Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 10/07 p. 27
  • “Ipakita Ninyong Kayo ay Mapagpasalamat”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ipakita Ninyong Kayo ay Mapagpasalamat”
  • Gumising!—2007
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Ipakita na Kayo ay Mapagpasalamat’
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • ‘Magpasalamat sa Lahat ng Bagay’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • “Ipakita Ninyong Kayo ay Mapagpasalamat”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • “Ipakita Ninyong Kayo ay Mapagpasalamat”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
Iba Pa
Gumising!—2007
g 10/07 p. 27

“Ipakita Ninyong Kayo ay Mapagpasalamat”

◼ Paulit-ulit na pinasisigla ng Bibliya ang mga mananamba ng Diyos na magpasalamat. “Mabuti ang magpasalamat kay Jehova,” sabi ng Awit 92:1. Nagpayo rin si apostol Pablo: “Ipakita ninyong kayo ay mapagpasalamat.”​—Colosas 3:15.

May mabuting dahilan kung bakit tayo dapat maging mapagpasalamat. Ganito ang sinabi ni Propesor Robert Emmons ng University of California sa Davis: “Ipinakikita ng pananaliksik na malaki ang nagagawa ng pagiging mapagpasalamat upang makayanan ng mga tao ang mga problema sa araw-araw, lalo na ang kaigtingan, at upang magkaroon ng pagpapahalaga sa sarili.”

Sinabi pa ng magasing Time: “Ang mga taong nagsasabing mapagpasalamat sila . . . ay karaniwan nang mas masigla, mas positibo sa buhay, at hindi masyadong nakararanas ng kaigtingan at malubhang depresyon kumpara sa ibang tao.”

Pero nakalulungkot, inihula ng Bibliya na “sa mga huling araw,” maraming tao ang magiging “maibigin sa kanilang sarili” at “walang utang-na-loob.” (2 Timoteo 3:1-5) Ano ang dapat gawin ng mga tunay na Kristiyano upang hindi sila maimpluwensiyahan ng saloobing ito? Sinasabi ng awtor ng Bibliya: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka, ang Isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.” (Isaias 48:17) Kung susundin natin ang mga kautusan ng Diyos, maiiwasan natin ang pagkasiphayong nararanasan ng mga makasarili. Bukod diyan, nakatitiyak tayong nakikita ni Jehova ang ating mga pagsisikap at gagantimpalaan niya tayo dahil dito. (Hebreo 6:10) Ang mga pagpapalang ito ay mag-uudyok sa atin na “magpasalamat . . . kay Jehova.”​—Awit 107:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share