Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 5/11 p. 20-21
  • Bakit Kinapopootan ang mga Tunay na Tagasunod ni Jesus?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Kinapopootan ang mga Tunay na Tagasunod ni Jesus?
  • Gumising!—2011
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kumikilos ang mga Mananalansang Dahil sa Kawalang-Alam
  • Naiinggit ang Ilang Mananalansang
  • Kinapopootan Dahil ‘Hindi Bahagi ng Sanlibutan’
  • Puwede Pa Kayang Magbago ang mga Gumagawa ng Masama?
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Pinili ni Jesus si Saul
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Bakit Inusig ni Saulo ang mga Kristiyano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • ‘Magpigil sa Ilalim ng Kasamaan’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Gumising!—2011
g 5/11 p. 20-21

Ang Pangmalas ng Bibliya

Bakit Kinapopootan ang mga Tunay na Tagasunod ni Jesus?

“Ibibigay kayo ng mga tao sa kapighatian at papatayin kayo, at kayo ay magiging mga tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.”​—MATEO 24:9.

SINABI ni Jesus ang mga salitang ito mga ilang araw bago siya walang-awang patayin. Noong gabi bago siya mamatay, sinabi ni Jesus sa kaniyang tapat na mga apostol: “Kung pinag-usig nila ako, pag-uusigin din nila kayo.” (Juan 15:20, 21) Pero bakit kapopootan ng mga tao ang mga sumusunod at nagsisikap na tumulad kay Jesus? Hindi ba’t ginugol niya ang kaniyang buhay sa pagtulong sa iba, pag-aliw sa mahihirap, at pagbibigay ng pag-asa sa mga naaapi?

Binabanggit sa Bibliya ang espesipikong mga dahilan. Habang isinasaalang-alang natin ang mga ito, makikita natin kung bakit dumaranas ng katulad na pagsalansang ang mga tagasunod ni Kristo sa ngayon.

Kumikilos ang mga Mananalansang Dahil sa Kawalang-Alam

Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Ang oras ay dumarating na ang bawat isa na pumapatay sa inyo ay mag-aakalang nag-ukol siya ng sagradong paglilingkod sa Diyos. Ngunit gagawin nila ang mga bagay na ito sapagkat hindi nila nakilala ang Ama o ako man.” (Juan 16:2, 3) Oo, inangkin ng maraming mang-uusig na naglilingkod sila sa Diyos na pinaglilingkuran ni Jesus. Pero naimpluwensiyahan sila ng mga paniniwala at tradisyon ng huwad na mga relihiyon. May “sigasig sila sa Diyos; ngunit hindi ayon sa tumpak na kaalaman.” (Roma 10:2) Ang isa sa kanila ay si Saul ng Tarso, na naging si apostol Pablo.

Kabilang si Saul sa isang grupo na kilala bilang Pariseo, isang makapangyarihan at maimpluwensiyang sekta ng mga Judio na salansang sa Kristiyanismo. Nang maglaon, inamin ni Saul: “Ako ay dating isang mamumusong at isang mang-uusig at isang taong walang pakundangan.” Sinabi pa niya: “Ako ay walang-alam at kumilos dahil sa kawalan ng pananampalataya.” (1 Timoteo 1:12, 13) Pero nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa Diyos at sa Kaniyang Anak, kaagad siyang nagbago.

Sa ngayon, ganiyan din ang nangyari sa marami na dating mang-uusig. Ang ilan pa nga sa kanila, katulad ni Saul, ay nakaranas din ng pag-uusig. Pero hindi sila gumanti nang masama sa masama, at sa halip ay sinunod ang payo ni Jesus: “Patuloy na ibigin ang inyong mga kaaway at ipanalangin yaong mga umuusig sa inyo.” (Mateo 5:44) Sinisikap ng mga Saksi ni Jehova na sundin ito, anupat umaasang magbabago ang saloobin ng ilang mananalansang, gaya ni Saul.

Naiinggit ang Ilang Mananalansang

Marami ang sumalansang kay Jesus dahil sa inggit. Sa katunayan, alam ng Romanong gobernador na si Poncio Pilato na “dahil sa inggit ay ibinigay [si Jesus] ng mga punong saserdote” para ibayubay. (Marcos 15:9, 10) Bakit nainggit ang mga Judiong lider ng relihiyon kay Kristo? Ang isang dahilan ay ang popularidad ni Jesus sa karaniwang mga tao, na hinahamak ng mga lider ng relihiyon. “Ang sanlibutan ay sumunod na sa kaniya,” ang reklamo ng mga Pariseo. (Juan 12:19) Kaya naman, nang tumugon ang mga tao sa ministeryo ng mga tagasunod ni Kristo, muling “napuno ng paninibugho” ang mga mananalansang na ito at pinag-usig ang mga ebanghelisador na Kristiyano.​—Gawa 13:45, 50.

