Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 2/09 p. 8-9
  • Espesyal na Paglalaan Para sa Sangkatauhan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Espesyal na Paglalaan Para sa Sangkatauhan
  • Gumising!—2009
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kaalaman na Umaakay sa Buhay
  • Ang Daan Pauwi sa Paraiso
    Gumising!—1997
  • Ang Mabuhay Magpakailanman ay Hindi Panaginip Lamang
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Maaari Kang Magkaroon ng Maligayang Kinabukasan!
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
  • Ang Buhay ay May Dakilang Layunin
    Ano ang Layunin ng Buhay?—Paano Mo Masusumpungan?
Iba Pa
Gumising!—2009
g 2/09 p. 8-9

Espesyal na Paglalaan Para sa Sangkatauhan

HINDI lamang hangin, pagkain, at tubig ang kailangan ng tao. Para maging tunay na maligaya, kailangan nating sapatan ang ating espirituwal na pangangailangan. Kailangan nating malaman ang layunin ng buhay, kung bakit tayo naririto. Kaya sinabi ni Jesu-Kristo: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.”​—Mateo 5:3.

Para masapatan ang pangangailangang iyan, inilaan ng Diyos sa atin ang Banal na Bibliya, ang pinakamalawak na naipamahaging sagradong aklat sa buong daigdig, at ang kabuuan o mga bahagi nito ay makukuha na ngayon sa mga 2,400 wika. (2 Timoteo 3:16) Sinasabi sa atin ng Bibliya na nilalang ng Diyos ang uniberso at ang lahat ng nabubuhay sa lupa. (Genesis, kabanata 1 at 2) Sinasabi pa nga nito sa atin na hinati niya ang kaniyang mga gawang paglalang sa anim na makasagisag na mga “araw,” o mga yugto ng panahon, na ang pagkakasunud-sunod ay kaayon ng sinasabi ng mga siyentipiko na pangunahing mga yugto kung paano nabuo ang lupa.

Isinisiwalat din ng Bibliya ang layunin ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang layuning iyan ay isinasaad sa Awit 37:29: “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.” Pansinin na ang mga matuwid​—ang mga namumuhay ayon sa mga pamantayang moral at simulain ng Bibliya​—ay mabubuhay magpakailanman, hindi sa langit, kundi sa lupa. Siyempre, ang lupa sa panahong iyon ay hindi na isang maruming planeta, gaya ng kalagayan sa ngayon. Sa halip, ito ay isa nang pangglobong paraiso.​—Awit 104:5; Lucas 23:43.

Kaalaman na Umaakay sa Buhay

Magkakaroon ng dalawang uri ng Paraiso​—pisikal at espirituwal. Sinasabi sa Isaias 11:9: “Ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.” Kahit ngayon pa lamang, ang kaalamang iyon na nakasulat sa puso ng mga tao ay nagpapakilos sa mga tunay na Kristiyano na mamuhay nang mapayapa at may pagkakaisa. Bukod diyan, isinasapuso nila ang sinabi ni Jesus sa panalangin: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.”​—Juan 17:3.

Kung gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa pag-asang ipinapangako ng Bibliya, malulugod ang mga Saksi ni Jehova na tulungan ka nang walang bayad.a

[Talababa]

a Maaari ka ring makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa Web site na www.watchtower.org.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share