Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 3/14 p. 12-13
  • Ang Ating Mahiwagang Luha

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Ating Mahiwagang Luha
  • Gumising!—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Tayo Lumuluha?
    Gumising!—1992
  • Mga Aral Mula sa Pagluha ni Jesus
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Mahalaga kay Jehova ang mga Luha Mo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
  • “Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng Bagay”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Gumising!—2014
g 3/14 p. 12-13
Isang lalaking lumuluha

Ang Ating Mahiwagang Luha

KAKAMBAL na natin ang pag-iyak mula nang tayo’y ipanganak. Ayon sa isang eksperto, ang mga sanggol ay umiiyak para makuha ang emosyonal at pisikal na pangangailangan nila. Pero bakit umiiyak pa rin tayo kahit malaki na tayo, gayong may iba namang paraan para masabi kung ano ang gusto natin?

May iba’t ibang dahilan ang emosyonal na mga luha. Baka umiiyak tayo dahil sa pamimighati, pagkabigo, pagkakasakit, o pagdurusa. Pero puwede rin namang dahil masayang-masaya tayo, dahil nalutas ang isang problema, o dahil may nagawa tayong pambihirang bagay​—ang mga ito ay luha ng kagalakan. Nakakahawa rin ang pag-iyak. “Kapag may nakikita akong umiiyak​—anuman ang dahilan​—napapaiyak din ako,” ang sabi ni María. Baka napaiyak ka na rin dahil sa eksenang napanood mo sa isang pelikula o nabasa sa isang aklat.

Isang kabataang babae na lumuluha, sanggol na umiiyak, at isang babaing may luha

Anuman ang dahilan, ang pag-iyak ay isang mapuwersang paraan ng komunikasyon. “Napakarami nitong masasabi sa napakaikling panahon,” ayon sa aklat na Adult Crying. Ang luha ay nakapagpapakilos. Halimbawa, para sa marami, mahirap bale-walain ang mga luha ng kalungkutan dahil nagpapahiwatig ito na ang isa ay nagdurusa. Kaya naman, baka mapakilos tayo na aliwin o tulungan ang umiiyak.

Naniniwala ang ilang eksperto na ang pag-iyak ay isang mabisang paraan para mailabas ang ating nadarama at na ang laging pagpigil dito ay makapipinsala sa kalusugan natin. Sinasabi naman ng iba na hindi pa napapatunayan ng siyensiya kung nakabubuti nga sa ating katawan o isip ang pag-iyak. Pero ipinakikita ng mga surbey na 85 porsiyento ng mga babae at 73 porsiyento ng mga lalaki ang nagsabing gumaan ang pakiramdam nila matapos umiyak. “Kung minsan, alam kong kailangan kong umiyak,” ang sabi ni Noemí. “Pagkatapos, nakakahinga na ako nang maluwag at mas naiintindihan ko na ang mga bagay-bagay.”

Ipinakikita ng mga surbey na 85 porsiyento ng mga babae at 73 porsiyento ng mga lalaki ang nagsabing gumaan ang pakiramdam nila matapos umiyak

Pero ang ganitong ginhawa ng kalooban ay hindi lang dahil sa pag-iyak. May mahalagang papel din ang reaksiyon ng iba. Halimbawa, kapag ang ating mga luha ay nagpakilos sa iba na tayo’y aliwin o tulungan, nagiginhawahan tayo. Pero kung hindi maganda ang reaksiyon ng iba sa ating pag-iyak, baka mapahiya tayo o madama nating bale-wala tayo.

Oo, mahiwaga pa rin ang pag-iyak. Pero alam natin na ang pagluha ay kaloob ng Diyos​—isang kahanga-hangang reaksiyon na nagpapakita ng ating nadarama.

ALAM MO BA?

Ang mga bagong-silang na sanggol ay karaniwan nang walang luha kapag umiiyak. May sapat na likido ang kanilang mga mata na nagsisilbing proteksiyon, pero pagkaraan ng ilang linggo, magkakaroon na sila ng luha kapag na-develop na ang daanan nito.

Tatlong Uri ng Luha

  • Basal Tears. Ang glandula ng luha ay laging naglalabas ng malinaw na likidong ito bilang proteksiyon at lubrikante sa ating mga mata. Pinalilinaw rin nito ang ating paningin. Sa tuwing kumukurap tayo, ang likidong ito ay kumakalat sa buong mata.

  • Reflex Tears. Lumalabas ang luhang ito kapag napupuwing tayo o naiirita ang ating mata. Ito rin ang luhang lumalabas kapag tayo’y naghihikab o tumatawa.

  • Emotional Tears. Tao lang ang may ganitong luha na lumalabas dahil sa matinding emosyon. Mas mataas nang 24 na porsiyento ang protina nito kaysa sa reflex tears.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share