Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g17 Blg. 2 p. 8-9
  • Kapag Namatay ang Iyong Magulang

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapag Namatay ang Iyong Magulang
  • Gumising!—2017
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ANG HAMON
  • ANG DAPAT MONG MALAMAN
  • ANG PUWEDE MONG GAWIN
  • Kapag Nangungulila ang mga Anak
    Gumising!—2017
  • Bakit Nagdadalamhati Ako Nang Ganito?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Paano Ko Makakayanan ang Pagkamatay ng Aking Magulang?
    Gumising!—2009
  • Tulong Para sa mga Nagdadalamhati
    Gumising!—2011
Iba Pa
Gumising!—2017
g17 Blg. 2 p. 8-9
Batang nakahawak sa kamay ng adulto habang nasa sementeryo

TULONG PARA SA PAMILYA | KABATAAN

Kapag Namatay ang Iyong Magulang

ANG HAMON

Anim na taon lang si Dami nang mamatay ang tatay niya dahil sa aneurysm. Siyam na taóng gulang naman si Derrick nang mamatay ang tatay niya dahil sa sakit sa puso. Si Jeannie ay pitong taóng gulang nang mamatay ang nanay niya matapos ang isang-taóng pakikipaglaban sa ovarian cancer.a

Napakaaga nilang namatayan ng mahal sa buhay. Ganiyan din ba ang kuwento ng buhay mo? Kung oo, matutulungan ka ng artikulong ito na makayanan ang pangungulila.b Pero alamin muna natin ang ilang bagay tungkol sa pangungulila.

ANG DAPAT MONG MALAMAN

Maraming paraan sa pagdadalamhati. Ibig sabihin, ang paraan mo ng paglalabas ng iyong nadarama ay baka hindi katulad ng sa iba. “Walang sinusunod na simpleng parisan o listahan ng mga alituntunin para makayanan ang pagdadalamhating dulot ng kamatayan,” ang sabi ng aklat na Helping Teens Cope With Death. Ang mahalaga ay hindi natin sinasarili ang ating pangungulila. Bakit? Dahil . . .

Nakasasamâ ang pagkikimkim ng nadaramang pangungulila. Si Jeannie, na binanggit sa simula, ay nagsabi: “Sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong magpakatatag para sa nakababata kong kapatid, kaya sinarili ko na lang ang nararamdaman ko. Kahit ngayon, madalas na hindi ko ipinakikitang nasasaktan ako, at hindi iyon nakabubuti sa akin.”

Sang-ayon diyan ang mga eksperto. “Hindi mo maikakaila o maitatago ang damdamin mo habang panahon,” ang sabi ng aklat na The Grieving Teen. “Lalabas at lalabas iyon sa panahong hindi mo inaasahan, posibleng sa pamamagitan ng silakbo ng emosyon o pagkakasakit.” Sa pagsisikap na kalimutan ang kinikimkim na pangungulila, maaaring bumaling ang isa sa pag-abuso sa alak o droga.

Posibleng makadama ng nakalilitong damdamin ang isang nangungulila. Halimbawa, may ilang nagagalit sa namatay dahil pakiramdam nila ay inabandona sila. Sinisisi ng iba ang Diyos, at iniisip na dapat sana ay hindi niya hinayaang mangyari iyon. Sinisisi naman ng marami ang sarili nila dahil sa nagawa o nasabi nila sa namatay, kasi hindi na sila makahingi ng tawad.

Maliwanag, hindi simpleng proseso ang pangungulila. Ano ang makatutulong para makapagpatuloy ka sa buhay?

ANG PUWEDE MONG GAWIN

Makipag-usap. Sa ganitong mga panahon, malamang na mas gusto mong mapag-isa. Pero ang pagsasabi ng niloloob mo sa isang kapamilya o kaibigan ay makatutulong para makayanan mo ang kirot na nadarama mo at huwag madaig ng trahedyang ito.—Simulain sa Bibliya: Kawikaan 18:24.

Gumawa ng diary. Magsulat ng mga bagay tungkol sa namatay na magulang. Halimbawa, ano ang hinding-hindi mo makakalimutan sa kaniya? Isulat ang magagandang katangian niya. Alin sa mga iyon ang gusto mong tularan?

