Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 8/12 p. 24-25
  • Gout—Ano ang mga Sanhi Nito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gout—Ano ang mga Sanhi Nito?
  • Gumising!—2012
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Salik na Nagiging Dahilan ng Pag-ulit
  • Limang Paraan Para Mabawasan ang Posibilidad na Umulit
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2012
  • Kung Paano Mapagtitiisan ang Arthritis
    Gumising!—1992
  • Pag-unawa sa Artritis
    Gumising!—2001
  • Paano Mababawasan ang Panganib?
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—2012
g 8/12 p. 24-25

Gout​—Ano ang mga Sanhi Nito?

ANG gout ay isa sa pinakakaraniwang uri ng arthritis at maaaring napakasakit nito. “Ang gout ay resulta ng di-maayos na metabolismo ng uric acid,” ang sabi ng aklat na Arthritis. At ito ay “isang kondisyon na malinaw kung ano ang sanhi​—ang pamumuo ng uric acid sa synovial fluid ng isang kasukasuan . . . , lalo na sa hinlalaki ng paa.”

Ang uric acid ay isang uri ng dumi sa katawan na nasa dugo, at ito’y resulta ng pagbe-breakdown ng mga substansiyang tinatawag na purine. Kapag tumaas ang level ng uric acid, karaniwan na dahil hindi ito sumasamang lahat sa ihi, ito’y nagiging malakarayom na mga kristal at namumuo sa hugpungan ng daliri ng paa, pero maaari ding magkaroon nito sa ibang kasukasuan. Ang kasukasuan ay maaaring namumula at namamaga, mainit kapag hinawakan, at napakakirot.a “Napakasakit nito kahit masaling lang,” ang sabi ni Alfred na may gout.

“Kung hindi gagamutin, ang pag-atake ng gout ay karaniwan nang tatagal nang mga isang linggo,” ang sabi sa impormasyong inilathala ng Arthritis Australia. “Maaaring umabot nang ilang buwan, o ilang taon pa nga, bago ito umulit. Kung hindi mag-iingat ang may gout, ang pag-atake nito ay maaaring maging mas madalas at mas masakit, at maaaring permanenteng mapinsala ang kasukasuan. Kung minsan, ang gout ay maaaring maging pangmatagalan.”

Ang gout ang isa sa mga uri ng arthritis na pinakamadaling gamutin. Ang karaniwang inirereseta ay anti-inflammatory na mga gamot na walang steroid. Sa kaso ng madalas o masyadong matinding pag-atake, ang inihahatol ay allopurinol, na nakatutulong para hindi magkaroon ng uric acid. Maiiwasan ba ang pag-ulit ng gout? Posible, kung alam ng isa ang mga salik na nagiging dahilan ng pag-ulit nito.

Mga Salik na Nagiging Dahilan ng Pag-ulit

Ang edad, kasarian, at henetika ang pangunahing mga salik kung bakit posibleng magka-gout ang isa. Ayon sa mga eksperto, mahigit 50 porsiyento ng may gout ang may kapamilyang nagkaroon na ng sakit na ito. “Parehong may gout ang tatay at lolo ko,” ang sabi ni Alfred, na binanggit kanina. Isa pa, ang karaniwang nagkaka-gout ay mga lalaki, lalo na ang mga nasa pagitan ng 40 at 50 anyos. Sa katunayan, tatlo o apat na beses na mas malamang na magka-gout ang mga lalaki kaysa sa mga babae, na bihirang magkaroon nito bago magmenopos.

Sobrang katabaan at mga pagkain: Sinabi ng Encyclopedia of Human Nutrition: “Ang pagkontrol sa gout sa tulong ng tamang pagkain ay hindi na nakapokus sa pagbabawal sa mga pagkaing may mataas na purine kundi sa paggamot sa mga problema sa metabolismo na karaniwan nang kaugnay ng gout: sobrang katabaan [obesity], insulin resistance syndrome, at dyslipidemia,” o di-normal na dami ng mga lipid sa dugo, gaya ng kolesterol.

