Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 6/14 p. 3
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2014
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • China
  • Daigdig
  • Canada
  • Ireland
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Ang mga Pagpipilian, ang mga Isyu
    Gumising!—2004
  • Ano ang Nangyayari sa Kasalan ng mga Saksi ni Jehova?
    Karaniwang mga Tanong Tungkol sa mga Saksi ni Jehova
  • Mga Kasalang Marangal sa Paningin ng Diyos at ng Tao
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Iba Pa
Gumising!—2014
g 6/14 p. 3

PAGMAMASID SA DAIGDIG

China

Mag-asawang nagdiborsiyo

Umakyat nang 41 porsiyento ang bilang ng mga nagdiborsiyo sa Beijing noong unang siyam na buwan ng 2013 kumpara sa panahon ding iyon noong 2012. Ayon sa mga eksperto, malamang na dahil ito sa mga mag-asawa na gustong makaiwas sa 20 porsiyentong capital gains tax na sinisingil sa mga ibinebentang bahay. Sa ilang kalagayan, binabawasan ang tax para sa nagdiborsiyong mag-asawa na nagbebenta ng isa pa nilang bahay.

Daigdig

Isang plato ng nakakaing insekto

Sinabi ng United Nations na maaaring maging sagot sa malnutrisyon kung mas maraming tao ang kakain ng insekto. Ang nakakaing mga insekto ay masustansiya at ligtas kainin kahit ang kinakain nila ay hindi kinakain ng tao. Kaya ang mga ito ay “posibleng maging pamalit sa karne,” ayon sa isang report kamakailan. Pero aminado rin ang ulat na “may mga taong ayaw talagang kumain ng mga [insekto].”

Canada

Mga vial ng frozen human embryo

Naguguluhan ang mga fertility clinic sa legal at moral na usapin tungkol sa kung ano ang gagawin sa mga frozen human embryo na hindi na matunton kung sino ang “may-ari.” Iniulat na sa isang klinika pa lang, mayroon nang 1,000 embryo ng mga ‘naglahong’ pasyente ng in vitro fertilization.

Ireland

Kasal ng mga humanista

Dalawa lang ang mapagpipilian ng mga Katolikong nagpapakasal sa Ireland​—kasal sa simbahan o sa huwes. Pero noong 2013, nadagdagan ito ng isa pang opsyon​—ang sekular na kasal na ginagawa ng grupo ng mga humanista. Ayon sa report ng Reuters, “tambak ang dami ng mga pumipili [sa bagong opsyon] dahil ayaw nilang basta lang makasal sa huwes pero ayaw din naman nilang magpakasal sa simbahan.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share