Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 12/12 p. 10-11
  • Parusa ba ng Diyos sa mga Tao ang Likas na mga Sakuna?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Parusa ba ng Diyos sa mga Tao ang Likas na mga Sakuna?
  • Gumising!—2012
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Halimbawa Mula sa Kasulatan
  • Ang Baha Noong Panahon ni Noe
  • Tagtuyot sa Israel
  • Ang Ipinakikita ng mga Halimbawang Iyon
  • Magwawakas ang Pagdurusa
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Likas na mga Sakuna?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Likas na mga Sakuna—Bakit Napakarami?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Ang mga Likas na Sakuna Ba ay Parusa Mula sa Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Likas na mga Kapahamakan—Kagagawan ba ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Gumising!—2012
g 12/12 p. 10-11

Ang Pangmalas ng Bibliya

Parusa ba ng Diyos sa mga Tao ang Likas na mga Sakuna?

NANINIWALA ang ilan na ginagamit ng Diyos ang mga kalamidad para parusahan ang mga tao. Hindi sang-ayon dito ang iba. Hindi naman alam ng iba pa kung ano ang paniniwalaan nila. Sinabi ng isang propesor sa relihiyon: “Itinuturo ng maraming relihiyon na walang makapagsasabi kung kalooban ng Diyos ang mga nangyayaring likas na sakuna.”

Pero nagbibigay ng kasiya-siyang sagot ang Bibliya. Sinasabi nito kung talaga bang ginagamit ng Diyos ang likas na mga sakuna para parusahan ang mga tao sa ngayon. Sinasabi rin nito ang dahilan ng pagdurusa ng marami.

Mga Halimbawa Mula sa Kasulatan

Isinisiwalat ng Bibliya ang dalawang mahalagang katotohanan tungkol sa Diyos, na ang pangalan ay Jehova. Una, siya ang Maylalang kaya mayroon siyang kapangyarihan at awtoridad na kontrolin ang mga puwersa ng kalikasan sa lupa. (Apocalipsis 4:11) Ikalawa, ang mga ginagawa niya ay laging kaayon ng kaniyang personalidad, mga katangian, at mga simulain. Sinabi niya sa Malakias 3:6: “Ako ay si Jehova; hindi ako nagbabago.” Isaalang-alang ang dalawang pangyayari noong sinauna​—isang baha at isang tagtuyot. Makikita mo sa ulat ng Bibliya na kapag ginagamit ng Diyos ang mga puwersa ng kalikasan para ilapat ang kaniyang hatol, lagi siyang nagbibigay ng (1) babala, (2) dahilan, at (3) proteksiyon para sa masunuring mga mananamba.

Ang Baha Noong Panahon ni Noe

Babala.

Mga ilang dekada bago ang Baha, sinabi ni Jehova kay Noe: “Kung tungkol sa akin, narito, dadalhin ko ang delubyo ng tubig sa ibabaw ng lupa upang lipulin ang lahat ng laman.” (Genesis 6:17) Si Noe, “isang mangangaral ng katuwiran,” ay nagbabala sa mga tao, pero “hindi sila nagbigay-pansin.”​—2 Pedro 2:5; Mateo 24:39.

Dahilan.

Sinabi ni Jehova: “Ang wakas ng lahat ng laman ay dumating sa harap ko, sapagkat ang lupa ay punô ng karahasan dahilan sa kanila.”​—Genesis 6:13.

Proteksiyon para sa masunuring mga mananamba.

Binigyan ni Jehova si Noe ng detalyadong instruksiyon sa paggawa ng arka para makaligtas sa Baha ang mga tao. “Si Noe at yaong mga kasama niya sa arka [ay] nanatiling buháy.”​—Genesis 7:23.

Tagtuyot sa Israel

Babala.

Bago nagpasapit ang Diyos na Jehova ng matinding tagtuyot sa Israel, inihayag ni propeta Elias: “Hindi magkakaroon sa mga taóng ito ng hamog ni ng ulan man, malibang ayon sa utos ng . . . salita [ng Diyos]!”​—1 Hari 17:1.

Dahilan.

Ginawa ito ni Jehova dahil ang Israel ay sumamba sa huwad na diyos na si Baal. Ipinaliwanag ni Elias kay Haring Ahab: “Iniwan ninyo ang mga utos ni Jehova, at sumunod ka sa mga Baal.”​—1 Hari 18:18.

Proteksiyon para sa masunuring mga mananamba.

Sa panahon ng tagtuyot, pinaglaanan ni Jehova ng pagkain ang masunuring mga mananamba.​—1 Hari 17:6, 14; 18:4; 19:18.

Ang Ipinakikita ng mga Halimbawang Iyon

Walang katibayan na ginagamit ng Diyos sa ngayon ang likas na mga sakuna para parusahan ang mga tao. Bilang Diyos ng katarungan, ‘hindi kailanman nilipol ni Jehova ang matuwid kasama ng balakyot.’ (Genesis 18:23, 25) Iniligtas niya ang mga masunurin sa kaniya. Sa ngayon, ang mga tao ay nagiging biktima ng likas na sakuna.

Hindi kagagawan ng Diyos ang pagdurusa ng mga tao

Maliwanag, ang likas na mga sakuna sa ngayon ay hindi kapareho ng mga ginawa ng Diyos na nakaulat sa Bibliya. At ang di-inaasahang mga pangyayaring ito ay hindi kaayon ng personalidad ng Diyos. Sinasabi sa Santiago 1:13 na hindi sinusubok ng Diyos ang mga tao sa masasamang bagay, at binabanggit naman sa 1 Juan 4:8 na “ang Diyos ay pag-ibig.” Malayong mangyari na siya ang may kagagawan ng pagdurusa ng inosenteng mga tao dahil sa mga bagyo, lindol, at iba pang kalamidad. Magwawakas pa kaya ang gayong mga sakuna?

Magwawakas ang Pagdurusa

Hindi nilayon ng Diyos na Jehova na magdusa ang mga tao dahil sa likas na mga sakuna. Gusto niyang mabuhay ang mga tao sa lupa magpakailanman sa mapayapang kalagayan. Gaya ng ginawa niya noong panahon ni Noe, kikilos siya para alisin ang kasamaan sa buong lupa. At gaya rin noon, patiunang ipinaaalam ng Diyos na Jehova ang gagawin niya sa pamamagitan ng paghahayag ng isang babalang mensahe sa buong daigdig, sa gayo’y binibigyan ng pagkakataong maligtas ang mga tao.​—Awit 37:9, 11, 29; Mateo 24:14.

NAPAG-ISIP-ISIP MO NA BA?

  • Ginagamit ba ng Diyos ang likas na mga sakuna para parusahan ang mga tao?​—Santiago 1:13.

  • Bakit natin masasabi na hindi lilipulin ng Diyos ang inosenteng mga tao?​—1 Juan 4:8.

  • Magwawakas ba ang pagdurusang dulot ng likas na mga sakuna?​—Apocalipsis 21:4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share