Gayunman, ipinapayo rin ng ilang eksperto na limitahan ang mga pagkaing mataas sa purine, gaya ng yeast, ilang uri ng isda, at mga pulang karne.b

Inuming de-alkohol: Ang labis na pag-inom ng inuming de-alkohol ay humahadlang sa paglabas ng uric acid sa katawan, kaya naiipon ito.

Medikal na kondisyon: Ayon sa Mayo Clinic, sa Estados Unidos, ang gout ay maaaring umatake dahil sa ilang medikal na kondisyon, kasama na rito ang “di-ginagamot na alta presyon at nagtatagal na mga kondisyon gaya ng diyabetis, mataas na level ng fat at kolesterol sa dugo (hyperlipidemia), at pagkipot ng mga arteri (arteriosclerosis).” Ang gout ay iniuugnay rin sa “bigla o matinding pagkakasakit o pagkapinsala, at pagkaratay sa higaan,” at maging sa sakit sa bato. Ang hinlalaki ng paa ang waring madalas puntiryahin ng gout dahil mas mahina ang sirkulasyon ng dugo rito at mas mababa ang temperatura nito​—dalawang kalagayang nagiging dahilan ng pamumuo ng uric acid.

Mga gamot: Kabilang sa mga produktong nagpapalaki sa posibilidad na magka-gout ay ang mga thiazide diuretic (mga gamot na nakatutulong sa pagpapalabas ng tubig sa katawan, na karaniwan nang ginagamit sa paggamot sa alta presyon), aspirin na may mababang dosis, mga antirejection drug na ibinibigay sa mga pasyente ng transplant, at mga gamot sa chemotherapy.

Limang Paraan Para Mabawasan ang Posibilidad na Umulit

Dahil ang gout ay iniuugnay sa istilo ng pamumuhay ng isa, ang sumusunod na mga mungkahi ay makatutulong para hindi ito muling umatake.c

1. Dahil ang gout ay problema sa metabolismo, dapat sikapin ng mga may gout na limitahan ang konsumo nila ng kalori para mapanatili ang tamang timbang. Isa pa, nahihirapan ang mga kasukasuan kapag masyado silang mabigat.

2. Iwasan ang biglang pagpapapayat, na maaaring pansamantalang magpataas ng level ng uric acid sa dugo.

3. Iwasan ang labis na pagkonsumo ng protinang galing sa hayop. Ipinapayo ng ilan ang limit na 170 gramo ng karneng walang taba, kasama na rito ang manok at isda, bawat araw.

4. Kung iinom ka ng alak, katamtaman lang. Kung atakihin ka ng gout, makabubuting iwasan mo na ang alak.

5. Uminom ng maraming tubig at iba pang inuming walang alkohol. Makatutulong ito para matunaw ang uric acid at mailabas sa katawan.d

Ipinaaalala sa atin ng nabanggit na mga mungkahi ang payo ng Bibliya na maging “katamtaman ang mga pag-uugali” at umiwas sa “maraming alak.” (1 Timoteo 3:2, 8, 11) Oo, alam ng ating maibiging Maylalang kung ano ang pinakamabuti para sa atin.

[Mga talababa]

a Ganito rin ang sintomas kapag may namuong calcium pyrophosphate sa kasukasuan, partikular na sa makinis na cartilage sa dulo ng mga buto. Pero ito ay “pseudogout,” na ibang uri ng sakit at iba ang paraan ng paggamot.

b Ayon sa isang artikulo sa Australian Doctor, ang pagkain ng mataas-sa-purine na mga mushroom at gulay, gaya ng beans, lentehas, gisantes, spinach, at cauliflower, ay “hindi pa napatutunayan na tuwirang sanhi ng paglala ng gout.”

c Ang artikulong ito ay hindi nilayong maging giya sa paggamot. Posibleng iba-iba ang paraan ng paggamot sa bawat pasyente. Isa pa, hindi dapat ihinto ang pag-inom ng iniresetang gamot o gumawa ng malaking pagbabago sa mga kinakain nang hindi muna kumokonsulta sa doktor.

d Ang impormasyong ito ay batay sa rekomendasyon ng Mayo Foundation for Medical Education and Research.

[Dayagram/Larawan sa pahina 24]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Namamagang kasukasuan

Synovium

[Larawan]

Namuong uric acid

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share