Paano Mo Sasagutin?
Ano ang Kahulugan ng Panaginip na Ito?
Basahin ang ulat ng Bibliya sa Daniel 2:25-45, at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Ang imahen ay gawa sa anong apat na metal?
․․․․․
․․․․․
․․․․․
․․․․․
2. Saan kumakatawan ang mga metal?
․․․․․
3. Ano ang nangyari sa imahen?
․․․․․
4. Ano ang pumalit sa imahen, at gaano katagal ito mananatili?
․․․․․
․․․․․
PARA SA TALAKAYAN:
Paano ipinakita sa ulat na ito na si Daniel ay mapagpakumbaba? Kung may nagawa kang mahusay na trabaho o may angkin kang talento, bakit dapat kang maging mapagpakumbaba?
Mula sa Isyung Ito
Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.
PAHINA 7 Saan dapat maging mabilis ang mga may asawa? Santiago 1:________
PAHINA 9 Ano ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga may asawa? Filipos 2:________
PAHINA 11 Inutusan ng Diyos ang kaniyang mga lingkod na iwasan ang ano? Deuteronomio 18:________
PAHINA 21 Kung ang isang kabataan ay hindi lamang isang tagapakinig kundi isang tagatupad din, ano ang mangyayari sa kaniya? Santiago 1:________
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
Sino ang Kabilang sa Talaangkanan ni Jesus?
Tingnan ang mga clue. Basahin ang mga teksto. Saka isulat ang tamang mga pangalan.
5. ․․․․․
CLUE: Ang aking apo ang naging ikalawang hari ng Israel.
Basahin ang 1 Samuel 16:13, 14; 1 Cronica 2:12-15.
6. ․․․․․
CLUE: Inihula ni Isaias na isa sa aking mga inapo ang “tatayo bilang isang hudyat para sa mga bayan.”
Basahin ang Isaias 11:10.
7. ․․․․․
CLUE: Kilala ako sa paggawa ng mga instrumento sa musika.
Basahin ang 2 Cronica 7:6.
◼ Nasa pahina 22 ang mga sagot
MGA SAGOT SA PAHINA 31
1. Ginto, pilak, tanso, bakal.
2. Apat na kaharian.
3. Nadurog ito.
4. Kaharian ng Diyos; mananatili ito hanggang sa mga panahong walang takda.
5. Obed.—Lucas 3:31, 32.
6. Jesse.—Lucas 3:32.
7. David.—Lucas 3:31.