Ano ang Sagot Mo?
Ano ang Kulang sa Larawang Ito?
Basahin ang Gawa 5:1-5. Ngayon, tingnan mo ang larawan. Anu-ano ang kulang sa larawan? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot, at para makumpleto ang larawan, kulayan ito at idrowing ang nawawalang mga bagay.
1. ․․․․․
2. ․․․․․
PARA SA TALAKAYAN:
Bakit kaya nagsinungaling si Ananias? Anu-anong aral ang matututuhan mo sa ulat na ito?
Mula sa Isyung Ito
Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.
PAHINA 11 Ano ang nangyayari sa kaluluwang nagkakasala? Ezekiel 18:․․․
PAHINA 11 Ano ang nalalaman ng mga patay? Eclesiastes 9:․․․
PAHINA 17 Ano ang maraming ulit na nangyayari sa atin? Santiago 3:․․․
PAHINA 17 Ano ang dapat mong alisin sa iyong sarili? Efeso 4:․․․
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
Kilala Mo ba si Hukom Barak?
Basahin ang Hukom 4:1-24, saka sagutin ang sumusunod na mga tanong.
3. ․․․․․
Sino ang propetisang tumulong sa kaniya?
4. ․․․․․
Sinong hari ng Canaan ang tinalo niya para iligtas ang Israel?
5. ․․․․․
Tama o mali? Nabuhay si Hukom Barak pagkatapos ng panahon ni Josue.
PARA SA TALAKAYAN:
Paano nakatulong ang mga babae sa tagumpay ng Israel laban sa mga Canaanita? Ano ang mahalagang papel ngayon ng mga babae sa paglilingkod sa Diyos?
◼ Nasa pahina 29 ang mga sagot
MGA SAGOT SA PAHINA 31
1. Walang hawak na pera si Ananias.
2. Wala si apostol Pedro.
3. Debora.—Hukom 4:4-9.
4. Jabin.—Hukom 4:2.
5. Tama.