Nainis naman ang ibang kaaway sa mabuting paggawi ng mga lingkod ng Diyos. Ganito ang sinabi ni apostol Pedro sa mga kapuwa Kristiyano: “Sa dahilang hindi kayo patuloy na tumatakbong kasama nila [ng masasama] sa landasing ito sa gayunding pusali ng kabuktutan, sila ay nagtataka at patuloy na nagsasalita nang may pang-aabuso tungkol sa inyo.” (1 Pedro 4:4) Ganiyan din ang nangyayari sa ngayon. Sabihin pa, kahit iniiwasan ng mga tunay na Kristiyano ang masamang paggawi, hindi naman sila nagmamatuwid sa sarili o nagmamataas. Sa katunayan, ang ganiyang saloobin ay hindi para sa mga Kristiyano, dahil ang lahat ay nagkakasala at nangangailangan ng awa ng Diyos.​—Roma 3:23.

Kinapopootan Dahil ‘Hindi Bahagi ng Sanlibutan’

“Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay man na nasa sanlibutan,” ang sabi ng Bibliya. (1 Juan 2:15) Ano ang sanlibutan na tinutukoy ni apostol Juan? Ang sanlibutan ng mga tao na hiwalay sa Diyos at nagpapasakop kay Satanas. Siya ang “dios ng sanlibutang ito.”​—2 Corinto 4:4, Ang Biblia​—Bagong Salin sa Pilipino; 1 Juan 5:19.

Nakalulungkot, ang mga nagsisikap na mamuhay ayon sa mga turo ng Bibliya ay sinasalansang ng ilang umiibig sa sanlibutan at sa masamang landasin nito. Kaya sinabi ni Jesus sa kaniyang mga apostol: “Kung kayo ay bahagi ng sanlibutan, kagigiliwan ng sanlibutan ang sa kaniya. Ngunit sapagkat hindi kayo bahagi ng sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula sa sanlibutan, dahil dito ay napopoot sa inyo ang sanlibutan.”​—Juan 15:19.

Isa pa, ang mga lingkod ni Jehova ay kinapopootan ng mga tao dahil hindi nila iniibig ang sanlibutang pinamamahalaan ni Satanas, na punung-puno ng katiwalian, kawalang-katarungan, at karahasan. Maraming tao ang nagnanais na gawing mas mabuti ang mga kalagayan sa mundong ito, pero wala silang laban sa di-nakikitang tagapamahala nito. Ang Diyos na Jehova lamang ang makapag-aalis kay Satanas​—at talagang gagawin Niya ito na para bang pinupuksa ang Diyablo sa pamamagitan ng apoy!​—Apocalipsis 20:10, 14.

Iyan ay isang mahalagang bahagi ng ‘mabuting balita ng kaharian’ na ipinangangaral ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig. (Mateo 24:14) Oo, kumbinsido ang mga Saksi na tanging Kaharian ng Diyos, ang kaniyang pamahalaan sa pamamagitan ni Kristo, ang magdudulot ng permanenteng kapayapaan at kaligayahan sa lupa. (Mateo 6:9, 10) Kaya patuloy nilang ipinahahayag ang Kahariang iyon, anupat mas pinahahalagahan ang pagsang-ayon ng Diyos kaysa sa tao.

NAPAG-ISIP-ISIP MO NA BA?

● Bakit sinalansang ni Saul ng Tarso ang mga tagasunod ni Kristo?​—1 Timoteo 1:12, 13.

● Anong maling saloobin ang nag-udyok sa ilang kaaway ni Jesus?​—Marcos 15:9, 10.

● Ano ang pangmalas sa sanlibutan ng mga tunay na Kristiyano?​—1 Juan 2:15.

[Larawan sa pahina 21]

Noong 1945, nakaranas ng pang-uumog ang mga Saksi ni Jehova sa Quebec, Canada, dahil sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos

[Credit Line]

Courtesy Canada Wide

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share