Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 11/15 p. 14-15
  • Katapusan ng Mundo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Katapusan ng Mundo
  • Gumising!—2015
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang “sanlibutan” na magwawakas?
  • Paano magwawakas ang sanlibutan?
  • Kailan magwawakas ang sanlibutan?
  • Pagka Dumating na ang Bagong Sanlibutan
    Gumising!—1993
  • Kailan Darating ang Wakas? Ang Sabi ni Jesus
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
  • Malapit Nang Matupad ang Layunin ng Diyos
    Ano ang Layunin ng Buhay?—Paano Mo Masusumpungan?
  • Apat na Tanong Tungkol sa Wakas​—Nasagot
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Gumising!—2015
g 11/15 p. 14-15

ANG PANGMALAS NG BIBLIYA

Katapusan ng Mundo

“Ang sanlibutan [o, mundo] ay lumilipas at gayundin ang pagnanasa nito,” ang sabi ng 1 Juan 2:17. Ano ang sanlibutang iyan? Paano at kailan iyan lilipas?

Ano ang “sanlibutan” na magwawakas?

ANG SABI NG BIBLIYA

Ang sanlibutan na tinutukoy rito ay may mga “pagnanasa” na hindi katanggap-tanggap sa Diyos, kaya maliwanag na hindi ito ang literal na lupa. Sa halip, ito ay ang sangkatauhan na hindi sumusunod sa Diyos, at nagiging mga kaaway niya. (Santiago 4:4) Ang mga taong kabilang sa sanlibutang iyon ay “daranas ng parusang hatol na walang-hanggang pagkapuksa.” (2 Tesalonica 1:7-9) Pero ang mga taong nananatiling “hindi . . . bahagi ng sanlibutan,” bilang pagsunod kay Jesu-Kristo, ay may pagkakataong mabuhay nang walang hanggan.—Juan 15:19.

Sa katunayan, sinasabi ng 1 Juan 2:17: “[Ang isa] na gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman.” Oo, siya ay may pag-asang mabuhay nang walang hanggan dito sa lupa, gaya ng sinasabi sa Awit 37:29: “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.”

“Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay man na nasa sanlibutan. Kung ang sinuman ay umiibig sa sanlibutan, ang pag-ibig sa Ama ay wala sa kaniya.”—1 Juan 2:15.

Paano magwawakas ang sanlibutan?

ANG SABI NG BIBLIYA

Ang paparating na wakas ay may dalawang pangunahing pangyayari. Una, pupuksain ng Diyos ang huwad na relihiyon, na inilalarawan bilang isang patutot at tinatawag na “Babilonyang Dakila.” (Apocalipsis 17:1-5; 18:8) Habang nag-aangking tapat sa Diyos, nakikisama rin siya sa mga politikal na tagapamahala sa daigdig. Pero babalingan siya ng mga tagapamahalang ito. “Mapopoot [sila] sa patutot at gagawin siyang wasak at hubad, at uubusin ang kaniyang mga kalamnan [o, mga kayamanan] at lubusan siyang susunugin sa apoy.”—Apocalipsis 17:16.

Pagkatapos, babalingan naman ng Diyos ang mga politikal na tagapamahala—ang “mga hari ng buong tinatahanang lupa.” Kasama ng masasama, sila ay pupuksain sa “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat,” na tinatawag ding Armagedon.—Apocalipsis 16:14, 16.

“Hanapin ninyo si Jehova, ninyong lahat na maaamo sa lupa . . . Hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan. Baka sakaling makubli kayo sa araw ng galit ni Jehova.”—Zefanias 2:3.

Kailan magwawakas ang sanlibutan?

ANG SABI NG BIBLIYA

Darating ang wakas kapag nababalaan na ang mga tao sa pamamagitan ng paghahayag ng Kaharian ng Diyos—isang pandaigdig na gobyerno na papalit sa pamamahala ng tao. (Daniel 7:13, 14) Sinabi ni Jesu-Kristo: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” (Mateo 24:14) Ang pangangaral na iyan, na nagpapakita ng katarungan at awa ng Diyos, ay bahagi ng “tanda” ng panahon ng kawakasan. Kasama rin sa tandang ito ang digmaan sa pagitan ng mga bansa, lindol, gutom, at sakit.—Mateo 24:3; Lucas 21:10, 11.

Bukod sa inihulang mga pangyayari sa daigdig, sinasabi rin ng Bibliya ang magiging ugali ng mga tao sa “mga huling araw.” Mababasa natin: “Darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, . . . mga masuwayin sa mga magulang, . . . mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, mga walang pag-ibig sa kabutihan, . . . mga maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos.”a—2 Timoteo 3:1-5.

Isang grupo ng mga galít na tao

Ang masamang sanlibutang ito ay malapit nang ‘lumipas.’​—1 Juan 2:17

Ang lahat ng iyan ay palatandaan ng isang panahong nagsimula noong Digmaang Pandaigdig I ng 1914. Mula nang taóng iyan, ang Kaharian ng Diyos ay inihahayag na sa buong mundo, at para sa mga Saksi ni Jehova, isang malaking karangalan na makilala sa gawaing ito. Sa katunayan, ang kanilang pangunahing magasin ay Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova.

“Patuloy kayong magbantay, kung gayon, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”—Mateo 25:13.

a Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 9 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova at available sa www.jw.org/tl.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share