Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 4/09 p. 27
  • Dahon ng Lotus na Hindi Nababasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dahon ng Lotus na Hindi Nababasa
  • Gumising!—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Lotus, Punong
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • May Dahon sa Bahay-Gagamba!
    Gumising!—2002
  • Nasisiyahan Ka Ba sa Maliliit na Nilikha?
    Gumising!—1988
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2009
Iba Pa
Gumising!—2009
g 4/09 p. 27

May Nagdisenyo ba Nito?

Dahon ng Lotus na Hindi Nababasa

◼ Mga plastik na basong hindi narurumhan? Mga bintanang hindi nababasa kahit maulanan? Pagkaliliit na makina na ang mga piyesa ay hindi gaanong nagkikiskisan? Sinasabi ng mga siyentipiko na ilan lamang ito sa mga maiimbento natin kung malalaman natin ang sekreto ng dahon ng lotus.

Pag-isipan ito: Ang ibabaw ng dahon ng lotus ay may pagkaliit-liit na mga bukol na nababalot ng wax. Pagpatak ng tubig sa dahon ng lotus, masasalo ito ng mga balahibo at bukol na nagsisilbing pangharang sa tubig. Dahil sa pagkakahilig ng dahon, gugulong ang patak ng tubig kaya hindi na ito makaaabot sa mismong dahon. Ang resulta? Hindi lamang napananatiling tuyo ang dahon ng lotus kundi lagi rin itong malinis dahil sumasama sa mga patak ang dumi at alikabok.

Gusto ng mga siyentipiko na makaimbento ng mga materyales na hindi nababasa gaya ng dahon ng lotus. Magagamit ang disenyo ng dahon ng lotus sa pagkaliliit na makinang nasisira kapag nabasa. “Napakaraming puwedeng paggamitan nito,” ang ulat ng Science Daily.

Ano sa palagay mo? Nagkataon lamang ba ang disenyo ng dahon ng lotus? O may nagdisenyo nito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share