Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 3/07 p. 3
  • Mga Kabataang Gumagamit ng Internet

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Kabataang Gumagamit ng Internet
  • Gumising!—2007
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Bata at Internet—Ang Magagawa ng mga Magulang
    Gumising!—2008
  • Gumagamit ba ng Internet ang Iyong Anak?
    Gumising!—2008
  • Mga Bata at Internet—Ang Dapat Malaman ng mga Magulang
    Gumising!—2008
  • Pagtulong sa mga Kabataan na Harapin ang Hamon
    Gumising!—2007
Iba Pa
Gumising!—2007
g 3/07 p. 3

Mga Kabataang Gumagamit ng Internet

Isipin mong mag-isang gumagala-gala sa lansangan sa kalaliman ng gabi ang iyong anak.

Isipin mong nagsasaayos ng isang parti sa inyong tahanan ang iyong tin-edyer na anak nang hindi mo nalalaman.

Isipin mong nagpagawa ng maraming kopya ng susi ng inyong bahay ang iyong anak at ipinamamahagi ito sa mga taong hindi niya kilala.

HINDI malayong mangyari iyan kung gumagamit ng Internet ang iyong anak. “Posible nang mag-usap-usap ang mga tao sa pamamagitan ng napakaraming paraan gamit ang Internet, kasama na rito ang mga message board, instant messaging, at ang tinatawag na mga social networking site,” ang sabi ng magasing Science News.

Madaling natutuhan ng mga kabataan ang paggamit ng Internet. Sa katunayan, noong 2004, halos 9 sa bawat 10 katao sa Estados Unidos na nasa edad 12 hanggang 17 ang gumagamit ng Internet, na nagagamit din naman sa halos lahat ng panig ng daigdig.

Marami ang naniniwalang kapaki-pakinabang ang Internet. Pero dapat ding mag-ingat ang bawat isa sa mga panganib na posibleng idulot nito. Halimbawa, maraming kabataan ang gumagamit ng Internet nang hindi nalalaman ng kanilang mga magulang, at nakikipagkaibigan sila sa pamamagitan ng Internet sa mga taong hinding-hindi mo papapasukin​—ni papapasukin man maging ng iyong anak​—sa bahay ninyo.

Ang ilang mahiyaing kabataan ay naglalagay pa nga ng di-angkop na personal na mga detalye, kaisipan, at mga larawan sa Internet. Ayon kay Propesor Zheng Yan ng State University of New York, “madalas na hindi natatanto [ng mga kabataan] kung gaano karaming tao ang puwedeng makabasa ng impormasyong iyon, kasama na rito ang mga taong nambibiktima ng mga kabataan para sa imoral na mga gawain.”

Suriin nating mabuti kung ano ang ginagawa ng maraming kabataan kapag gumagamit sila ng Internet. Makatutulong ito sa atin na makita ang mga problemang posibleng bumangon at malaman kung ano talaga ang hinahanap ng ating mga anak, at kung paano natin sila matutulungang sapatan ang tunay nilang mga pangangailangan. Makatutulong din ito sa mga kabataang Kristiyano na harapin ang hamon na manatiling tapat sa Diyos sa mahihirap na panahong ito.​—2 Timoteo 3:1-5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share