Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 3/10 p. 5
  • Kalikasan ang Nauna

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kalikasan ang Nauna
  • Gumising!—2010
  • Kaparehong Materyal
  • Balahibo—Kamangha-manghang Disenyo
    Gumising!—2007
  • Ibon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ano ang Kailangan Upang Mapanatiling Lumilipad ang mga Ito?
    Gumising!—1999
  • Ang Nakatikwas na Dulo ng Pakpak ng Lumilipad na mga Ibon
    Gumising!—2015
Iba Pa
Gumising!—2010
g 3/10 p. 5

Kalikasan ang Nauna

“Tanungin mo, pakisuyo, . . . ang mga may-pakpak na nilalang sa langit, at sasabihin nila sa iyo. . . . Ang kamay ni Jehova ang gumawa nito.”​—Job 12:7-9.

MUKHANG lahat ng parte ng ibon ay dinisenyo para makalipad ito. Halimbawa, nariyan ang matigas na bahagi sa gitna ng balahibo ng pakpak ng ibon. Kaya nitong suportahan ang bigat ng lumilipad na ibon. Bakit gayon na lang kalakas ang pakpak, samantalang napakagaan nito? Dahil ang gitnang bahagi ng balahibo ng pakpak ay parang foam-sandwich beam​—isang biga na parang espongha ang loob. Pinag-aralan ito ng mga inhinyero at isinunod dito ang disenyo ng pakpak ng eroplano.

Kamangha-mangha rin ang pagkakadisenyo sa mga buto ng ibon. Ang karamihan ay hungkag, samantalang ang ilan ay may mga tila-tukod na suportang nagpapatibay sa buto. Ang tawag ng mga inhinyero sa ganitong istraktura ay Warren girder, na siya ring ginagamit sa mga pakpak ng space shuttle.

Para maging balanse ang lipad ng eroplano, ina-adjust ng mga piloto ang ilang bahagi sa pakpak at buntot. Pero sa kaso ng ibon, mga 48 kalamnan sa pakpak at balikat ang ginagamit nito para baguhin ang galaw at posisyon ng pakpak at ng bawat balahibo nito​—isang prosesong ilang ulit na ginagawa sa isang segundo! Kaya naman inggit na inggit ang mga disenyador ng eroplano sa kakayahang ito ng ibon.

Umuubos ng enerhiya ang paglipad, lalo na sa “takeoff.” Kaya kailangan ng ibon ng malakas na “makina” na mabilis magsunog ng enerhiya. Ang puso ng ibon ay mas mabilis tumibok kaysa sa puso ng anumang mamalyang kasinlaki nito at karaniwan nang mas malaki ito at mas malakas. Mas matipid din sa enerhiya ang disenyo ng baga ng ibon kumpara sa mamalya. Isang direksiyon lang kasi ang daloy ng hangin nito.

Maraming ibon ang may kakayahang mag-imbak ng sapat na enerhiya para sa mahahabang paglalakbay. Halimbawa, sa sampung oras na paglipad ng isang nandarayuhang thrush, isang kapamilya ng pipit, kalahati ng bigat nito ang nagagamit. Kapag ang isang bar-tailed godwit ay lumipad mula Alaska patungong New Zealand, mahigit kalahati ng timbang nito ay taba. Dahil dito, nakalilipad ito nang mga 190 oras (walong araw) nang dire-deretso. Walang pampasaherong eroplano ang makakagawa niyan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share