Kung hindi mawala-wala ang mga negatibong kaisipan—halimbawa, kung lagi mong naiisip ang tungkol sa masasakit na nasabi mo sa iyong magulang bago siya namatay—isulat kung ano ang nadarama mo at kung bakit. Halimbawa, “Nakokonsensiya ako kasi nagtalo kami ni Tatay isang araw bago siya mamatay.”

Sumunod, tingnan kung talagang makatuwiran ang paninisi mo sa iyong sarili. “Hindi mo masisisi ang sarili mo dahil hindi mo naman alam na wala ka nang pagkakataong mag-sorry,” ang sabi ng The Grieving Teen. “Hindi makatotohanang isipin na ang isa ay hindi makapagsasalita o makagagawa ng isang bagay na kailangan niyang ihingi ng tawad sa bandang huli.”—Simulain sa Bibliya: Job 10:1.

Alagaan ang iyong sarili. Matulog at mag-ehersisyo nang sapat, at kumain ng masusustansiyang pagkain. Kung wala kang gana, kumain nang ilang beses sa maghapon ng kahit kaunti pero masustansiyang meryenda—hanggang sa bumalik ang iyong gana. Huwag daanin sa junk food o alak ang iyong pangungulila. Lalo lang nitong palalalain ang sitwasyon.

Manalangin sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya: “Ihagis mo ang iyong pasanin kay Jehova, at siya ang aalalay sa iyo.” (Awit 55:22) Ang pananalangin ay hindi lang nakapagpapagaan ng loob. Pakikipag-usap ito sa Diyos na ‘umaaliw sa atin sa lahat ng ating kapighatian.’—2 Corinto 1:3, 4.

Ginagamit ng Diyos ang kaniyang Salita, ang Bibliya, para aliwin ang mga nagdadalamhati. Bakit hindi mo alamin ang itinuturo nito tungkol sa tunay na kalagayan ng mga patay at ang pag-asang pagkabuhay-muli?c—Simulain sa Bibliya: Awit 94:19.

a Mababasa mo rin ang kuwento ng buhay nina Dami, Derrick, at Jeannie sa susunod na artikulo.

b Ang artikulong ito ay para sa namatayan ng magulang, pero ang mga prinsipyong tatalakayin dito ay puwede rin sa namatayan ng kapatid o kaibigan.

c Tingnan ang kabanata 16 ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1. Mada-download ito nang libre sa www.jw.org/tl. Tingnan sa PUBLIKASYON.

MGA SUSING TEKSTO

  • “May kaibigang mas malapít pa kaysa sa isang kapatid.”—Kawikaan 18:24.

  • “Ako ay magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa!”—Job 10:1.

  • “Nang ang aking mga nakababalisang kaisipan ay dumami sa loob ko, ang iyong [ang Diyos] mga pang-aaliw ay nagsimulang humaplos sa aking kaluluwa.”—Awit 94:19.

MATUTULUNGAN MO ANG IBA

“Saksi ni Jehova ang aming pamilya. Ilang taon lang ang nakalilipas, dalawang batang kakilala namin ang naulila ng kanilang inang may kanser. Halos kaedad namin sila ng kapatid kong babae—edad 6 at 3—nang maulila kami sa ama, mga 17 taon na ang nakararaan.

“Si Nanay, ako, ang nakababata kong kapatid na babae, at ang bunso naming lalaki ay nagpasiyang tumulong sa pamilya nila. Niyayaya namin sila sa bahay namin. Nakikinig kami kapag gusto nilang ilabas ang niloloob nila. Naglalaan kami ng panahon para sa kanila. Sinisikap naming ibigay anuman ang kailangan nila—kalaro man, kausap, o tagapayo.

“Napakasakit mamatayan ng magulang, at hinding-hindi mawawala ang kirot na iyon. Makabawi ka man, babalik at babalik pa rin ang kirot ng pangungulila. Pinagdaanan ko ang pinagdaraanan ng pamilyang ito, kaya natutuwa ako na nakatulong ang pamilya namin sa kanila. Dahil dito, naging malapít kami sa kanila at sa isa’t isa.”—Dami.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share