Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g20 Blg. 1 p. 5-7
  • Ano ang Stress?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Stress?
  • Gumising!—2020
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • NAKAKABUTI AT NAKAKASAMANG STRESS
  • Stress—Ang Epekto Nito sa Atin
    Gumising!—2010
  • Nakabubuting Kaigtingan, Nakasasamang Kaigtingan
    Gumising!—1998
  • Kaigtingan—Mga Sanhi at Epekto Nito
    Gumising!—2005
  • Kung Paano Makokontrol ang Stress
    Gumising!—2010
Iba Pa
Gumising!—2020
g20 Blg. 1 p. 5-7
Isang negosyante na nagmamadaling pumasok sa isang gusali.

MAKAKAYANAN MO ANG STRESS

Ano ang Stress?

Ang stress ay ang reaksiyon ng iyong katawan sa isang napakahirap na sitwasyon. Magpapadala ang utak ng napakaraming hormone sa iyong buong katawan. Dahil dito, bibilis ang tibok ng puso mo pati na ang iyong paghinga, tataas ang presyon ng dugo mo, at magkakaroon ng tensiyon sa iyong mga muscle. Pero bago mo pa mapansin ang mga pagbabagong ito, handang-handa na ang buong katawan mo. Kapag natapos na ang nakaka-stress na sitwasyon, babalik na sa normal ang katawan mo.

NAKAKABUTI AT NAKAKASAMANG STRESS

Ang stress ay isang likas na reaksiyon na tutulong sa iyo na maharap ang mahirap o mapanganib na mga sitwasyon. Nagsisimula ang reaksiyong ito sa iyong utak. Nakakabuti ang stress dahil tutulong ito sa iyo na kumilos agad. At kung tama ang antas ng iyong stress, tutulong ito sa iyo na magawa ang mga gusto mong gawin o maging mahusay, halimbawa, sa panahon ng exam, interbyu sa trabaho, o maging sa isport.

Pero ang chronic stress, o matagal at matinding stress, ay makakasamâ sa iyo. Kapag patuloy at paulit-ulit na ang stress mo, posibleng maapektuhan ang iyong pisikal, emosyonal, at mental na kalusugan. Baka magbago rin ang iyong pag-uugali at pakikitungo sa iba. At para makalimutan ang stress, ang ilan ay gumagamit ng droga o nalululong sa ibang bisyo. Baka mauwi pa nga ito sa depresyon, sobra-sobrang pagod o burnout, o sa pagnanais na magpakamatay.

Iba-iba ang epekto ng stress sa bawat tao. Puwede itong maging dahilan ng iba’t ibang sakit at naaapektuhan nito ang halos buong katawan.

EPEKTO NG STRESS SA KATAWAN MO

Nervous system.

Isang lalaki na nakahawak sa kaniyang noo at nararamdaman ang epekto ng stress.

Ang nervous system ang nagdidikta sa katawan na maglabas ng mga hormone, gaya ng adrenaline at cortisol. Pinapabilis ng mga ito ang tibok ng puso, pinapataas ang blood pressure pati na ang glucose sa iyong dugo. Dahil dito, bumibilis ang reaksiyon mo sa panganib. Pero kapag sobra ang stress, posible itong mauwi sa

  • pagiging iritable, pagkabalisa, depresyon, pananakit ng ulo, problema sa pagtulog o insomnia

Musculoskeletal system.

Para maprotektahan ka sa posibleng pinsala, nagkakaroon ng tensiyon sa iyong mga muscle. Pero kapag sobra ang stress, posible itong mauwi sa

  • pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, muscle spasm

Respiratory system.

Bumibilis ang iyong paghinga dahil kailangan ng katawan mo ng mas maraming oxygen. Pero kapag sobra ang stress, posible itong mauwi sa

  • paghingal o hyperventilation, pangangapos ng hininga, pati na ang pagsumpong ng panic attack kung mayroon ka nito

Cardiovascular system.

Bumibilis at lumalakas ang pagtibok ng iyong puso para mas makadaloy ang dugo sa buong katawan. Lumuluwag o sumisikip ang mga ugat para makadaloy ang dugo sa parte ng iyong katawan na mas nangangailangan nito, gaya ng iyong muscle. Pero kapag sobra ang stress, posible itong mauwi sa

  • altapresyon, atake sa puso, stroke

Endocrine system.

Ang mga glandula sa katawan ang naglalabas ng mga hormone, gaya ng adrenaline at cortisol, na tumutulong sa katawan na maharap ang stress. Pinapataas ng atay ang iyong blood-sugar level para lalo kang lumakas. Pero kapag sobra ang stress, posible itong mauwi sa

  • diyabetis, paghina ng resistensiya kaya madaling magkasakit, pabago-bagong emosyon, pagtaas ng timbang

Gastrointestinal system.

Nahihirapan ang katawan mo na iproseso ang pagkain. Pero kapag sobra ang stress, posible itong mauwi sa

  • pagduduwal, pagsusuka, diarrhea, hiráp sa pagdumi

Reproductive system.

Naaapektuhan ng stress ang mga organ sa pag-aanak at ang kagustuhang makipag-sex. Pero kapag sobra ang stress, posible itong mauwi sa

  • kawalan ng kakayahan sa sex, pagiging iregular ng regla o paghinto nito

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share