Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 2/06 p. 28-29
  • Iisa Lamang ba ang Tunay na Diyos?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iisa Lamang ba ang Tunay na Diyos?
  • Gumising!—2006
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Kathang-Isip Lamang
  • Si Jesus, ang mga Anghel, at ang Diyablo
  • Ang Usapin sa Hukumang Pansansinukob na Kinasasangkutan Mo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Ikaw ba ay Magiging Saksi Para sa Tunay na Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Sinong Diyos ang Sasambahin Mo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Diyos at Diyosa, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Gumising!—2006
g 2/06 p. 28-29

Ang Pangmalas ng Bibliya

Iisa Lamang ba ang Tunay na Diyos?

SINA Molec, Astoret, Baal, Dagon, Merodac, Zeus, Hermes, at Artemis ay ilan lamang sa mga diyos at diyosa na binanggit ang pangalan sa Bibliya. (Levitico 18:21; Hukom 2:13; 16:23; Jeremias 50:2; Gawa 14:12; 19:24) Gayunman, si Jehova lamang ang tinatawag na Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat sa Kasulatan. Sa isang awit ng tagumpay, pinangunahan ni Moises ang kaniyang bayan sa pag-awit: “Sino sa mga diyos ang tulad mo, O Jehova?”​—Exodo 15:11.

Maliwanag na sinasabi sa Bibliya na si Jehova ang pinakamataas sa lahat ng iba pang diyos. Subalit ano ang papel ng mas nakabababang mga diyos na ito? Sila ba at ang iba pang di-mabilang na mga diyos na sinasamba sa loob ng mahabang panahon ay tunay na mga bathala na nakabababa sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, si Jehova?

Mga Kathang-Isip Lamang

Ipinakikilala ng Bibliya si Jehova bilang ang tanging tunay na Diyos. (Awit 83:18; Juan 17:3) Isinulat ni propeta Isaias ang mga salita mismo ng Diyos nang sabihin Niya: “Walang Diyos na inanyuang una sa akin, at pagkatapos ko ay wala pa ring sinuman. Ako​—ako ay si Jehova, at bukod pa sa akin ay walang tagapagligtas.”​—Isaias 43:10, 11.

Hindi lamang mas nakabababa kay Jehova ang lahat ng iba pang diyos. Karaniwan nang hindi sila umiiral​—mga kathang-isip lamang talaga ng tao. Sinasabi ng Bibliya na ang mga diyos na ito ay “gawa ng mga kamay ng tao . . . , na hindi makakita o makarinig o makakain o makaamoy.” (Deuteronomio 4:28) Maliwanag na itinuturo ng Bibliya na si Jehova ang tanging tunay na Diyos.

Hindi nakapagtataka na mahigpit na nagbababala ang Kasulatan laban sa pagsamba sa sinumang diyos maliban kay Jehova. Halimbawa, sa una sa Sampung Utos na ibinigay kay Moises, sinabihan ang sinaunang bansang Israel na huwag silang sumamba sa sinumang iba pang diyos. (Exodo 20:3) Bakit?

Una, malaking insulto sa Maylalang ang pagsamba sa diyos na hindi man lamang umiiral. Ang mga mananamba ng huwad na mga diyos na ito ay inilalarawan sa Bibliya bilang mga taong “nagpalit ng katotohanan ng Diyos tungo sa kasinungalingan at nagpakundangan at nag-ukol ng sagradong paglilingkod sa nilalang sa halip na sa Isa na lumalang.” (Roma 1:25) Ang mga guniguning diyos na ito ay kadalasang isinasagisag ng mga idolong gawa sa mga materyales na makikita sa kalikasan, gaya ng metal o kahoy. Maraming bathala ang iniuugnay sa ilang aspekto ng kalikasan, gaya ng kulog, karagatan, at hangin. Kaya tiyak na tahasang kawalang-galang sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang pagsamba sa gayong huwad na mga diyos.

Kasuklam-suklam sa Maylalang ang huwad na mga diyos at ang kanilang mga idolo. Gayunman, pangunahin nang ipinahayag ng Diyos ang kaniyang galit sa mga taong gumawa ng huwad na mga diyos na ito. Ang kaniyang damdamin ay mapuwersang ipinahayag sa mga salitang ito: “Ang mga idolo ng mga bansa ay pilak at ginto, ang gawa ng mga kamay ng makalupang tao. May bibig sila, ngunit wala silang masalita; may mga mata sila, ngunit wala silang makita; may mga tainga sila, ngunit wala silang marinig. Wala ring espiritu sa kanilang bibig. Yaong mga gumagawa sa kanila ay magiging tulad nila, ang bawat isa na nagtitiwala sa kanila.”​—Awit 135:15-18.

