Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 2/09 p. 8-9
  • Mga Siklo na Mahalaga sa Buhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Siklo na Mahalaga sa Buhay
  • Gumising!—2009
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Perpektong Pagreresiklo!
  • Ang Buháy na Planeta
    Saan Nagmula ang Buhay?
  • Ang Ating Mahalagang Atmospera
    Gumising!—1994
  • Sariwang Tubig
    Gumising!—2023
  • Pinapahalagahan Mo Ba ang mga Regalo ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
Iba Pa
Gumising!—2009
g 2/09 p. 8-9

Mga Siklo na Mahalaga sa Buhay

KAPAG pinutol ang suplay ng sariwang hangin at tubig ng isang lunsod at binarahan ang mga imburnal nito, magkakasakit at mamamatay ang mga tao. Maihahalintulad sa gayong lunsod ang ating planeta​—ang malinis na hangin at tubig ay hindi naman natin kinukuha mula sa malayong kalawakan at ang mga basura ay hindi natin isinasakay sa rocket para itapon sa kalawakan! Kung gayon, paano nananatiling balanse at puwedeng panirahan ang biosphere ng lupa? Ang sagot: likas na mga siklo, gaya ng siklo ng tubig, karbon, oksiheno, at nitroheno, na ipinaliwanag at inilarawan dito sa simpleng paraan.

Ang siklo ng tubig ay may tatlong yugto. 1. Pinasisingaw ng init ng araw ang tubig papuntang atmospera sa pamamagitan ng ebaporasyon. 2. Nabubuo ang mga ulap dahil sa kondensasyon ng dalisay na tubig na ito. 3. Ang mga ulap naman ay nagiging ulan, graniso, nagyelong ulan, o niyebe, na bumabagsak sa lupa, kaya bumabalik ang tubig sa pinagmulan nito. Gaano kaya karaming tubig ang nareresiklo taun-taon? Ayon sa mga pagtaya, napakarami nito anupat kaya nitong takpan ang buong planeta sa lalim na 100 sentimetro.

2

← ◯

↓ 3 ↑

↓ 1 ↑

↓ ↑

→ →

→

Ang siklo ng karbon at siklo ng oksiheno ay nagsasangkot ng dalawang pangunahing proseso​—potosintesis at respirasyon.a Ginagamit sa potosintesis ang liwanag ng araw, carbon dioxide, at tubig upang makalikha ng carbohydrate at oksiheno. Sa proseso naman ng respirasyon, na nangyayari sa mga hayop at tao, nagsasama ang carbohydrate at oksiheno para makalikha ng enerhiya, carbon dioxide, at tubig. Kaya ang produkto ng isang siklo ay ginagamit ng isang siklo, at ang lahat ng ito ay nagaganap nang walang aksaya at walang nalilikhang dumi at ingay.

Oksiheno

←

← ←

↓ ↑

↓ ↑

↓ ↑

→ →

→

Carbon dioxide

Ang siklo ng nitroheno ay mahalaga sa produksiyon ng amino acid, protina, at iba pang organikong mga molekula. A. Nagsisimula ang siklo kapag nagbago ang kemikal na komposisyon ng nitroheno sa atmospera dahil sa kidlat at baktirya at naging mga compound (kombinasyon ng dalawa o higit pang elemento) na mapakikinabangan ng halaman. B. Ginagamit naman ng mga halaman ang mga compound na ito para gumawa ng organikong mga molekula. Kaya nakakakuha rin ng nitroheno ang mga hayop na kumakain ng halaman. C. Kapag namatay ang mga halaman at hayop, bubulukin ng isa pang grupo ng mga baktirya ang mga compound na nitroheno, kaya babalik ang nitroheno sa lupa at atmospera.

← ← ← ← ← ← ← ← ← ←

↓ ↑

↓ 78 porsiyento ng atmospera ↑

↓ ng lupa ay nitroheno ↑

↓ ↑

↓ ↓ Organikong ↑

↓ A ↓ mga molekula ↑

↓ Baktirya ↓ B ↑ ↓ C ↑

→ Mga compound ng nitroheno Baktirya →

→ → →

Perpektong Pagreresiklo!

Pag-isipan ito: Taun-taon, ang mga tao ay gumagamit ng mga teknolohiyang lumilikha ng tone-toneladang nakalalasong basura na hindi na maireresiklo. Pero nareresiklo ng lupa ang lahat ng basura nito nang hindi nasisira ang kalikasan, gamit ang napakahusay na kemikal na mga proseso. Ang gayong pagtutulungan sa kalikasan ay “tiyak na hindi mauulit ng mga prosesong nagkataon lamang,” ang sabi ng manunulat tungkol sa relihiyon at siyensiya na si M. A. Corey.

Bilang pagbibigay ng karangalan sa Isa na karapat-dapat na tumanggap nito, sinasabi ng Bibliya: “Kay rami ng iyong mga gawa, O Jehova! Sa karunungan ay ginawa mong lahat ang mga iyon.” (Awit 104:24) Ang karunungang iyan ay ipinakikita sa sangkatauhan sa espesyal na paraan.

[Talababa]

a Ang mga siklo ng iba’t ibang elemento ay maaaring magsama o magkatulungan. Halimbawa, may oksiheno ang carbon dioxide, carbohydrate, at tubig. Kaya may papel ang oksiheno kapuwa sa siklo ng karbon at siklo ng tubig.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share