Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 12/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2006
  • Ang Lalaking Nakatuklas sa mga Lihim ng Sistema Solar
    Gumising!—2005
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2006
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 12/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Enerhiya Tumataas ang presyo ng gasolina sa aming bansa, kaya gusto kong ipahayag ang aking pagpapahalaga sa seryeng itinampok sa pabalat na “Makakakuha Kaya Tayo ng Mas Malinis na Enerhiya?” (Marso 8, 2005) Nakatutuwang malaman na sa bagong sanlibutan ng Diyos, “titiyakin ng Diyos na Jehova na ang lahat ng nabubuhay ay pantay-pantay na makikinabang sa saganang likas na yaman ng lupa.”

M. N., Estados Unidos

Sistema Solar Halos wala akong kaalam-alam sa astronomiya, pero sabik na sabik kong binasa ang artikulong “Ang Lalaking Nakatuklas ng mga Lihim ng Sistema Solar.” (Marso 8, 2005) Kamangha-mangha ang mga nagawa ni Kepler, na nakatuklas sa mga batas na umuugit sa galaw ng mga planeta. Pero kapag naiisip ko ang karunungan ni Jehova, na siyang lumikha ng mga batas na ito, nalilipos ako ng panggigilalas.

M. Y., Hapon

Astronomiya ang isa sa maraming paksa na paborito ko. Hindi ako makapaniwala nang mabasa kong hindi laging madali ang naging buhay ni Johannes Kepler. Sa pangangasiwa ni Jehova, marahil ay masisiyahan akong pag-aralan sa bagong sanlibutan ang hindi pa natutuklasang mga galaksi sa ating uniberso kasama ng sinaunang iskolar na iyon. Pakisuyong magsulat pa kayo ng mga artikulong kawili-wiling basahin gaya nito!

S. M., Alemanya

Salamat sa pagpapasimple sa mahirap na paksa upang maunawaan ng lahat ang kamangha-manghang mga nilalang ni Jehova. Napasigla ako nang mabasa ko ang mga tuklas ni Kepler at ang kaniyang matatag na pasiyang manatiling hiwalay sa huwad na relihiyon! Alam kong maglalathala pa kayo ng napapanahong mga artikulo sa hinaharap.

S.M.C., Britanya

Paggawa Nang Higit Pa Napatibay ako nang husto sa artikulong “Maligaya sa ‘Paggawa Nang Higit Pa.’ ” (Pebrero 22, 2005) Napahalagahan ko ang talambuhay ni Claire Vavy dahil magkasing-edad kami at pareho ang haba ng mga taóng nagugol namin bilang buong-panahong ebanghelisador. Ang pangunahing dahilan kaya nakuha ng artikulong ito ang aking pansin ay sapagkat isang dalagang kabataang adulto ang naglahad ng karanasan. Bilang dalaga, napatibay ako ng sigasig at positibong saloobin ni Claire. Makikita sa mga larawan niya sa buong artikulo na talagang maligaya siya. Lalo nitong naikintal sa akin na ang kaligayahan ay hindi nakadepende sa ating katayuan o pag-aari, kundi sa ating pag-ibig kay Jehova at sa ating paglilingkod sa kaniya.

Y. R., Estados Unidos

Kamatis Ako po ay 12 taóng gulang, at nagustuhan ko ang artikulong “Ang Kamatis​—‘Gulay’ na May Iba’t Ibang Gamit.” (Marso 8, 2005) Lubos akong nagpapasalamat kay Jehova sa paglikha ng iba’t ibang uri ng masasarap na gulay. Hindi po ako makapaniwala nang mabasa kong may mga kamatis palang guhit-guhit! Salamat sa gayong kawili-wiling mga artikulo.

M. F., Latvia

Buwaya Hangang-hanga ako sa artikulong “Mangingitian Mo ba ang Isang Buwaya?” (Marso 8, 2005) Noon pa man ay itinuturing ko nang isang kamangha-manghang nilalang ang buwaya. Natutuwa akong basahin ang napakaraming kawili-wiling impormasyon na tutulong sa mga tao na magustuhan din ang mga buwaya gaya ng pagkagusto ko rito. Pinananabikan ko ang bagong sanlibutan ni Jehova, kung saan mas marami pa tayong malalaman tungkol sa mga buwaya!

L. I., Estados Unidos

Mula sa Aming mga Mambabasa Ipinanganak akong may sakit sa buto. Naiyak ako sa nakaaantig at nakapagpapasiglang mga liham na inilathala sa “Mula sa Aming mga Mambabasa” (Marso 8, 2005) hinggil sa artikulong “Isang Bagong Mukha Para kay Mailyn.” (Mayo 22, 2004) Bawat liham ay may natatanging punto na talagang makabuluhan sa akin at mapakikinabangan ko mismo.

M. J., Britanya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share