May isa pang dahilan kung bakit mahigpit na nagbabala ang Bibliya laban sa pagsamba sa sinuman o anuman maliban sa Diyos na Jehova. Ang gayong pagsamba ay pagsasayang ng malaking panahon at pagsisikap. Angkop na sinabi ni propeta Isaias: “Sino ang nakapag-anyo ng isang diyos o nakapaghulma ng isang hamak na binubong imahen? Hindi iyon napakinabangan sa anumang paraan.” (Isaias 44:10) Sinasabi rin ng Bibliya na “ang lahat ng diyos ng mga bayan ay walang-silbing mga diyos.” (Awit 96:5) Hindi umiiral ang huwad na mga diyos, at walang saysay ang pagsamba sa wala.

Si Jesus, ang mga Anghel, at ang Diyablo

Kung minsan, tinutukoy ng Kasulatan ang tunay na mga persona bilang mga diyos. Gayunman, malinaw na isinisiwalat ng maingat na pagsusuri na ang terminong “diyos” sa mga kasong ito ay hindi ginamit upang ipahiwatig na dapat sambahin ang mga indibiduwal na ito. Sa halip, sa orihinal na mga wika na ginamit sa pagsulat ng Bibliya, ang terminong “diyos” ay lumalarawan din sa isang makapangyarihang persona o indibiduwal na may katangiang tulad sa Diyos o malapít na nauugnay sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.

Halimbawa, tinutukoy ng ilang teksto sa Bibliya na diyos si Jesu-Kristo. (Isaias 9:6, 7; Juan 1:1, 18) Nangangahulugan ba ito na dapat sambahin si Jesus? Sinabi mismo ni Jesus: “Si Jehova na iyong Diyos ang sasambahin mo, at sa kaniya ka lamang mag-uukol ng sagradong paglilingkod.” (Lucas 4:8) Maliwanag na bagaman makapangyarihan si Jesus at may katangiang tulad sa Diyos, hindi ipinahihiwatig ng Bibliya na dapat siyang sambahin.

Tinutukoy rin ang mga anghel bilang “mga tulad-diyos.” (Awit 8:5; Hebreo 2:7) Sa kabila nito, walang mababasa sa Kasulatan na humihimok sa mga tao na sambahin ang mga anghel. Sa katunayan, sa isang pagkakataon, manghang-mangha ang may-edad nang si apostol Juan nang makita niya ang isang anghel anupat nagpatirapa siya upang sambahin ito. Gayunman, sinabi ng anghel: “Mag-ingat ka! Huwag mong gawin iyan! . . . Sambahin mo ang Diyos.”​—Apocalipsis 19:10.

Inilarawan ni apostol Pablo ang Diyablo bilang “diyos ng sistemang ito ng mga bagay.” (2 Corinto 4:4) Bilang “tagapamahala ng sanlibutang ito,” sinisikap ng Diyablo na pasambahin ang mga tao sa huwad na mga diyos. (Juan 12:31) Samakatuwid, lahat ng pagsambang iniuukol sa gawang-taong mga diyos, sa diwa, ay pagsamba kay Satanas. Subalit si Satanas ay hindi isang diyos na karapat-dapat sa ating pagsamba. Siya ang nag-atas sa kaniyang sarili bilang tagapamahala, isang mang-aagaw ng kapangyarihan. Sa dakong huli, siya mismo, pati na ang lahat ng anyo ng huwad na pagsamba, ay papawiin. Kapag nangyari ito, si Jehova ay kikilalanin magpakailanman ng buong sangkatauhan​—oo, ng lahat ng nilalang​—bilang ang tanging tunay at buháy na Diyos.​—Jeremias 10:10.

NAPAG-ISIP-ISIP MO NA BA?

◼ Ano ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa pagsamba sa idolo?​—Awit 135:15-18.

◼ Dapat bang sambahin si Jesus at ang mga anghel bilang mga diyos?​—Lucas 4:8.

◼ Sino ang tanging tunay na Diyos?​—Juan 17:3.

[Mga larawan sa pahina 28, 29]

Mga imahen mula kaliwa pakanan: Maria, Italya; diyos ng mais ng mga Maya, Mexico at Sentral Amerika; Astoret, Canaan; anting-anting na diyos, Sierra Leone; Buddha, Hapon; Chicomecóatl, Aztec, Mexico; Horus na halkon, Ehipto; Zeus, Gresya

[Credit Line]

Maize god, Horus falcon, and Zeus: Photograph taken by courtesy of the British Museum

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share