Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 5/09 p. 14
  • Mga Batang Nai-stress

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Batang Nai-stress
  • Gumising!—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Magulang na Ginawa ang Kanilang Araling-Bahay
    Gumising!—1988
  • Mga Magulang—Tulungan ang Inyong mga Anak na Mahalin si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Mga Magulang—Sanayin ang Inyong mga Anak sa Maibiging Paraan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Mga Magulang at Anak—Mag-usap Nang May Pag-ibig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Gumising!—2009
g 5/09 p. 14

Mga Batang Nai-stress

◼ “Wala na po kasing oras, saka pagód na po ako,” ang sagot ng walong-taóng-gulang na si Pablo nang tanungin siya ng kaniyang titser tungkol sa kaniyang araling-bahay. Gaya ng matamlay na batang ito sa Espanya, maraming bata ang laging pagód dahil kung minsa’y inaabot sila nang 12 oras o higit pa sa pag-aaral at paggawa ng mga araling-bahay. Bakit kaya?

Pinapakuha ng ilang magulang ang kanilang mga anak ng karagdagang mga lesson pagkatapos ng klase para maging abala sila hanggang sa pag-uwi ng kanilang Mommy o Daddy. Ang ilang magulang naman ay napakahigpit pagdating sa iskedyul ng kanilang mga anak dahil gusto nilang manguna ang mga ito sa klase at magtagumpay sa kanilang propesyon sa hinaharap. Kaya naman maraming magulang sa Timog Korea ang nagpapasok sa kanilang mga anak sa mga paaralan na nakapapagod ang iskedyul, kung minsa’y nagsisimula ang klase nang 7:30 n.u. hanggang hatinggabi o madaling-araw, at inaabot pa nga ng pitong araw sa isang linggo. “Handa nilang gawin ang lahat makapasok lang sa nangungunang mga unibersidad ang kanilang mga anak,” ayon sa ulat ng New York Times.

Ganito naman ang sinabi ng lingguhang babasahin sa Espanya na Mujer hoy: “Gusto ng mapaghanap na mga magulang na makamit ng kanilang mga anak ang pinakamainam, pero masyadong mataas ang inaasahan nila sa mga ito.” Para maabot ang inaasahan ng kanilang mga magulang, baka sagarin ng mga bata ang kanilang sarili, at talagang nakaka-stress iyon. “Sa naobserbahan namin, wala nang pahinga ang mga kabataan,” ang sabi ni Antonio Cano, presidente ng Spanish Society for the Study of Anxiety and Stress. Ayon pa sa isang propesora, masyado nang nai-stress ang 40 porsiyento ng mga bata sa Espanya na wala pang 15 anyos. May masamang epekto ito sa kanila, baka nga maisipan pa nilang magpakamatay. Halimbawa, sa Timog Korea, “kasunod ng aksidente sa sasakyan, pumapangalawa ang pagpapatiwakal sa pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga kabataang edad 10 hanggang 19,” ang sabi ng The New York Times.

Siyempre, kailangang maging masipag sa pag-aaral ang mga kabataan, at kailangang tumulong ang mga magulang sa abot ng kanilang makakaya, dahil hindi na muling mauulit ang mga taóng iyon. Pero “ang mga bata ay hindi katulad ng mga adulto. Hindi nila kaya ang gayong napakahabang oras ng pag-aaral at nakapapagod na iskedyul,” ang sabi ng isang guro na si Irene Arrimadas. Alam ito ng mapagmahal na mga magulang, kaya tinitiyak nilang husto sa pahinga ang kanilang mga anak at nakakasama sa nakarerepreskong gawain ng pamilya. Tungkol sa kahalagahan ng pagiging timbang, sumulat ang matalinong si Haring Solomon: “Mas mabuti ang sandakot na kapahingahan kaysa sa dalawang dakot ng pagpapagal at paghahabol sa hangin.”​—Eclesiastes 4:6.a

[Talababa]

a Para sa detalyadong pagtalakay tungkol sa stress na nararanasan ng maraming bata, tingnan ang serye ng mga artikulong “Stress sa Loob at Labas ng Paaralan,” sa Gumising!, isyu ng Abril 2009.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share