Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g16 Blg. 4 p. 4
  • 1 Maging Makatotohanan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 1 Maging Makatotohanan
  • Gumising!—2016
  • Kaparehong Materyal
  • Hayaan Mong Makinabang Ka sa Kinaugalian Mo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Introduksiyon
    Gumising!—2016
  • Posible Bang Mapagtagumpayan ang Masasamang Kinagawian?
    Gumising!—2004
  • 2 Kontrolin ang Iyong Sitwasyon
    Gumising!—2016
Iba Pa
Gumising!—2016
g16 Blg. 4 p. 4
Babaeng gumagawa ng listahan

TAMPOK NA PAKSA | KUNG PAANO MAKIKINABANG SA IYONG NAKAUGALIAN

1 Maging Makatotohanan

Baka natutukso kang baguhin agad ang lahat ng bagay sa buhay mo. Sinasabi mo, ‘Sa linggong ito, hindi na ako maninigarilyo, magmumura, magpupuyat, sa halip, mag-eehersisyo na ako, kakain ng masustansiyang pagkain, at tatawagan ko na ang lolo’t lola ko.’ Pero kung sabay-sabay mong aabutin ang lahat ng tunguhin mo, wala ka ngang maaabot!

SIMULAIN SA BIBLIYA: “Ang karunungan ay nasa mga mahinhin.”—Kawikaan 11:2.

Ang taong mahinhin ay makatotohanan. Kinikilala niyang limitado ang kaniyang panahon, lakas, at pag-aari. Kaya sa halip na baguhin agad ang lahat ng bagay, unti-unti niya itong ginagawa.

Kung sabay-sabay mong aabutin ang lahat ng tunguhin mo, wala ka ngang maaabot!

ANG PUWEDE MONG GAWIN

Unti-unting baguhin ang mga nakaugalian mo. Makatutulong ang sumusunod na hakbang:

  1. Gumawa ng dalawang listahan—listahan ng mabubuting kaugalian na gusto mong taglayin at listahan ng pangit na nakasanayan na kailangan mong alisin. Sa bawat listahan, isulat ang lahat ng maiisip mo.

  2. Magtakda ng priyoridad. Lagyan ng numero ang mga nasa listahan mula sa mahalaga hanggang sa hindi gaanong mahalaga.

  3. Pumili ng ilang nakaugalian—kahit isa o dalawa—mula sa bawat listahan, at magpokus sa mga ito. Pagkatapos, isunod naman ang isa o dalawa na nasa listahan mo.

Pabilisin ang proseso, palitan ng mabubuting nakaugalian ang pangit na mga nakasanayan. Halimbawa, kung nasa listahan mo ang sobrang panonood ng TV, sikaping palitan ito ng pagiging malapít sa iyong mga minamahal. Puwede mong maging determinasyon: ‘Sa halip na manood agad ng TV pagkagaling sa trabaho, makikipagkuwentuhan ako sa isang kaibigan o kamag-anak.’

KAUGNAY NA MGA SIMULAIN SA BIBLIYA

“[Tiyakin] ninyo ang mga bagay na higit na mahalaga.”—Filipos 1:10.

“Mas mabuti ang huling wakas ng isang bagay kaysa sa pasimula nito.”—Eclesiastes 7:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share