Paano Mo Sasagutin?
Ipaliwanag ang Ilustrasyon
1. Sa ilustrasyong nakaulat sa Lucas 18:9-14, ano ang masasabi mo hinggil sa Pariseo?
(Lagyan ng tsek ang isa o higit pang mga kahon sa ibaba.)
□ Mapagpakumbaba □ Nagsisisi □ Mayabang
2. Ano naman ang masasabi mo hinggil sa maniningil ng buwis?
(Lagyan ng tsek ang isa o higit pang mga kahon sa ibaba.)
□ Mapagpakumbaba □ Nagsisisi □ Mayabang
3. Sino sa dalawang lalaking ito ang totoong matuwid?
․․․․․
PARA SA TALAKAYAN:
Ano ang dapat mong iwasang sabihin o gawin para hindi ka maging katulad ng Pariseo? Paano mo matutularan ang maniningil ng buwis?
Mula sa Isyung Ito
Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.
PAHINA 8-9 Kanino nakasalalay ang kinabukasan ng lupa? Isaias 11:________
PAHINA 20 Ano ang pananaw ng Diyos sa relihiyosong mga imahen? Exodo 20:________
PAHINA 21 Ayon kay apostol Juan, ano ang dapat nating iwasan? 1 Juan 5:________
PAHINA 27 Sa anong tukso maaaring maakit paminsan-minsan kahit ang isang matuwid na tao? 1 Juan 2:________
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
Sino ang Kabilang sa Talaangkanan ni Jesus?
Tingnan ang mga clue. Basahin ang mga teksto. Saka isulat ang tamang mga pangalan.
4. ․․․․․
CLUE: May alam akong tatlong libong kawikaan, at ang aking mga awit ay “umabot sa isang libo at lima.”
Basahin ang 1 Hari 4:30-32.
5. ․․․․․
CLUE: Ako ang huling hari ng nagkakaisang kaharian ng Israel.
Basahin ang 1 Hari 12:1-3, 16-20.
6. ․․․․․
CLUE: Tinalo ng aking hukbo ang mas malaking hukbo ni Jeroboam dahil “sumandig [kami] kay Jehova.”
Basahin ang 2 Cronica 13:13-20.
◼ Nasa pahina 19 ang mga sagot
MGA SAGOT SA PAHINA 31
1. Mayabang.
2. Mapagpakumbaba at nagsisisi.
3. Ang maniningil ng buwis.
4. Solomon.—Mateo 1:6.
5. Rehoboam.—Mateo 1:7.
6. Abias.—Mateo 1:7.