kasama ng aking mister. Gusto naming sundan ang halimbawa ni Brother Sinutko sa paglalagak ng pananampalataya kay Jehova at patuloy na pag-una sa Kaharian ng Diyos sa aming buhay. Salamat sa paglalathala ng nakapagpapatibay na karanasang ito!

E. S., Hapon

Pakikipagtalik Bago ang Kasal Nais ko kayong pasalamatan sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Kaya Maiiwasan ang Pakikipagtalik Bago ang Kasal?” (Agosto 22, 2004) Bilang isang guro at tagapayo, nasumpungan kong kawili-wili ang artikulong ito. Sa isang talakayan sa klase, itinampok ko ang kapaki-pakinabang na mga punto upang tulungan ang mga estudyante na maging banal at karapat-dapat sa paningin ng Diyos na Jehova at sumulong sa kanilang pag-aaral nang hindi nagkakaroon ng mga problema dahil sa pakikipagtalik bago ang kasal. Maraming estudyante ang nagpakita ng interes at gustong matuto nang higit pa tungkol sa Bibliya! Hinihilingan ako ng ibang mga guro ngayon na kausapin din ang mga estudyante sa kanilang mga klase. Linggu-linggo, nagtuturo ako sa aking mga estudyante upang talakayin sa kanila ang iba’t ibang paksa mula sa aklat na Tanong ng mga Kabataan.

B. C., Mozambique

Ako’y 25 taóng gulang at ginagawa ko ang lahat ng aking magagawa upang manatiling malinis sa moral. Mas determinado ako ngayon higit kailanman na magkaroon ng marangal na pag-aasawa. Ipagpatuloy ninyo ang inyong kahanga-hangang gawain.

F. K., Uganda

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share