Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 3/12 p. 3
  • Ang Problema sa Pagiging Magagalitin

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Problema sa Pagiging Magagalitin
  • Gumising!—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Galit?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Galit
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Galit—Ano Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Lagi bang Masama ang Magalit?
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—2012
g 3/12 p. 3

Ang Problema sa Pagiging Magagalitin

Isang lalaki ang umorder ng sandwich sa isang fast-food na restawran. Nagalit siya dahil parang ang tagal dumating ng order niya. Pumasok siya sa loob ng restawran, binantaan ang isang empleado roon, itinulak ito nang malakas, at sinampal. Pagkatapos, hinablot ng galít na lalaki ang sandwich at saka umalis.

LAHAT tayo ay nagagalit paminsan-minsan. Natural na nadarama ng mga tao ang galit gaya rin ng pag-ibig, pag-asa, pagkabalisa, kalungkutan, at takot. Kapag kontrolado ang galit, maipakikita ito sa tamang paraan at maaaring maging kapaki-pakinabang. Halimbawa, nakatutulong ito para maging mas determinado ang isa na pagtagumpayan ang ilang hadlang o problema.

Gaya ng ipinakikita ng nabanggit na pangyayari, may problema rin sa pagiging magagalitin. May mga tao na madaling magalit, madalas magalit, at grabeng magalit. Kapag ginalit, nagmumura sila o nananakit. Sila ang kontrolado ng kanilang galit sa halip na sila ang kumontrol dito. Ang gayong di-kontroladong galit ay mapanganib, kung kaya tinatawag ito ng iba na “problem anger.”a

Ang mga masyadong magagalitin ay nagdudulot ng problema hindi lang sa kanilang sarili kundi pati sa mga tao sa paligid nila. Para sa kanila, kahit ang maliliit na bagay ay puwede nang maging sanhi ng matinding galit na nauuwi sa karahasan. Pag-isipan ang sumusunod na mga halimbawa:

Isang lalaki na naglalakad kasama ng mga kaibigan niya sa isang siksikang kalye ang nabaril sa leeg dahil nasagi ng bag ng isang kasama nila ang isa pang lalaki.

Isang 19-anyos na lalaki ang nanggulpi ng wala pang isang-taóng-gulang na baby ng girlfriend niya hanggang sa mamatay ito. Ang lalaki ay naglalaro ng isang marahas na video game at hindi nakapagpigil nang mahawakan ng baby ang control panel at matalo siya sa laro.

Ipinakikita ng katulad na mga ulat sa buong daigdig na dumarami ang mga taong magagalitin. Bakit kaya lumulubha ang problemang ito?

[Talababa]

a Sa brosyur na Boiling Point​—Problem Anger and What We Can Do About It, sinasabing ang “problem anger” ay “di-tamang paraan ng pagtugon sa galit at pagpapakita ng galit na laging nagdudulot ng mga problema sa buhay ng isang tao pati na sa kaniyang pag-iisip, damdamin, paggawi, at mga ugnayan.”

[Kahon sa pahina 3]

Normal lang na makadama tayo ng galit. Kaya naman may mga pagkakataon na angkop na magalit basta huwag lang sobra. Pero ang mga artikulong ito ay tungkol sa di-makatuwirang galit, na makapipinsala sa atin at sa ating kapuwa sa emosyonal, pisikal, at espirituwal na paraan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share