Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g16 Blg. 5 p. 12-13
  • Pagiging Mapagpasalamat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagiging Mapagpasalamat
  • Gumising!—2016
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Paano makabubuti sa iyo ang pagiging mapagpasalamat?
  • Paano nakatutulong ang pagiging mapagpasalamat para tumibay ang ating kaugnayan sa iba?
  • Paano ka magiging mapagpasalamat?
  • ‘Magpasalamat sa Lahat ng Bagay’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Sasamantalahin Mo ba ang Pagkakataon?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Turuan ang Inyong mga Anak na Maging Mapagpasalamat
    Tulong Para sa Pamilya
  • Linangin ang Pagiging Mapagpasalamat
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Iba Pa
Gumising!—2016
g16 Blg. 5 p. 12-13
Habang inaayos ng isang lalaki ang sasakyan, isang lalaki ang nagbigay sa kaniya ng malamig na inumin

ANG PANGMALAS NG BIBLIYA

Pagiging Mapagpasalamat

Ang pagiging mapagpasalamat ay napatunayan nang maraming pakinabang—sa pisikal, mental, at emosyonal. Kaya dapat itong gawing bahagi ng buhay ng bawat isa.

Paano makabubuti sa iyo ang pagiging mapagpasalamat?

ANG SABI NG SIYENSIYA SA MEDISINA

Ayon sa isang artikulo sa Harvard Mental Health Letter, “ang pagiging mapagpasalamat ay napatunayang talagang nakapagpapasaya. Nakatutulong ito para magkaroon ng positibong damdamin, masiyahan sa magagandang karanasan, bumuti ang kalusugan, maharap ang mahihirap na problema, at magkaroon ng malapit na kaugnayan sa iba.”

ANG SABI NG BIBLIYA

Hinihimok tayo ng Bibliya na maging mapagpasalamat. “Ipakita ninyong kayo ay mapagpasalamat,” ang isinulat ni apostol Pablo, isang mabuting halimbawa sa bagay na ito. Halimbawa, ‘pinasasalamatan niya ang Diyos nang walang lubay’ dahil sa positibong pagtugon ng mga tao sa kaniyang mensahe. (Colosas 3:15; 1 Tesalonica 2:13) Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula hindi lang sa paminsan-minsang pagsasabi ng salamat kundi sa pagiging mapagpasalamat. Tutulong ito sa atin para maiwasang magmataas, mainggit, at maghinanakit, na dahilan para layuan tayo ng iba at mawalan ng kagalakan.

Ang ating Maylalang ay nagpakita ng mabuting halimbawa sa pagiging mapagpahalaga—kahit sa mga tao! Sinasabi sa Hebreo 6:10: “Ang Diyos ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pag-ibig na ipinakita ninyo para sa kaniyang pangalan.” Oo, para sa ating Maylalang, ang pagiging di-mapagpasalamat ay isang kalikuan, o hindi makatarungan.

“Lagi kayong magsaya. . . . Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo.”—1 Tesalonica 5:16, 18.

Paano nakatutulong ang pagiging mapagpasalamat para tumibay ang ating kaugnayan sa iba?

ANG IPINAKIKITA NG KARANASAN

Kapag taimtim tayong nagpapasalamat—sa regalo, mabait na pananalita, o praktikal na tulong—naipadarama natin sa nagbibigay ang ating pagpapahalaga. Kahit nga mga estranghero ay natutuwa kapag pinasalamatan sila dahil sa kanilang mabait na paggawi, gaya ng pagbubukas ng pinto.

ANG SABI NG BIBLIYA

Sinabi ni Jesu-Kristo: “Ugaliin ang pagbibigay, at ang mga tao ay magbibigay sa inyo. Ibubuhos nila sa inyong kandungan ang sukat na mainam, pinikpik, niliglig at umaapaw.” (Lucas 6:38) Tingnan ang karanasan ni Rose, isang bingi na taga-Vanuatu, isang isla sa Timog Pasipiko.

Dumadalo si Rose sa Kristiyanong mga pulong ng mga Saksi ni Jehova pero hindi siya gaanong nakikinabang dahil hindi siya marunong ng wikang pasenyas pati na ang mga nasa kongregasyon. Nang bumisita sa kongregasyon ang isang mag-asawang mahusay mag-interpret ng wikang pasenyas, nalaman nila ang tungkol dito kaya pinasimulan nila ang isang klase sa wikang pasenyas. Laking pasasalamat ni Rose at sinabi, “Masaya ako dahil marami akong kaibigan na nagmamahal sa akin.” Sapat nang pasasalamat para sa mag-asawang tumulong sa kaniya na makita ang kaniyang pagtanaw ng utang na loob at pakikibahagi sa mga pulong. Lubos ding pinahahalagahan ni Rose ang pagsisikap ng iba na matuto ng wikang pasenyas para makausap siya.—Gawa 20:35.

“Ang naghahandog ng pasasalamat bilang kaniyang hain ang siyang lumuluwalhati sa [Diyos].”—Awit 50:23.

Paano ka magiging mapagpasalamat?

ANG SABI NG BIBLIYA

Ang ating nadarama ay nauugnay sa ating iniisip. Ang manunulat ng Bibliya na si David ay nanalangin sa Diyos at nagsabi: “Binubulay-bulay ko ang lahat ng iyong mga gawa; kusang-loob kong itinutuon ang aking pansin sa gawa ng iyong mga kamay.” (Awit 143:5) Maliwanag na pinag-isipang mabuti ni David ang mga ginawa ng Diyos para sa kaniya. Naging mapagpasalamat siya dahil lagi niyang binubulay-bulay ang mga daan ng Diyos.—Awit 71:5, 17.

Nagbibigay sa atin ng mahusay na payo ang Bibliya: ‘Anumang bagay na totoo, kaibig-ibig, mabuting ulat, at kapuri-puri—patuloy na isaalang-alang ang mga bagay na ito.’ (Filipos 4:8) Muli, ipinakikita ng mga salitang “patuloy na isaalang-alang” na kailangan natin ang regular na pagbubulay-bulay para maging mapagpasalamat.

“Ang pagbubulay-bulay ng aking puso ay sa mga bagay tungkol sa unawa.”—Awit 49:3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share