Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 12/15 p. 8-9
  • Kung Paano Haharapin ang mga Pagkakaiba

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Haharapin ang mga Pagkakaiba
  • Gumising!—2015
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ANG HAMON
  • Kapag Dismayado Ka sa Iyong Pag-aasawa
    Gumising!—2014
  • Kapag Hindi Kayo Magkasundo
    Tulong Para sa Pamilya
  • Magpakita ng Pagpapahalaga
    Gumising!—2017
  • Kung Paano Maiiwasan ang Pagtatalo
    Gumising!—2013
Iba Pa
Gumising!—2015
g 12/15 p. 8-9
Mister na naiinip sa sasakyan habang nagdidilig ang misis niya ng halaman

TULONG PARA SA PAMILYA | PAG-AASAWA

Kung Paano Haharapin ang mga Pagkakaiba

ANG HAMON

Bola ng soccer at libro

Mahilig ka sa sports; mas gusto naman ng asawa mo na magbasa. Maingat ka at organisado; medyo di-organisado naman ang asawa mo. Mahilig kang makisalamuha; mas gusto naman ng asawa mo ng privacy.

‘Magkaibang-magkaiba pala kami!’ ang sabi mo sa iyong sarili. ‘Bakit kaya hindi namin napansin iyon no’ng magkasintahan pa lang kami?’

Siguro, napansin mo rin naman iyon. Pero noon, baka napalalampas mo iyon—isang katangian na makabubuting ibalik, ngayong kasal na kayo. Tutulungan ka ng artikulong ito na magawa iyan. Pero alamin mo muna ang ilang katotohanan tungkol sa inaakalang mga pagkakaiba.

ANG DAPAT MONG MALAMAN

Seryoso ang ilang pagkakaiba. Ang isang mahalagang papel ng pagiging magkasintahan ay para malaman kung magkakasundo sila. Kaya kapag nakitang seryoso ang mga pagkakaiba, marami ang nagpapasiyang maghiwalay na lang sa halip na pumasok sa magulong pag-aasawa. Pero paano naman pagdating sa di-gaanong seryosong mga pagkakaiba na hindi maiiwasan ng mag-asawa?

Walang dalawang tao ang magkaparehong-magkapareho. Kung gayon, normal lang sa mag-asawa na magkaroon ng mga pagkakaiba alinman sa mga sumusunod:

Interes. “Hindi ko talaga magustuhan ang mga outdoor activity,” ang sabi ni Anna,a “pero mula pa pagkabata hilig na ng mister ko ang pag-akyat sa mayelong kabundukan at paglalakad nang ilang araw sa kagubatan.”

Kinasanayan. “Gabi na kung matulog ang misis ko, pero nakakagising siya ng 5:00 n.u. Samantalang ako, dapat ay pito hanggang walong oras ang tulog ko dahil kung hindi, nagiging iritable ako,” ang sabi ni Brian.

Personalidad. Baka tahimik ka, pero prangka naman ang asawa mo. “Lumaki akong hindi ko ipinakikipag-usap ang mga problema ko,” ang sabi ni David, “pero galing naman ang misis ko sa isang pamilya na malayang pinag-uusapan ang lahat.”

Maaaring kapaki-pakinabang ang mga pagkakaiba. “Puwedeng tama ang paraan ko, pero hindi ibig sabihing ito lang ang tamang paraan,” ang sabi ni Helena.

ANG PUWEDE MONG GAWIN

Handang sumuporta. Sinabi ni Adam: “Walang kainte-interes sa sports ang misis kong si Karen. Pero sinasamahan niya ako sa ilang game, at sumisigaw pa ngang kasabay ko. Samantala, hilig naman ni Karen na pumunta sa mga art museum, kaya sinasamahan ko siya, at nananatili kami roon hangga’t gusto niya. Sinisikap kong maging interesado sa art dahil mahalaga iyon sa kaniya.”—Simulain sa Bibliya: 1 Corinto 10:24.

Palawakin ang iyong pananaw. Ang pananaw ng asawa mo sa mga bagay-bagay ay hindi naman talaga mali dahil lang sa iba iyon sa iyo. Iyan ang natutuhan ni Alex. “Lagi kong iniisip na isa lang ang paraan sa paggawa ng isang bagay, at na ang ibang paraan ay hindi na praktikal,” ang sabi niya. “Pero nang mag-asawa ako, nakita kong marami palang paraan, at ang bawat paraan ay epektibo.”—Simulain sa Bibliya: 1 Pedro 5:5.

Maging makatotohanan. Ang pagiging magkatulad ay hindi nangangahulugan ng pagiging magkaparehong-magkapareho. Kaya huwag isiping isang pagkakamali ang iyong pag-aasawa dahil lang sa may nakita kang ilang pagkakaiba ninyo. “Idinadahilan ng marami, ‘Nabulag ako ng pag-ibig,’” ang sabi ng aklat na The Case Against Divorce. Pero “ipinakikita ng araw-araw ninyong masayang pagsasama,” ang idinagdag pa ng aklat, “na sa kabila ng inyong likas na mga pagkakaiba, puwede ninyong mahalin ang isa’t isa.” Kaya sikapin na “patuloy ninyong pagtiisan ang isa’t isa [kahit na] ang sinuman ay may dahilan sa pagrereklamo laban sa iba.”—Colosas 3:13.

Subukan ito: Isulat ang mga gusto mo, at tingnan kung ano ang pagkakatulad ninyong mag-asawa. Pagkatapos, isulat din ang mga bagay kung saan hindi kayo magkatulad. Makikita mong hindi naman pala ganoon kaseryoso ang inyong mga pagkakaiba gaya ng iniisip mo. Malalaman mo rin sa iyong listahan kung saan ka mas puwedeng magparaya o sumuporta sa asawa mo. “Pinahahalagahan ko ang pakikibagay ng misis ko sa ’kin, at kapag nakikibagay ako sa kaniya, alam kong pinahahalagahan niya rin ito,” ang sabi ni Kenneth. “Kahit na sakripisyo iyon sa bahagi ko, masaya ako kapag nakikita ko siyang masaya.”—Simulain sa Bibliya: Filipos 4:5.

a Binago ang ilang pangalan sa artikulong ito.

MGA SUSING TEKSTO

  • “Patuloy na hanapin ng bawat isa, hindi ang kaniyang sariling kapakinabangan, kundi yaong sa ibang tao.”—1 Corinto 10:24.

  • “Kayong lahat ay magbigkis ng kababaan ng pag-iisip sa pakikitungo sa isa’t isa.”—1 Pedro 5:5.

  • “Makilala nawa ng lahat ng tao ang inyong pagkamakatuwiran.”—Filipos 4:5.

Sina Charlie at Ramona

CHARLIE AT RAMONA

“Kung iisipin mong ‘Hindi talaga kami magkaparehong-magkapareho,’ patuloy ka lang na maghahanap ng mga bagay para patunayan iyan. Sa halip, sikapin ninyong magtulungan na parang isang team, at ituring ang inyong mga pagkakaiba bilang pampalasa, hindi lason. Ang mga problema ay laging may solusyon.”

Sina Benjamin at Chelsea

BENJAMIN AT CHELSEA

“May mga nagsasabi, ‘Magkaiba ang music na gusto namin’ o, ‘Hindi kami magkapareho ng pinapanood na pelikula.’ Baka hindi lang iyan ang masasabi ng mga mag-asawa. Pero kung mapuputol ng mga ‘di-pagkakatulad’ ang relasyon ng mag-asawa, mababale-wala ang masasayang pinagsamahan nila at hindi na nila magagawa ang mga bagay na gusto nila.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share