Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 7/8 p. 31
  • “Walang Malalaswang Salita sa Aming Wika”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Walang Malalaswang Salita sa Aming Wika”
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Bakit ang Kalaswaan ay Hindi Para sa mga Kristiyano
    Gumising!—1992
  • Ano Na ang Nangyari sa “Apache”?
    Gumising!—1998
  • Iwasan ang Nakasasakit na Salita
    Gumising!—2003
  • Anong Masama sa Pagmumura Paminsan-minsan?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 7/8 p. 31

“Walang Malalaswang Salita sa Aming Wika”

ANO ba ang kalaswaan? Ayon sa isang diksyunaryo, ito ay kabastusan o kahalayan. Nakalulungkot na sa maraming bansa, ang paggamit ng malalaswang salita ay pangkaraniwan na sa karamihan. Bagaman ang mga lalaki noon ang kadalasang sinisisi sa paggamit ng malaswang pananalita, nagiging higit na karaniwan na ngayon sa mga kababaihan ang mahalay na pananalita. Gayunman, sa ilang kultura, hindi naging bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pananalita ang kalaswaan. Kuning halimbawa ang patotoo ng Apache Indian na si James Kaywaykla.

Si James ay isinilang noong mga 1873 sa New Mexico, sa Estados Unidos. Noong dapit-hapon ng kaniyang buhay, nang siya ay halos 90 taóng gulang na, ikinuwento niya ang sumusunod:

“Isang umaga, nagising ako sa tinig ni Lolo. Naupo siya sa pasukan ng aming balag ng mga palumpong, na nakaharap sa sumisikat na araw, at inawit Ang Awiting Pang-umaga. Isa itong himno kay Ussen . . . na nagpapasalamat sa Kaniya para sa isa sa pinakadakila niyang mga kaloob​—ang pag-ibig sa pagitan ng lalaki at babae, isang bagay na sagrado sa mga Apache.a Hindi sila kailanman gumagawa ng malalaswang biro tungkol sa sekso, at hindi nila maunawaan kung bakit ginagawang katatawanan ng mga Matang Puti [mga taong puti] ang paglilihi at panganganak. Para sa kanila, ang pagbibiro tungkol sa sekso ay isang kasalanang kasinlubha ng paggamit sa pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan. Ipinagmamalaki ko ang bagay na walang malalaswang salita sa aming wika. Nagpapasalamat kami sa Maylalang ng Buhay sa pribilehiyong makabahagi sa paglalang ng bagong buhay.”​—Native Heritage, inedit ni Arlene Hirschfelder.

Halos 2,000 taon na ang nakalilipas, sumulat ang Kristiyanong apostol na si Pablo: “Huwag lumabas ang bulok na pananalita mula sa inyong bibig, kundi anumang pananalitang mabuti sa ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang maibahagi nito ang kaayaaya sa mga nakikinig.” Isinulat din niya: “Ang pakikiapid at bawat uri ng karumihan o kasakiman ay huwag man lamang mabanggit sa gitna ninyo, gaya ng angkop sa mga taong banal; ni ang kahiya-hiyang paggawi ni ang mangmang na usapan ni ang malaswang pagbibiro, mga bagay na hindi nararapat, kundi sa halip ay ang pagpapasalamat.”​—Efeso 4:29; 5:3, 4.

Paano maaalis sa puso, sa isip, at sa bibig ang malalaswang pananalita at pagbibiro? Makatutulong sa ating lahat ang payo ni Pablo sa mga taga-Filipos: “Mga kapatid, anumang bagay na totoo, anumang bagay na seryosong pag-isipan, anumang bagay na matuwid, anumang bagay na malinis, anumang bagay na kaibig-ibig, anumang bagay na may mabuting ulat, anumang kagalingan ang mayroon at anumang kapuri-puring bagay ang mayroon, patuloy na isaalang-alang ang mga bagay na ito.”​—Filipos 4:8.

[Talababa]

a Ayon sa paniniwala ng Apache, si Ussen ang maylalang ng buhay.

[Picture Credit Lines sa pahina 31]

Lahat ng larawan: Library of Congress, Prints & Photographs Division; sagisag ng Apache: Dover Publications, Inc.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share