Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 12/09 p. 9-10
  • Bakit Tayo Narito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Tayo Narito?
  • Gumising!—2009
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Tayo Nilalang ng Diyos?
  • Matuto Tungkol sa Diyos
  • Ang Buhay ay May Dakilang Layunin
    Ano ang Layunin ng Buhay?—Paano Mo Masusumpungan?
  • “Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay”
    “Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay”
  • Puwede Kang Mabuhay sa Lupa Magpakailanman
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2018
  • Naisiwalat ang Dakilang Disenyador
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—2009
g 12/09 p. 9-10

Bakit Tayo Narito?

AYON sa Bibliya, ang Diyos, na ang pangalan ay Jehova, ang pinakamatalino sa lahat. Siya ang Maylalang ng uniberso at ang Pinagmulan ng lahat ng puwersang kumikilos sa kosmos. (Awit 83:18; 92:5) Sinasabi ng unang kabanata ng Bibliya: “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.” Pagkatapos, ginawa ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang “larawan”​—ibig sabihin, may mga katangian sila na katulad ng sa Diyos. Sinabi niya sa tao na magpakarami at punuin ang lupa.​—Genesis 1:1, 26, 28.

Ibig bang sabihin, nilalang ng Diyos ang uniberso, pati na ang lupa at ang lahat ng hayop at halaman dito para lang may matirhan ang tao? At naririto ba tayo para lang mabuhay nang ilang dekada, kumain, uminom, at magkaanak?

Bakit Tayo Nilalang ng Diyos?

Nilalang ng Diyos na Jehova ang tao dahil sa pag-ibig​—gusto niyang maranasan ng tao na mabuhay at maging maligaya. Tiyak na nakadama ang Diyos ng masidhing kagalakan nang gawin niya ang iba’t ibang uri ng nilalang. Gusto niyang masiyahan ang mga tao sa kagandahan at pagkakasari-sari ng mga bagay. Higit sa lahat, gusto niyang magkaroon ang mga tao ng mabuting kaugnayan sa kanilang Maylalang, anupat nakikilala nila siya at nakikipag-usap sila sa kaniya. Nilalang niya sila upang mabuhay magpakailanman sa isang sakdal at mapayapang kalagayan.​—Genesis 3:8, 9; Awit 37:11, 29.

Binigyan din ni Jehova ang tao ng kasiya-siya at makabuluhang gawain. Sinabi ng Diyos sa unang tao: “Magpalaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang lupa at supilin iyon, at magkaroon kayo ng kapamahalaan sa mga isda sa dagat at sa mga lumilipad na nilalang sa langit at sa bawat nilalang na buháy na gumagala sa ibabaw ng lupa.” (Genesis 1:28) Oo, ang unang mag-asawa at ang kanilang mga anak ay magtutulungan para gawing paraiso ang buong lupa.

Hindi kaagad nangyari ang layunin ni Jehova.a Pero matutupad ang orihinal na layunin ng Diyos sa sangkatauhan.​—Isaias 46:9-11; 55:11.

Gayunman, makikita pa rin sa tao ang pagnanais​—ang pangangailangan niya​—na makilala ang Diyos at magkaroon ng kaugnayan sa Kaniya, dahil patuloy siyang naghahanap ng layunin. Nilalang ang tao na matalino at may pagnanais na matuto at makaunawa. At sinasabi ng Bibliya na kukuha ang tao ng kasiya-siyang kaalaman tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga nilalang magpakailanman.

Ganito ang sabi ng isang manunulat ng Bibliya hinggil sa layunin ng tao: “Nakita ko ang kaabalahang ibinigay ng Diyos sa mga anak ng sangkatauhan upang pagkaabalahan. Ang lahat ng bagay ay ginawa niyang maganda sa kapanahunan nito. Maging ang panahong walang takda ay inilagay niya sa kanilang puso, upang hindi kailanman matuklasan ng mga tao ang gawa na ginawa ng tunay na Diyos mula sa pasimula hanggang sa katapusan. Nalaman ko na wala nang mas mabuti sa kanila kundi ang magsaya at gumawa ng mabuti habang ang isa ay nabubuhay; at na ang bawat tao rin ay kumain at uminom nga at magtamasa ng kabutihan dahil sa lahat ng kaniyang pagpapagal. Iyon ang kaloob ng Diyos.” (Eclesiastes 3:10-13) Kaya laging may bagong matututuhan ang tao tungkol sa Diyos at sa kaniyang nilalang.

Matuto Tungkol sa Diyos

Makikilala mo si Jehova kung susuriin mo ang kaniyang mga nilalang. Isang manunulat ng Bibliya ang nagsabi na “ang . . . di-nakikitang mga katangian [ng Diyos] ay malinaw na nakikita mula pa sa pagkalalang ng sanlibutan, sapagkat napag-uunawa ang mga ito sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa, maging ang kaniyang walang-hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos.” (Roma 1:20) Oo, makikita sa mga nilalang ang pag-ibig, karunungan, at kapangyarihan ni Jehova.

Ang isa pang napakahalagang pinagmumulan ng impormasyon tungkol sa Diyos ay ang Bibliya. Mababasa sa banal na aklat na ito ang marami pang bagay hinggil kay Jehova​—ang kaniyang pangmalas, katangian, at layunin​—na matututuhan kapag sinuri natin ang kaniyang mga nilalang.

Ganito ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa layunin ng Diyos: “Kung tungkol sa langit, ang langit ay kay Jehova, ngunit ang lupa ay ibinigay niya sa mga anak ng mga tao.” (Awit 115:16) Ipinakikita nito na ang lupa lamang ang tanging lugar sa uniberso na puwedeng panirahan ng tao, at ito talaga ang layunin ni Jehova sa lupa.

Kumusta naman ang napakalawak na kosmos? Ginawa ba ang lahat ng bituin para lang maging balanse ang ating sistema solar upang may mabuhay sa lupa? Ginawa ba ang mga bagay sa kalangitan para lang gumanda ang kalangitan sa gabi? Aminin natin na napakarami pa nating hindi alam. Pero may magandang ipinahihiwatig iyan.

Kahit mabuhay pa ang tao nang walang hanggan, hindi pa rin niya maiintindihan ang lahat ng ginawa ng Diyos at ang layunin Niya. Gusto Niyang habambuhay tayong masiyahan sa pagtuklas ng mga bagay-bagay. Ang walang-hanggang buhay sa lupa ay magbibigay sa masunuring sangkatauhan ng maraming pagkakataon na matuto pa nang higit tungkol sa uniberso.

[Talababa]

a Dahil sa kasamaan at kahirapan, marami ang hindi naniniwala na may isang maibiging Maylalang. Hinggil sa paksang ito, pakisuyong tingnan ang kabanata 11 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

[Blurb sa pahina 9]

Nilalang ang tao na matalino at may pagnanais na matuto at makaunawa

[Mga larawan sa pahina 10]

Ipinakikita ng Bibliya na ang lupa ay nilalang pangunahin na para masiyahan ang tao

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share